Chapter 6

1666 Words
Nagising si Patrick na wala ang asawa sa tabi kinabukasan. Masakit ang ulo niya sa dami ng nainom kagabi. Pero hindi niya malilimutan ang masarap na honeymoon nila ng asawa na itutuloy naman nila sa Palawan mamaya. Nakangiti siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Nakita niyang naroon ang mga pinaghubaran ni Jane kasama ang wedding gown nito. Hindi ba't may strap ang bra nito kagabi? Ang nasa banyo ay strapless at wala doong pantyhose. Baka itinapon na ng asawa niya sa basurahan dahil halos mapunit niya iyon sa pagmamadali na angkinin ito. Nang maalala ang nangyari sa kanila sa nagdaang gabi ay nag-init kaagad ang pakiramdam niya. Kung puwede lang ay hindi muna sila bumangon ngayon kung hindi lang wala na si Jane paggising niya. Gusto pa sana niyang kayakap ito dahil hindi pa naman siya nagugutom. Pagbaba niya ay wala ang mga biyenan niya doon. Wala rin si Jane. Tinanong niya sa katulong ang asawa at ang sabi ay maaga itong umalis. Saan naman ito nagpunta? Papasok na siya ulit sa bahay nang makitang palabas naman ang kakambal ng asawa niya na si Janine. May dala itong maleta na nagpakunot ng noo niya. Wala siyang ideya na paalis ito. Kumpara kay Jane, si Janine ay mas simple at tahimik. Ni hindi nga sila nagkakausap madalas. Sa halip na magkalapit sila dahil isa na rin silang buong pamilya, mas lalo yata nitong inilalayo ang sarili sa kanya at wala siyang ideya kung bakit. Umatras siya nang makitang may kasama itong lalaki palabas ng bahay. Nag-uusap kasi ang dalawa at bigla na lang ay narinig niya ng pangalan niya. Nagkubli siya sa halamanan. "Sus, 'yang kapatid mo hindi naman seryoso sa pag-aasawa. Dapat kasi ikaw na lang ang ipinilit na ipakasal eh." "Hindi nga ako ang gusto. Bakit ba ang kulit mo?" "Ano ba ang pagkakaiba niyo ni Jane? Ay oo nga pala, mas malambing ka at mas mabait. Mas tahimik rin at hindi maluho katulad ng kapatid mo. Hindi ka rin mahilig sa party at hindi ka bumabarkada kung kani-kaninong lalaki. Hindi ba dapat mas kaibig-ibig naman 'yun?" "Kaibig-ibig nga, kung wala talagang gusto sa 'kin, ano naman ang magagawa natin? Hindi natuturuan ang puso." "Hmmm... Kaya ba hindi mo rin mapilit na kalimutan siya kasi hindi natuturuan ang puso?" "Ano ka ba! Marinig ka ng mga katulong!" "Ay sorry naman! Pero siguro naman malilimutan mo rin 'yang Patrick na 'yan pagdating mo sa Canada. Aba'y maraming gwapong Papa doon no! Mas gwapo, mas maputi, mas matangkad... At yung hindi baliw na baliw sa kapatid mo." "Tara na nga, kung ano anong pinagsasabi mo. Ilagay mo na sa compartment 'yang maleta nang makalayas na 'ko dito." Sumakay na sa kotse ni Janine ang dalawa habang siya ay naestatwa na lang sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa narinig na may gusto rin ang kakambal ng asawa niya sa kanya. Kailan pa? Iyon ba ang dahilan kung bakit palagi niya itong nahuhuling nakatingin pala sa kanya? Nasaktan ba ito nang ikasal sila ni Jane kaya't palagi itong umiiwas sa kanya? Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ni Janine ay lumabas na siya sa pinagkukublihan. Napailing na lang siya sa mga narinig. Mabuti pala na paalis na ito papuntang ibang bansa dahil tiyak na maiilang siya kapag nagkaharap sila. Kay Jane siya may gusto at mahal na mahal niya ang asawa. Tama lang na umalis si Janine nang makalimutan nito ang damdamin para sa kanya. Nang makabalik siya sa silid ay tinawagan niya si Jane. Pabalik na daw ito galing sa isang breakfast meeting. "Breakfast meeting? We just got married, babe, bakit tumanggap ka pa ng appointment nang ganitong petsa?" "Ano naman kung kakakasal natin? This is business, Patrick. At bakit kinukwestyon mo yata ang desisyon ko?" "Hindi naman sa kinukwestyon..." Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang mag-away nang ganito kaaga. "But, this is our first day as husband and wife. Hindi ba't dapat naman na ako ang kasama mo sa agahan? Bakit ibang tao pa?" "Tsss.... Oo na, pabalik na 'ko. Maghintay ka na lang d'yan." Wala naman talaga siyang choice kung hindi ang maghintay. Pero dahil kumain na si Jane sa labas ay nagtungo na siya sa kusina para mag-almusal na rin. Alas onse pa naman ang alis nila papuntang Palawan na matagal niya nang na-book. Pagdating ni Jane sa bahay ay dumapa ito sa higaan na tila pagod. Nawala na ang inis niya kanina. Lumapit siya dito at pumatong sa ibabaw nito. "P-patrick, sandali..." "What's wrong?" "H-hindi puwede ngayon. Ano kasi eh... may mens ako..." "What? Are you serious? Wala naman 'yan kagabi ah!" Gusto niyang ibato ang alarm clock sa bedside table at ihagis iyon sa kung saan. Yung kanina pa siya nananabik na maangkin itong muli pero hindi na pala puwede. "I'm sorry..." Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Katulad ng dati ay wala na naman siyang magawa. Hindi naman kasalanan ni Jane ang datnan ng buwanang dalaw. "Paano 'yung honeymoon natin sa Palawan?" "Puwede naman siguro tayong mamasyal na lang?" Napilitan siyang tumango. Isang linggo 'yun. At ang alam niya'y isang linggo din inaabot ang mens babae. Ibig sabihin ay malabo na may maganap na sexy time sa kanila sa Palawan. Pahihirapan lang niya ang sarili na katabi ang asawa pero hindi niya puwedeng angkinin. Natuloy ang honeymoon nila kahit halos puro trabaho lang din ang inatupag ni Jane sa hotel dahil dinala nito ang laptop kahit tutol siya. Hindi raw kasi ito mahilig sa pamamasyal lalo na kung mainit ang panahon. Sa ilang araw nila sa Palawan ay natulog at nagmukmok lang sila sa hotel. "I have a business conference next week," aniya kay Jane nang pabalik na sila sa Maynila. Dapat ay sa condo niya na sila titira dahil iyon ang napagkasunduan nila bago ikasal. "Gusto mo bang sa inyo na muna tayo para hindi ka mag-isa sa condo habang wala ako?" "Hindi na, okay na sa 'kin ang condo mo. Mangungulit lang 'yun si Mama kapag umuwi ako ulit sa bahay. Ayaw na yata niya ng may anak na nada poder nito. Si Janine nga nagpunta na sa Canada. "Hmmm... Bakit nga ba biglang lumipad patungong ibang bansa ang kapatid mong 'yun?" mataktika niyang tanong. Gusto niyang malaman kung alam ba ni Jane ang damdaming inuukol sa kanya ng kapatid nito. "Gusto lang nun ng malayang buhay. Napaka-strict kasi ni Mama mula nang mamatay si Papa. Kung ako nga rin magkaroon ng pagkakataon na umalis sa Pilipinas, aalis ako eh." "Hmmm..." Binitiwan niya ang hawak na damit na itinutupi sa maleta saka yumakap siya sa asawa. Pinisil niya ang dibdib nito para pag-initin ang katawan. Gustong mangunot ang noo niya sa nasalat. Iba ang pakiramdam ngayon. Bagama't