Parang gustong umatras ng mga paa ni Janine nang bumaba sila ng anak sa eroplano ng Ninoy Aquino International Airport. Labag talaga sa loob niya ang umuwi. Pero katulong na ang tumawag sa kanya nang kailangan ulit isugod ang Mama niya sa ospital dahil daw sa paninikip ng dibdib. Hindi makontak ng mga katulong si Jane at naiwan pa ang anak nito sa bahay na hindi puwedeng iwanan ng mga katulong. Kung ano ang nangyayari sa kapatid niya ay hindi niya alam. "Iwanan mo na lang muna sa condo si Jace kung kailangan mong pumunta kaagad sa ospital," wika ni Rhea Lyn sa kanya nang sumakay sila sa taxi. Sa condo na pag-aari ni Dennis sila makikitira pansamantala habang wala pa siyang nahahanap na apartment. Sa susunod na linggo pa makakauwi ang kaibigan nilang iyon dahil hindi kaagad puwedeng umalis

