"Wow! Hanep yang bago mong BlackBerry phone ah. Bagay ka yata maging salesman, Xev. Ambilis mo kasi nakapagtrade-in ng ibang phone, imagine gamit lang ang iyong salestalk." wika pa ni Janine "Unang beses ko pa nga itong gumamit ng prepaid sim. At least ito, hindi tayo mati-trace." ani Xevier at parang hindi man lang ito nabahala na lumabas ang mga mukha nila sa TV kanina. "Xev, don't you think we should go somewhere else?" kinakabahan kasi siya dahil may naka roving na guard sa food court. "Yong lugar na hindi tayo masyadong halata?" "Wag ka ngang mag-alala, Janine." He smiled, looking totally relaxed. "Hindi ka naman nila mahahalata na ikaw yon sa TV kanina. Mukhang virgin ka pa naman don sa pinapakita nilang driver's license mo." "Xev! pwede ba mag seryoso ka naman!" pilit

