Nakaprotekta pa rin ang mga bisig ni Xevier sa ulo ni Janine. Isa-isa naman niyang kinuha ang mumunting basag na salamin na kumapit sa buhok ng dalaga. Thankful din siya dahil walang nasaktan sa kanila. "Pwede bang hinaan mo na ang pagpapatakbo Jazz, wala ng sumusunod sa atin na kalaban." Ilang oras ang nakalipas ay narating din nila sa wakas ang nerentahang apartment ni Jazz. "Buddy, ano ba talagang atraso ninyo sa mga goons na iyon at rinapido kayo?" tanong agad ni Jazz pagkapasok nila sa apartment. "Kilala mo ba ang mga kumag na iyon, Janine?" "Papatayin nila tayo, Xev." sagot ni Janine. "Alam ko." "Sa tingin ko mga guns for hire lang ang mga iyon." sabat naman ni Jazz. "Swerte kayo dahil dumating ako sa tamang oras." "Oo, dumating ka nga sa bingit ng aming kamatayan. Isa ka

