Bakit hindi mo na naman kasama ang asawa mo?" tanong ng Papa ni Patrick nang dumating siya sa bahay ng mga magulang. As usual, marami na namang dahilan si Jane para hindi sumama sa mga lakad niya. Kanina ay birthday party ng anak ng isa nilang tauhan pero wala ito. Noong nakaraang linggo ay may business conference siya sa Cebu at gusto niya sana itong kasama pero tumanggi ito dahil palagi daw masama ang pakiramdam.
"Nahihilo daw ho. Nagkikita-kita naman daw ho tayo sa opisina."
"But this is a family dinner, not a conference meeting. Ano naman kung nagkikita tayo sa opisina?" katwiran naman ni Dianne na kapatid niya. Sa lahat ng miyembro ng pamilya niya, ito lang ang hindi pabor sa pagpapakasal niya sa kasintahan. Hindi daw kasi nito nakikita na totoong mahal siya ni Jane. At syempre, mahilig kasi si Jane sa night life na labis naman nitong ikinaaayaw. Mabuti pa daw ang kakambal ni Jane na si Janine dahil mas mabait kausap at mas desenteng tingnan.
But he loves Jane despite her shortcomings and imperfections. Tulad ngayon, naiintindihan niya kung bakit ayaw nitong sumama sa dinner niya sa pamilya dahil nagkikita naman daw sila sa opisina.
"Patrick, darling, nariyan ka na pala," bati sa kanya ng Mama niya. "Sumalo ka na agad sa amin nang makasabay ka sa kwentuhan. Ipinagluto kita ng paborito mong paella."
"Wow! Thank you so much, Ma. Na-miss ko talaga 'tong luto niyo kaya kapag nag-invite kayo ng dinner hindi talaga ako tumatanggi."
"Hmp... Hindi ka ba nilulutuan ng asawa mo? Hindi ba dapat pinag-aralan niya na ang pagluluto niyan?" Hindi pa rin siya tinitigilan ng kapatid sa pang-iinis.
"Jane is a career woman. Hindi siya taong bahay katulad ni Mama na ang gusto lang pagsilbihan si Papa at tayong mga anak niya."
"Tama naman ang kuya mo, Dianne. Hindi lahat ng babae kayang i-giveup ang career para sa mga asawa nila. And besides, kaya sila naikasal sa lalong madaling panahon dahil nakatakda talaga si Jane na humawak ng mataas na posisyon sa kompanya."
"Oh, e di okay," sarkastiko pa ring sagot ng kapatid. "Siya na ang magaling at siya na ang perfect wife."
Napailing na lang siya sa palaging komento ng kapatid niya kay Jane. Sanay na siya noon na lagi itong may pintas sa kasintahan niya. Pero dapat na itong tumigil ngayon dahil mag-asawa na sila. Kailangan na nitong tanggapin na hindi si Janine at hindi rin kung sino-sinong kaibigan nito na inirereto sa kanya ang gusto niyang mapangasawa. Si Jane lang ang may hawak ng puso niya.
"Ano ba ang nangyari sa asawa mo at masama ang pakiramdam?" muling tanong ng Mama niya.
"Hindi ko rin ho alam. Madalas syang sinisikmura sa umaga. Magpapa-checkup nga daw ho sa doktor bukas baka active na naman ang hyperacidity niya."
"Hyperacidity? Inuman niya lang kamo ng gamot," suhestyon ng Mama niya.
"Nagsuka ho noong isang araw eh. Sabi niya kapag umulit siya ng pagsusuka magpapagamot na siyang talaga."
"Magpatingin siya sa OB-Gyne, baka buntis."
"Buntis?! Tatlong linggo pa lang nakakasal ang kuya mo at si Jane, ano ka ba," saway naman ng Mama niya sa kapatid niya. Tila nang-iinis pa ang mga ngiti ni Dianne na malapit niya nang ikainis.
Pero hindi naman siya nabahala kung sakali ngang buntis si Jane. Tatlong linggo pa lang mula nang ikasal sila pero may nangyari na sa kanila bago pa sila mag-isang dibdib.
"If she's pregnant, I'd be happy to welcome my child."
"Your child?" pag-uulit ng Papa niya.
"May nangyayari na sa 'min bago pa naman kami ikasal, Pa," paliwanag niya. "Kung magkakaapo na kayo, mabilis kong naibigay ang hiling niyo ni Mama, hindi ba?"
"Aba'y samahan mo kaagad si Jane na magpunta sa OB-Gyne kung gayun," anang Mama niya.
"Ma... Sabi nga ho niya hyperacidity lang 'yun. Itong si Dianne lang naman ang nagbigay ng ideya na buntis siya."
"Ewan ko sa 'yo, kuya. Buhay mo naman 'yan eh." Mabilis na nitong tinapos ang pagkain dahil may lakad pa daw ito kasama ng mga kaibigan.
