Ch 48 - Even to the Depths of Hell

1122 Words

    Dahan-dahan na bumagsak ang mga kamay ni Eleonor sa magkabilang gilid. Habang unti-unting sinasariwa ng kanyang isipan ang mga narinig, kaagad siyang napatayo at humakbang sa direksyon palabas.      Hinagit ni Pierre ang kanyang braso upang siya’y pigilan. Nang magtama ang mga mata nila’y umiling ito. “Gael is trying to calm her down.”      Napa-pikit ang dilag kasabay ng pagsapo sa kanyang leeg. Ang imahe ng pugot na ulo ng kanyang Tiya Mercedes ay patuloy na lumilitaw sa kanyang isipan. “Hindi ako makapaniwala na nagawa nila iyon kay Tiya Mercedes.” mahina ngunit mariin niyang bulalas.      Hinila siya ng binatang Alpha pasuklob sa isang yakap at marahang hinaplos ang kanyang likuran. Walang kataga na namutawi sa labi nito, tila naghihintay lamang na kumalma ang kanyang kalooban.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD