Chapter 8

2323 Words
Walang imik si Patrick hanggang makarating sila sa sasakyan. Hindi rin niya narinig na nagpaliwanag si Jane. At kahit anong paliwanag ay hindi niya matatanggap. Maliwanag pa sa sikat ng araw na noon pa siya nito pinagtataksilan. Deretso uwi sila sa condo pagkagaling nila sa klinika ng OB-Gyne. Pigil na pigil niya ang sarili na magalit dahil baka kung ano ang magawa niya sa asawa. Buntis pa naman ito ngayon. Tinungo niya ang balkonahe para huminga nang malalim dahil gustong sumabog ng dibdib niya sa matinding galit. Naramdaman niya ang yabag ni Jane palapit sa pinto. Ayaw sana niyang lumapit ito. Ayaw niyang makipag-usap. Pero marami din siyang katanungang kailangang bigyan ng kasagutan. "Sino ang ama ng dinadala mo?" mahina pero madiin niyang tanong. "M-my boyfriend..." "Your boyfriend?!" Hindi niya napigilan ang sarili na lumingon. Mataas pa rin ang noo nitong parang gusto pang magmalaki sa kanya. "Ako ang mapapangasawa mo noon pero may tinatawag kang boyfriend?!" "O-on and off naman tayo noon ah!" "Kailan?! Kailan 'yang sinasabi mong on and off tayo?! At nagpapagalaw ka sa iba kapag nag-aaway tayo, ganun ba?!" "Don't shout at me!" "I will shout at you because you cheated on me!" Halos pumutok ang litid niya sa leeg sa sobrang galit. "Ano 'yun, Jane?! Pumayag kang magpakasal sa 'kin pero may iba kang lalaki?!" "Ang kulit niyo kasi! Sinabi ko na kay Mama na ayaw ko pang magpakasal eh!" "Anong sinabi mo?!" Lumakad siya palapit na ikinaatras ni Jane. Kahit paano ay nasindak ito sa nakitang galit sa mga mata niya. "I mean... P-pwede namang i-postpone ang k-kasal..." "I will not marry you had I known you were cheating on me!" Hindi ito sumagot. Umupo ito sa gilid ng kama na tila nahapo. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Gusto niyang sirain lahat ng gamit nila sa silid na iyon pero mag-aalala din naman siya kapag nakunan si Jane dahil sa takot. Ang hirap magpigil ng galit. At ang hirap din maging mabuting lalaki. "Kayo pa ba ng lalaking 'yun?! Sagutin mo ako nang tapat dahil hindi na 'ko papayag na paikutin mo ang ulo ko!" "Y-yes..." Isang suntok sa dingding ang pinakawalan niya. Dumugo ang kamao niya pero hindi niya ininda. At hindi niya naramdaman ang sakit, pisikal lang naman iyon. Mas masakit ang ginawang pagtataksil ni Jane na dumudurog sa puso niya ngayon. Tiyak din niyang mas matagal iyong maghihilom. Kasunod ng sakit na iyon sa dibdib niya ay galit. "Why, Jane? What did I do wrong?" "W-wala, Patrick. Wala kang nagawang mali. It's just that you were too obsessed to marry me. Ginamit ni Mama 'yun para pilitin akong magpakasal sa 'yo at makatakas siya sa pagkakautang niya sa kompanya." Alam niya ang pagkakadispalko ng Mama ni Jane sa company funds. Siya mismo ang nagsabi sa Papa niya na balewalain na lang iyon dahil siya na lang ang magbabayad. "At sa lahat ng pagbibigay namin sa pamilya mo ng pabor, ito pa ang igaganti mo?!" "I had no choice! May boyfriend ako at may nangyari na sa 'min, so what?!" Lalong naningkit ang mga mata niya sa naririnig kay Jane. Ni hindi niya ito narinig na humingi ng tawad. Gusto niyang tumawa nang malakas na malakas. Iyong para siyang masisiraan ng ulo sa sobrang galit. "So what?!" sarkastiko niyang tanong. "Simula ngayon ay hindi na kayo magkikita ng lalaking 'yun! Yan ang so what mo!" "Pero hindi mo 'ko puwedeng pagbawalan na lumabas kasama ng mga kaibigan ko!" "At bakit hindi?!" Tumayo siya sa harap nito para ipakita na hindi siya nito mapapaikot pang muli. Sa mga oras na itonay kalmado na siya pero galit na ang pumalit sa puso niya. Nawala ang kahat ng pagmamahal na inalagaan niya sa matagal na panahon. "You cheated on me, Jane. Kaya kitang ipakulong sa panloloko sa 'kin dahil nagpakasal ka pa gayung alam mong may dinadala ka ng bata d'yan sa sinapupunan mo!" "Then, why don't you file an annulment?!" "Annulment?! Pagkatapos kong gastusan ang kasal natin?! At gusto mo pa akong ipahiya sa lahat ng kaibigan at kamag-anak natin?! No, way. Miss Jane Ejeder! Mananatili kang asawa ko habangbuhay at hindi mo ipagsasabi na hindi ko anak 'yang dinadala mo!" "You have no right---" "Don't say a word, Jane! Akala mo ba hindi ko kayang ipakulong ng Mama mo?!" "I can pay Mama's debt, Patrick!" matapang nitong sagot. "Pero ang pagtataksil mo sa 'kin, paano mo mababayaran, aber?!" "Oh, my... Don't make this hard for both of us." "Mananatili kang kasal sa 'kin dahil hindi kita bibigyan ng kasiyahan na makasama mo ang lalaking 'yun at mabuhay kayo nang masaya. I am miserable now and you will live miserable too!" Iniwan niya na ito sa silid. Nagtungo siya sa sala para maghanap ng maiinom sa display counter. Kailangan niyang uminom. Tila bangungot sa kanya ang nangyayari ngayon na hindi niya pa rin mapaniwalaan. Parang namamanhid ang buo niyang katawan bagama't may masakit sa bahagi ng dibdib niya. Akala niya'y ang pakasalan si Jane na ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Iyon pala ang pinakamasakit. Hindi niya alam ngayon kung paano haharapin ang mga tao sa paligid niya, ang pamilya niya, ang mga kamag-anak nila. Binalik-balikan niya ang nakaraan nila ni Jane at kung paanong hindi niya napansin na hindi siya nito mahal. Ganoon ba siya kabulag para hindi iyon makita? Totoong on and off sila. May mga pagkakataong malambing ito pero marami din ang hindi. Iyon ang mga araw na halos malapit na silang ikasal. Napipilitan lang pala ito dahil sa kasunduan ng mga pamilya nila. Kasalanan din niya dahil kahit palagi silang nag-aaway noon ay hindi pa niya naramdaman na hindi siya nito totoong mahal. His wife is two months pregnant. Ibig sabihin ay si Janine ang nakatalik niya noong engagement party nila ni Jane? He was too drunk to notice. Muli siyang bumalik sa silid dala ang isang baso ng whiskey. May mga bagay pa siyang kailangang linawin kay Jane. "During that engagement party... akala ko ikaw 'yun. Ikaw ang nasa silid mo." Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang makonsensya na ang kapatid nito ang nagalaw niya noong gabing iyon. "That was Janine. Pinakiusapan ko siya na matulog doon dahil baka hanapin ako ni Mama." Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya. Kahit pala si Janine ay niloko siya. Ilang beses pa silang nagharap pero wala itong sinasabi. "No wonder you are twins. Pareho kayong manloloko." "Huwag mong idamay si Janine dito." "Madamay na ang madamay wala akong pakialam! Kailan pala kita unang nagalaw? That night of our wedding, maaga kang umalis---" "Hindi ako sa bahay natulog. Hindi naman tayo dapat matutulog, hindi ba? Doon natulog si Janine sa silid ko dahil nasa silid niya ang mga kaibigan niya. Pero dahil masyado kang abala sa mga kaibigan mo, umalis akong mag-isa." "Mag-isa?! At saan ka natulog, sa lalaki mo?!" Ang hindi nito pagsagot ang kompirmasyon na