"Wahoo!" napasigaw si Xevier sa saya nang maabot na nila ang isang lugar na iwas baha. "Heto na tayo, Janine. Heto na tayo." "Sa wakas." ani Janine at inilibot ang paningin sa paligid nang sadyang makita nito ang dalawang pulis na nakatayo sa tabi ng patrol car. "Hindi tayo pwedeng bumaba dito, Xev. Lumingon ka muna sa gawi ko, please." anito habang hinila-hila ang laylayan ng suot niyang t-shirt. He turned to her with a questioning look. "Kung ayaw mong bumaba mula rito sa rubber boat Janine, where do you suggest we go?" "Hindi tayo pwedeng magpatuloy roon dahil makikita ako ng mga pulis na yon." turo nito sa dalawang pulis. "Can we go somewhere else?" "Janine, wala na tayong ibang pagpipilian pa. Aber! sabihin mo ngayon sakin kung saan pa ang posibleng lugar na pwede natin

