"He knew it, Rhea Lyn. Kung matanda nga naman si Patricia kay Jace, ibig sabihin may nangyayari na kina Jane at Patrick hindi pa man sila ikinakasal. I was a virgin when he took me. Natural alam ng mga lalaki 'yun!" "E bakit sabi mo parang wala namang nangyari kinabukasan at sa mga sumunod na araw na nagkita kayo?" "Yun nga ang ipinagtataka ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa totoo lang. Kahit ang galit ngayon ni Patrick kay Jane hindi ko inaasahan." "Bakit hindi mo pa inaasahan? Kahit naman sino magagalit sa inaasal ng kakambal mo, Janine." "I know... Pero ganoon na talaga si Jane kahit noon. Paborito kasi siya ni Mama hanggang sa gusto na nilang idikta lahat kung ano ang dapat niyang gawin. Kaya ayan, para siyang nagre-rebelde na lahat tuloy ng dapat niyang gawin, yung kabaligta

