Hindi namalayan ni Janine kung ilang oras na ba siyang nakaupo sa loob ng interrogation room. Sa buong buhay niya hindi pa niya naranasan ang maaresto at ayaw na niyang maranasan ulit ito. Pero kung para ito sa kaligtasan ng kanyang anak, gagawin niya ang lahat. Tumupad kaya ang mga kidnappers sa pinag-usapan nila? Naroon na kaya ngayon si Robi sa Alaminos? Kailangang makumbinsi niya ang NBI na palayain siya. Pero papano? Siguro kukuha nalang siya ng pinakamagaling na lawyer. Inisip naman niyang maigi kung sino sa mga kakilala niyang lawyer ang kukuhanin. But nothing she recalled referred to k********g charges. Nasaan ka na ba, Xev? Hindi man siya dapat umasa nito, pero parang wala na siyang choice eh. Panandaliang ipinikit ni Janine ang mga mata at nang sa kanyang pagmulat

