Tatlong oras na nasa loob ng interrogation room ng NBI si Janine at sobrang naawa naman si Xevier sa dating nobya dahil puro mabibigat na tanong ang ipinukol sa kanya. Hindi naman siya pwedeng makialam dahil naka medical leave siya sa kasalukuyan. Buti nalang at ang kanyang matalik na kaibigan sa NBI na si Vin Alcaraz ang huling nag interrogate kay Janine. Nasa loob lang naman siya sa observation room for the past three hours, nakikita at narinig rin niya kung paano nila pinahirapan si Janine sa mga pasikot-sikot na mga tanong. May ilang monitor kasi roon at speaker na nakatutok lamang sa ini-interrogate na suspek at doon nga niya nakikita at naririnig ang kaganapan sa loob ng interrogation room. Hindi naman niya malimotan ang pangamba sa mukha ni Janine habang isinalang ito sa

