At dahil wala pa namang files sa opisinang gamit niya ay nagtungo si Janine sa opisina ng kapatid niya. Nagulat siya sa dinatnan. Totoo ang sinabi ni Patrick na hindi nito alam kung paano nakakapagtrabaho nang maayos ang kakambal niya sa ganito kagulong opisina. Para iyong bodega kaysa executive office. Kailangan niya tuloy isa-isahin ang mga folders na nasa table nito. Mabuti na lang hindi naman maalikabok doon at malakas ang aircon. Nagawa niyang isa-isahin ang kailangan niya para madala sa opisina niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aanalisa ng mga sales reports nang kumatok si Lindsay. May dala itong kape at butter croisant. "Sa akin? Kanino galing?" "Kay Sir Patrick ho. At saka lagi niya tinatanong kung ano na ginagawa niyo. Sabi ko ho kanina nililinis niyo 'yung kalat sa opisin

