Chapter 26 Pagkapasok ko sa bahay ay nakapatay na ang ilaw kanina pa nakaalis 'yung tatlo. Ginabi na kami ng uwi kaya paniguradong tulog na sila. Muntik na akong mapatili dahil sa may humawak sa akin sa balikat, gulantang akong tumingin kay Raia. "Grabe, nakakagulat ka!" gulantang sambit ko sa kanya pero tumawa lang siya. "Saan kayo galing? bakit ang tagal mong umuwi?" tanong niya. "Ikaw bakit hindi ka pa natutulog?" balik kong tanong. Grabe alas dyes na ng gabi, gising pa rin siya. "Hinintay kita," ngumuso siya at humikab siguro kanina pa siya naghihintay. "Matulog na tayo, inaantok ka na." sambit ko na kinaliwanag ng mata niya. "Tabi tayo?" natutuwang sambit niya "Hindi!" agad na sabi ko kaya nalungkot ang mukha niya. Tumingin ako sa kanya,sa bagay naghintay rin naman siya. Ka

