"Bakit ba ayaw mong sagutin ang tawag ng kapatid mo? Baka importante na ang kailangan sa 'yo?" wika ni Rhea Lyn sa kanya na kasama niya sa trabaho. Isa itong pre-school teacher habang siya ay nagtuturo naman ng Filipino Language sa Canada. Iyon ang naging trabaho niya sa loob ng halos tatlong taon. Nabubuhay na siyang maayos at tahimik dito sa Toronto kasama dalawang taong gulang na anak na si Pierre Jace Edejer. Sa tulong ng mga kaibigan, nairaos naman niya ang panganganak doon at pamumuhay bilang isang single mother. At mabuti na lang talaga dahil malaki ang ipon niya. Habang ipinagbubuntis pa lang niya si Jace ay sobrang nahirapan na siya sa paglilihi. Tumanggap siya ng kung ano-anong home-based jobs nang maipanganak niya si Jace. Hindi naman na kasi siya tumanggap ng perang galing sa