sa gabi ng kasal nila ay ibang lalaki pa ang kasama nito. Iyak tawa na lang ang nagawa niyang pakawalan kasabay ng pagtapon ng baso sa silid na tumama nman sa dingding. Sandaling napapitlag ang asawa. "P-patrick---" "F'ck you two! Pasalamat yang kapatid mo dahil wala na siya dito sa Pilipinas!" Lumabas siyang muli sa silid saka ibinalibag ang pinto. Hanggang doon na lang naman ang magagawa niya dahil hindi niya puwedeng saktan si Jane. Maghapon siyang uminom nang uminom. Wala siyang ganang kumain at wala siyang ganang magtrabaho. Hindi na siya natulog sa silid nila ni Jane sa condo at sa sofa na lang siya natulog. Hindi niya na maatim na makasama ito sa iisang silid pagkatapos itong galawin ng ibang lalaki. Kinabukasan ay halata sa mata niya ang walang tulog. Hinintay lang ng Papa niya na matapos ang meeting bago siya kinausap. At hindi siya makakapagtago ng kahit anong sekreto sa Papa niya. Bukod pa sa mabigat ang dibdib niya na kailangan niya ng makakausap. Iniiyak niya nang iniyak ang sakit sa dibdib niya. Puno rin ng galit ang Papa niya sa ginawa ni Jane at ni Janine. "Do you really want to stay married to Jane, Patrick? You could sue her and put her to jail." "Makakaladkad din ang pangalan ko kapag ginawa ko 'yun, Papa. Let her suffer for the things she did by staying married to me." "Pero hindi ako papayag na magmamana ng mga ari-arian natin ay anak ng ibang lalaki at hindi isang dugong Romano," desidido namang wika ng Papa niya. "Kaya ako pumayag sa pagpapakasal niyo ay dahil gusto kong magkaroon ka ng tagapagmana. I will not accept Jane's child inside this company. Kung ako sa 'yo, ipagawalang bisa mo kaagad ang kasal niyo sa pinakatahimik na paraan." "As you wish, Papa. Pero pahihirapan ko muna si Jane at gagawin kong miserable ang buhay niya. Nila ng anak niya. Isang banta iyon na hindi niya alam kung paano rin naman gagawin. Jane was one wild spirit. Matigas ang ulo at hindi niya kayang supilin. Sa una lang ito natakot sa kanya. Sa mga sumunod na linggo at buwan ay naging madalas na ang pag-alis alis nito na hindi niya nagagawang pigilan. Ang tanging panakot lang niya kay Jane ay ipakukulong niya ito oras na nakipagkita itong muli sa lalaking iyon. Kumuha siya ng bodyguard nitong nagbabantay sa bawat kilos ng asawa niya. Sa kabila ng mga nangyari ay nanatili silang kasal. Sa mata ng mga tao ay siya ang ama ng dinadala nito. Hanggang sa dumating ang araw na kailagan na nitong manganak. Hindi siya nagpunta sa ospital para silipin man lang ang bata. Hindi siya interesado. "Congratulations, sir! Nanganak na ho pala si Ma'am Jane?" tanong ng ilang empleyado niya habang nasa meeting sila. Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan niya. Simula nang matuklasan niya ang pagtataksil ni Jane sa kanya ay madalas na siyang pormal kung makipag-usap sa opisina. Ganoon pala kapag niloko at sinaktan. Pakiramdam niya'y pinagtatawanan siya ng mga tauhan nila. Nawalan din siya ng gana na magtiwala sa mga tao sa paligid niya. "Hindi mo ba talaga sisilipin ang anak ni Jane?" tanong ng Mama niya nang sa bahay ng mga magulang niya siya umuwi kinagabihan. "What for, Ma? That child isn't mine. At hindi naman na kami nagsasama ni Jane sa totoong kahulugan ng salitang asawa. Hindi ko kailangang magpanggap na tanggap ko ang anak niya sa ibang lalaki." "Kung gayun ay bakit mo pinahihirapan ang sarili mo? End your marriage with her and find