Chapter 29 "Oh mukhang nag-iiyakan kayo rito ah?" nakita namin si Thazar na nakangising papasok sa loob ng kwartong pinaglalagyan naming lahat. "Hindi pa kayo kompleto pero gusto ko ng umpisahan dahil kating kati na ako masaktan ang babaeng 'to." sambit niya at lumapit sa akin. "Kunin niyo ang na ang tubig," pagkasabi niya no'n ay hinila niya ako para makatayo. Lumakad siya pero hindi ako lumakad, nakatali ang paa ko kaya halos matumba na ako. "Kalagan niyo sa paa," sambit niya kaya kinalagan nga ako. Ngumisi ako sa kaniya, mali ka ng kinalagan. Hinawakan niya ako sa buhok. "Gago ka, bitawan mo si Ash!" si Kahlil. "Don't touch her!" sigaw ni Shasha. "Pvtang'na, sabing bitaw!" si Gabriel naman. Pagdating ng mga kalalakihan ay may dala silang malaking lalagyan ng tubig hindi ko ala

