Kinuyom ni Alison ang magkabilang kamay ng kapatid na si Madison habang nangingilid ang mga luha sa gilid ng kanyang mata. Gayak na gayak na ito and handa nang lumisan kasama ang ama nitong si Westor ngunit hindi niya magawang pakawalan mga kamay nito. “Ali.” malumanay na pagtawag nito sa pangalan niya. Pigil din ang mga luha nito na naka-ambang tumulo anumang oras. “Babalik naman kami sa oras na mailabas namin si Mama sa mansyon. This is not goodbye.” “Hindi mo ‘ko masisisi.” Kumawala na sa bibig ng dilag ang mumunting mga hikbi. “Ito ang unang pagkakataon na magkakahiwalay tayo.” “I didn’t know you could sound like an actual little sister.” natatawang bulalas ng kapatid sa kabila ng tuluyang pag-agos ng luha sa pisngi.”Minsan nakakalimutan kong mas matanda ako sa’yo