matayog naman ang nasasalat niya, tila iba ang lambot at laki niyon. "Patrick... Tapusin mo muna kaya ang tinutupi mo?" "May bisita ka pa ba? Baka naman puwede na... Sabik na 'kong angkinin ka, misis ko..." "Mahuhuli tayo sa flight, ano ba..." Bumitiw naman siya sa pagkakayakap dahil nasa boses ni Jane na wala ito sa mood na makipagtalik. Pero mamayang pag-uwi nila sa condo ay hindi na ito makakatanggi pa. Kung may kakaiba siyang napapansin sa asawa ay ang pagiging antukin nito simula nang magbakasyon sila sa Palawan. Pagdating nila sa condo ay humiga ito kaagad na tila pagod na pagod. Hinayaan naman niyang makatulog ito na tiyak na nahapo sa biyahe. Nagluto siya ng hapunan nilang dalawa. Pero sa himbing ng tulog nito ay lumamig na rin ang pagkain hanggang nakatulog na rin siya kahihintay kung kailan ito magigising. Naalimpungatan siya nang makarinig ng kaluskos sa paligid. Wala na pala sa tabi niya si Jane na ngayon ay iniinit na ang pagkaing inihanda niya kanina. "Hmmm... Nagising ka rin sa wakas..." "Nagutom kasi ako. Kumain ka na ba?" "Hindi rin. Ikaw kasi ang gusto kong kainin." Ngumisi siya saka nagsimulang paulanan ito ng halik sa pisngi at tainga. Pilit pa itong kunakawala pero hindi niya na hinayaang manalo ito. Tapos na ang pagbibigay niya. "Patrick..." "Bakit ba kung makapalag ka parang hindi mo gusto ng mga halik ko ngayon?" "H-hindi naman sa ganoon... Nagugutom lang talaga ako." "I never imagined that after the wedding , we will never spend our honeymoon. I love you so much, Jane..." Hindi na ito tumanggi nang iniharap niya itong pilit. Pero iba ang pagtugon nito ngayon. Pakiramdam niya'y ibang babae ang nakatalik niya nang dalawang beses noon. O baka lasing lang siya sa dalawang beses na iyon kaya't iba ang pakiramdam niya. At sa dalawang beses na 'yun ay sa dilim niya ito nakatalik. Ngayon ay maliwanag ang ilaw sa nightstand. Sinunod niya ang pangangailangan ng katawan. Hindi na tumanggi si Jane bagama't hindi ganoon kainit ang pagganti nito sa mga halik niya. Baka wala lang ito sa mood dahil sa pagod. Nang ipasok niya ang p*********i sa kaselanan ito ay mas lalo siyang nagtaka. Nakailang ulos siya pero hindi niya maramdaman ang kasiyahan. May hinahanap siyang hindi niya maintindihan. Nakaraos naman siya sa init ng katawan pero parang may kulang. Hindi ganito ang naramdaman niya sa dalawang beses niyang naangkin noon si Jane. May ideyang pumasok sa isip niya pero kaagad niyang pinalis. Kung si Janine ang nakatalik niya sa dalawang beses na iyon ay nangangahulugang nagtaksil siya kay Jane. Pero kung iyon nga ang nangyari ay dapat birhen pa si Jane ngayon. It's not that he would judge his wife into engaging into pre-marital s*x. Hindi naman iyon ang batayan kaya niya ito pinakasalan. Pero birhen ang una niyang nakatalik. At may pagmamalaki siya noong gabing iyon na siya ang nakauna sa kasintahan na ngayon ay asawa na. Iba ang dulot niyon sa pride ng mga lalaki. But then, he dismissed his thoughts right away. Si Jane ang nakatalik niyang iyon at noong pagkatapos sila ikasal. Sa dalawang beses na iyon ay sa silid ni Jane naganap ang lahat. Kaya si Jane lang iyon at wala nang iba pa. Hindi siya nagtaksil kay Jane. At hindi siya magtataksil kailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD