Chapter 21 Hindi pa ako ready pumasok ngayon, ang kaso ay pinipilit ako ni Raia pumasok daw ako, sabay daw kami. "Sige na kasi! Iiyak na ako dito!" napataas ako ng kilay sa sinabi niya at natawa. Para talaga siyang bata. "Umalis ka na, malelate ka na," sambit ko na kinanguso niya. "Sige na kasi! Balita ko ando'n na ang leader ng DM! Diba gusto mo siya makita?" agad akong napabalikwas sa kama ko at gulat na tumingin sa kaniya. "Sure ka?" tanong ko kaya tumango tango siya at ngumiti bumulong pa siya ng 'yes' sa sa sarili niya na parang tuwang tuwa. "Hintayin mo 'ko magbibihis lang ako." sambit ko at dali daling pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos ko gawin 'yon ay nagbihis na ako,nanghiram ulit ako ng damit kay Raia. "Done!" sambit ko kaya ngumiti siya ng malapad. "Let's goo!" siga

