Blessica's POV Wala na akong sinayang na oras pa, mabilis na akong bumalik ng sasakyan at nagmaneho na pabalik sa aking bahay. ''Parehas ba tayo ng kapalaran ma? Na naunahan din ng ibang babae na umaming nagdadalang tao na?'' Umaagos na sa magkabilaang pisngi ko ang mga luha, hindi na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Pero pagbaba ko ng sasakyan, bigla na lang -- bigla na lang may yumakap ng napakahigpit mula sa aking likuran. Allen's POV Hindi ko ba alam. Wala akong naiinom na kape sa buong araw -- pero mas naging kabado na ang dibdib ko! ''Ano bang nangyayari sa 'kin ngayon, may lagnat ba 'ko.'' Mabilis kong hinawakan ang aking leeg, at naramdamang tama lang naman ang init ng temperatura ko. ''Nakakaba naman!'' Nawala na ang pagiging kalmado ko sa mga oras na 'to -- kaya

