Shasha's POV Napakahalaga ng araw na ito sa akin, dahil dadalaw ako sa opisina, sa isang matalik na kaibigan ng asawa ko na ngayon na si Lexter. Siya lang naman ang bukod tanging napakakalmado sa buong magkakaibigan -- walang iba kundi si Allen. Araw ngayon ng Linggo at nagmaneho na ako papunta mag-isa sa Saavedra Group. May napakaimportante kasi akong sasabihin sa kaniya sa araw na 'to. Alam ko -- na sa balitang 'to ay dapat ang asawa ko mismo ang unang makaalam. Pero ewan ko ba, si Allen talaga ang unang gusto kong sabihan at balitaan. Palibhasa kasi, sa lahat ng taong kakilala ay siya ang unang nakaalam noon sa sakit ko sa puso, na nagkaroon ako ng Cardiomyopathy. Akala ko ay matatapos na ang buhay ko noon. Pero dahil lahat sila ay nakatutok sa akin, mula kina Rumir at Rain, Chris a