another woman to marry. Sinasayang mo ang buhay mo gayung pwede ka namang magsimula ulit at maging masaya sa iba." Nasira na ang magandang pagkakaibigan ng Edejer at Romano sa mga nangyari. Wala nang posisyon sa kompanya ang Mama ni Jane pero ipinaglaban nito ang karapatan ni Jane bilang kasama pa rin ang mga ito sa shareholder ng kompanya. Jane remained in her position as Head of Finance kapalit ng Mama nito. Pero ngayong dalawang buwan na itong naka-leave, si Dianne na kapatid niya muna ang pumalit kahit ayaw nito. "Hindi pa ako tapos sa pagpapahirap ko sa kanila, 'Ma. Hindi sila magiging masaya ng lalaki niya." "Huwag mo nang idamay ang bata, anak, nakikiusap ako. Wala siyang kasalanan sa lahat ng ito." "At ako, meron ba? Ano ang ginawa kong mali sa kanila, Ma?" katwiran naman niya. "Kaya mo na ang sarili mo. Pero 'yung bata, makakaramdam lang siya ng mga insekyuridad sa paglaki kapag ganyang isasama mo siya sa parusang ipapataw mo sa asawa mo." "That's Jane's problem, Ma, huwag niyo nang problemahin." Tinapos niya na ang pag-uusap nilang ng ina dahil hindi niya pa rin gustong isampa ang annulment case laban sa asawa niya. Alam niya kasing gustong-gusto na ni Jane ang makalaya kaya't lalo niya itong pahihirapan. Sa hapagkainan ay negosyo lang ang pinag-usapan nila ng mga magulang at ni Dianne. "Ano ba, Pa, batong-bato na 'ko sa opisina. Hindi niyo ba puwedeng ibalik na lang si Mrs. Edejer sa kompanya habang hindi pa puwedeng magtrabaho si Jane?" insi na wika ng kapatid. "We can't trust her anymore, Dianne. Kung ako sa 'yo, tanggapin mo na lang na ikaw na ang hahawak ng Finance Department dahil kahit si Jane ay hindi ko na pababalikin sa trabaho. Of course, she will take care of her son," sagot ng Papa niya. "No, Papa, I want to travel around the world!" angal naman ng kapatid na ikinangiti niya. Lalo naman itong nainis. "Hindi papayag si Mrs. Edejer na hindi bumalik si Jane sa trabaho. Alam niyang mawawalan sila ng karapatan sa kompanya," wika naman ng Mama niya sa Papa niya. "And you promised me, Papa, I will only work for a few months! Kung hindi niyo gustong pabalikin si Mrs. Edejer, o si Jane, e di si Janine kaya? Nasaan na ba ang babaeng 'yun?" Kumabog nang malakas ang dibdib niya nang marinig ang pangalan ni Janine. Isa pa ang babaeng 'yun sa hindi pa niya napaghihigantihan sa ginawang panloloko sa kanya. "Why not?" Isang pigil na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Maganda nga siguro kung si Janine ang pumalit sa posisyong inalisan ni Jane. My sister-in-law would be happy to replace her sister's position in the company. Mahilig na rin lang siyang magpanggap na si Jane." "Mahilig magpanggap na si Jane?" tanong ng Papa niya. Napailing siyang dala pa rin ang pigil na ngiti. Wala namang alam ang mga magulang sa panloloko ng dalawang babae sa kanya. "Kausapin niyo na ngayon din si Mrs. Edejer na si Janine ang papalik kay Jane. Hindi ko na papayagan ang asawa ko na magtrabaho. Gusto kong maging isang dakilang maybahay na lang siya." Isang iling na lang ang ginawa ng Mama habang si Dianne ay tuwang-tuwa dahil hindi na nito kailangang matali sa mga trabaho sa opisina. Tulad ni Jane ay puro gimik lang din ang alam nito. Muling sumagi sa isip niya si Janine at ang pag-uusap na narinig niya bago ito umalis patungong Canada. 'We will meet again, impostor...' aniya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD