Chapter 13 Halos patakbo akong sumunod kay Earwin dahil ang sama ng tingin niya sa akin. Tawa lang nang tawa ang mga taga Section Sea habang sumusunod ako sa kaniya. "Bilisan mo," "Wait lang kasi diba!? Bakit ba madaling madali ka ha?!" inis na reklamo ko habang sumusunod sa kaniya. Madaliin pa naman ako? Huminto siya kaya huminto na rin ako. Nasa rooftop pala kami. Inikot ko ang paningin ko at dinama ang hangin. Malamig din pala dito, ano? Tiningnan ko si Earwin, napatigil ako nang bigla akong may narealize. "Paano klase natin? Nag cut tayo!" sigaw ko sa kaniya. "Psh, bakit mo ko sinuntok?" binaliwala niya ang tanong ko. Pinagkunutan ko siya ng noo. Bahala siya dyan kapag pinagalitan kami. Napairap ako at tiningnan siya. "Sinapak mo kaya si Ced!" sambit ko dahil iyon lang naman

