Hindi kaagad nakasagot si Janine kay Patrick. At kung natulala man ang dalaga sa presensya niya, siya man ay namangha sa nakitang ganda nito na hindi niya inaasahan. O sadya na itong maganda noon pa, pero hindi lang niya inaasahan na may kung anong damdaming umusbong ngayon sa pagtatama ng kanilang mga mata. Bukod sa pumuti pa itong lalo, natuto na itong maglagay ng makeup. At hindi lang iyon ang dahilan kung bakit iba na ang tingin niya kay Janine ngayon. He was looking at her with desire, which was new. Na hindi dapat dahil hipag niya itong maituturing. Bukod pa sa may kasalanan itong dapat niyang singilin ngayon. "P-patrick..." Gusto niyang ipilig ang ulo sa init na lumukob sa kanya pagkarinig sa malambing nitong boses. It reminded him of that night he was taking her. Tila ganito nit