Nakipagkwentuhan pa siya sa mga magulang ng dalawang oras bago siya umuwi sa condo. Tulog na si Jane nang dumating siya roon. Wala pa namang alaa dyes ng gabi pero mahimbing na ang tulog nito. Dati ay kaya nitong magpunta sa bar kasama ng mga kaibigan sa magdamag nang walang kapaguran.
Yumakap na lang siya sa asawa ang tabihan niya ito. Sinikap niyang makatulog na dahil maaga siya sa opisina bukas. Ayaw namang magpasama ni Jane sa doktor dahil marami daw naghihintay na trabaho sa kanila sa opisina.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Nakaluto na ang katulong ng almusal kaya't ginising niya na ang asawa.
"Mauna ka na, Patrick. I'm too lazy to get up."
"Parang gusto ko nang maniwala kay Dianne na baka buntis ka."
"I'm not pregnant!" kaagad nitong depensa. "Wala pa nga tayong isang buwang ikinasal."
"Oo nga... Pero may nangyari na sa 'tin bago tayo ikinasal, hindi ba? Samahan na kaya kitang magpa-checkup?"
Sa halip na sumagot ay tila nasa malalim na pag-iisip ang asawa niya. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama habang nakatitig siya sa maganda nitong mukha.
"Ako na lang ang pupunta sa doktor. Tutuloy na lang ako sa opisina mo pagkatapos."
"Okay." Nagkibit balikat na lang siya na tumayo mula sa kama. "Hindi ka ba talaga sasabay sa 'kin kumain?"
"Mauna ka na, wala pa naman akong ganang kumain."
Lumabas na siya sa silid. Abala na ang katulong sa paglilinis sa sala.
"Bakit ho napakaraming papaya sa ref?" tanong niya sa kasambahay.
"Aba'y pinabili ni Ma'am Jane. Yan daw ang almusal niya mamaya at gusto niyang malamig na malamig kapag kinain."
"Hmmm... Sige ho." Wala siyang nagawa kung hindi pumayag. Ayaw sana niyang nangangamoy iyon sa loob ng ref. At sa lahat ng prutas, papaya naman ang pinakaayaw niyang kainin. Nakapakalaki talaga ng hindi nila pagkakapareho ni Jane. Natutuklasan niya na bawat araw ang mga pagkakaibang 'yun. Ayaw man niyang isipin pero hindi ganitong buhay may asawa sana ang gusto niya.
Wala pa ngang isang buwan pero bihira na silang magkasama sa hapagkainan. At kung magkasama man ay hindi rin sila nag-uusap tungkol sa kanilang mga sarili. Jane was always holding her phone everytime she's with him. Wala sa kanya ang atensyon nito.
At kahit sa pagtatalik ay wala silang komunikasyon. She must have been a submissive wife but she was never passionate. Ibang Jane ang nakakatalik niya ngayon sa Jane na nakatalik niya noong una. Pakiramdam niya'y pumapayag lang ito ngayon dahil obligasyon nito bilang asawa. Para ilabas ang init ng katawan.
Simula nang ikasal sila ay apat na beses lang yata niya itong naangkin. Kung hindi ito pagod ay masama ang pakiramdam kaya't ayaw niyang ipilit. Pero kung makipagsabayan siya sa kwentuhan ng mga kaibigan nila, si Jane ang pinakamasarap kasama sa kama. Hindi na kailangan pang sabihin na kahit honeymoon nila ay hindi naman naging espesyal dahil nagmukmok lang sila sa hotel hawak ang kani-kanilang telepono.
"Tapos ka na bang kumain?" taka namang tanong ng katulong nang hindi niya maubos ang sinandok.
"Anong oras ho umuwi si Jane kahapon?"
"Alas singko ng hapon nandito na 'yan. Tapos hindi lumalabas sa kwarto. Ayun, tulog na pala."
"Tulog ho?! Natulog nang ganoon kaaga?!"
"Oo. Nagsuka muna sa banyo bago humiga sa kama at natulog. Hindi kaya't buntis ang asawa mo?"
Hindi siya nakasagot. Itinukod niya ang dalawang kamay sa kitchen counter habang nasa malalim na pag-iisip. Kahapon pa siya nag-o-offer sa asawa niya na sasamahan niya ito sa doktor pero pakatanggi-tanggi ito. Kung buntis nga si Jane ay mas lalo niya itong dapat samahan. Hindi ba nito gustong ibahagi sa kanya ang kasiyahan na magkakaanak na sila?
Nagulat ito nang paggising ay naroon pa rin siya sa condo. Kinansela niya ang meeting sa umaga para masamahan si Jane sa pagpapa-checkup sa doktor.
"Ano ka ba naman, Patrick? You know I hate it when you insist what you want!" inis nitong wika bago tumuloy sa banyo. Hindi na lang siya umimik dahil ganoon naman daw talaga kapag buntis, laging mainit ang ulo at may mood swings. Lalo na kung ang pinaglilihian ay mga asawa nila.
At wala rin namang nagawa si Jane dahil hindi talaga siya umalis sa condo. Alas diyes na sila nagpunta sa doktor na isang gastroenterologist. Kung kani-kanino pa sila nagtanong kung saan may ganoong doktor dahil ini-insist ni Jane na hyperacidity o ulcer ang nararamdaman nito.
Pero pagdating doon ay tinawanan lang sila ng doktor. Tulad ng hinala nila ng kasambahay, at ng kapatid niyang si Dianne, hinala din ng doktor na buntis ang asawa niya.
"Pumunta muna kayo sa botika at bumili ng pregnancy test kit. Kapag negatibo ang resulta, saka kayo bumalil sa akin."
Walang nagawa si Jane nang siya mismo ang nagpunta sa botika at bumili ng kailangan nila. Nanginginig pa ang mga kamay niya sa excitement habang si Jane ay naiwan lang sa sasakyan.
"Accurate ba 'to?" tanong pa niya sa pharmacist.
"Yes, sir. Basta hintayin lang ho ni ma'am mga five minutes ho lalo kung early stage pa ng pregnancy."
"Thank you, miss."
Excited siyang ibigay 'yun kay Jane hanggang sa makarating sila sa opisina. Pero nang salubungin sila ng iba't ibang concerns ng sekretarya ay naging abala na silang pareho. Kinabukasan pa nito binuksan ang binili niya sa botika.
Nang iabot sa kanya ang pregnancy test kit ay halos tumalon siya sa tuwa kung hindi lang niya nakitang nakasimangot si Jane sa naging resulta.
"Bakit parang hindi ka natutuwa na magkakaanak na tayo?"
"Natutuwa naman..." Ibinagsak nito ang sarili sa kama. Yumuko siya saka ito siniil ng halik. Hindi ito tumugon kaya't itinigil niya na. Masama nga ang mood nito dahil marahil sa paglilihi.
"Ako na lang muna ang papasok sa opisina. Itatanong ko kay Papa kung sino ang puwede mong kahalili dahil maselan ang paglilihi mo."
Hindi ito sumagot na ipinikit ang mga mata para bumalik sa pagtulog. Pinagmasdan niya ang asawa at doon lang napansin ang umbok na nitong tiyan.
Gusto man niyang bumalik sa higaan para yakapin ang asawa ay hindi niya na ginawa. Masisira lang ang tulog nito at hindi niya gustong abalahin pa.
Tuwang-tuwa ang lahat sa ibinalita niyang pagbubuntis ni Jane. Abo't abot pa ang kantyaw ng mga ito dahil maaga daw pala niyang pinunlaan.
"Masyado kang naniguro na pakakasalan ka talaga ni Jane ha!" biro pa ni Zaldy na siyang head ng Marketing Department. Napangiti naman siya nang maalala kung gaano siya kasaya noong una niyang nakuha ang p********e ng asawa. Espesyal talaga sa kanya ang araw na 'yun.
"Ilang buwan na bang buntis?" tanong naman ni Shiela na isa ring head ng Logistics. "Dapat nagpunta kayo sa OB-Gyne para malaman kung kailan ang due date niya.
"Hindi ba't siyam na buwan naman 'yun?"
"Mas maganda na alam niyo ang eksaktong araw ng due date niya. At kailangan matingnan din siya ng totoong doktor para makita kung mahina ba ang kapit ng bata. Baka mawala sa 'yo 'yan kapag nakunan si Jane."
Lahat ng suhestyon ng mga kaibigan ay sinunod niya. Kahit ayaw nj Jane ay wala itong nagawa. Hanggang sa sasakyan ay nag-aaway sila dahil hindi nito gustong magpunta sa doktor.
Pero kahit kaladkarin niya si Jane ay gagawin niya masiguro lang na maayos ang magiging lagay ng anak nila.
Hanggang sa clinic ng kilala niyang OB-Gyne ay hindi siya kinakausap ni Jane. Hanggang sa isalang ito sa ultrasound at manginig ang katawan niya sa pinaghalong galit at pagkapahiya.
Jane is ten weeks pregnant. Kahit bali-baligtarin niya ang mundo ay nasisiguro niyang hindi siya ang ama ng dinadala nito.
Yumakap na lang siya sa asawa ang tabihan niya ito. Sinikap niyang makatulog na dahil maaga siya sa opisina bukas. Ayaw namang magpasama ni Jane sa doktor dahil marami daw naghihintay na trabaho sa kanila sa opisina.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Nakaluto na ang katulong ng almusal kaya't ginising niya na ang asawa.
"Mauna ka na, Patrick. I'm too lazy to get up."
"Parang gusto ko nang maniwala kay Dianne na baka buntis ka."