CHAPTER 14

1435 Words
Blessica's POV Laying beside this man, pagkatapos ng pagkalunos-lunos na pagod ng katawan ko ay halos wala na akong lakas para gumalaw mula sa pagkakayakap ko sa kaniya. He hugged me so tight -- para siguro hindi na ako makatakas pa. Nagising ako bandang alasingko dahil sa grabeng lamig na ng silid. Gustuhin ko man pero mukhang basag na basag ang ilalim ko at napakatamlay na, kaya napasiksik na lang ako lalo sa dibdib niya nang sa gayo'n ay maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan. ''M-mukhang narinig ng hangin ang hiling mo Allen,'' bulong ko at humalik sandali sa kaniyang labi kahit mahimbing pa rin sa pagkakatulog. Mula sa mainit na yakap niya ay nakabalik na ulit ako sa mahimbing na pagkakatulog. ALLEN'S POV Dahil sa tunog ng alarm ay napilitan akong imulat ang mata ko -- at bumungad sa aking ang napakagandang mukha ni Blessica -- ang napakaamo niyang mukha habang natutulog -- kabaligtaran ng mukha niya kapag mayro'n kaming hindi nakapagkakasunduan. ''I found you again baby,'' sambit ko at humalik sa kaniyang noo. Dahan-dahan akong tumayo, pinatay na ang alarm clock at nagsuot na ng boxer short. Mula sa napakalawak kong kuwarto, pumunta muna ako sa aking kusina para ipaghanda ang prisesa ko ng makakain. Ang buong ikatlong palapag ng bahay namin ay akin lahat. Kaya, hindi lang masters bedroom ang nandito kundi bar kung saan nakalagay ang mga mamahaling inumin mula sa iba't ibang bansa, ang napakalawak na banyo, ang malawak na sala, at ang napakalapad kong kitchen. Nasa bahay nga mismo ako pero para akong nasa isa pang condo. ''Hays, wala naman akong alam na luto,'' bulong kong mahina sa sarili. Paano ba naman kasi, gusto ko lang naman ang kitchen na 'to dahil sa magandang disenyo at kumpleto ang gamit! Ang pinakaginawa ko na lang ay ang scrambled egg, apat na toasted bread na pinahiran ng butter, isang masarap na chocolate drink at kapeng barako. Inilabas ko rin ang strawberry cake, na hindi ko naman naalala kagabi na ipatong sana sa kaniyang katawan! ''Hmm, mukhang pang-umagahan ka nga siguro at hindi ang pang-add flavor,'' sambit na tawa ko muli sa sarili at napakamot sa aking baba. Umikot pa ang oras ay hindi pa rin siya nagigising. Hinanda ko na sa paligid ang napakasarap na hinain ko -- at kung sakaling humindi siya ay siya na lang ang kakainin ko! Haha! Pero alas-onse na ng tanghali, hindi pa rin siya talaga gumigising. Lumapit ako sa kaniya at biglang kinabahan. ''H-hindi kaya -- nasobrahan siya kagabi,'' alalang usal ko at pinulsuhan siya. Thanks to heaven dahil mayro'n pa naman pulso! Haha! Ilang minuto pa, mula sa upuan na kinaroonan ko ay napansin ko na gumagalaw na siya. Unti-unti niyang kinamot ang kaniyang mata, hanggang sa tiningnan niya ako at nginitian. ''Good morning B,'' sambit ko at inalagay sa kaniyang tabi ang mini table. ''B-breakfast in bed?'' ''Bakit?'' Hinawakan ko ang laylayan ng buhok niya. ''Gusto mo, ikaw na lang ang gawing umagahan ko para-- '' hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang bigla na naman niya hatakin ang kanang patilya ko! ''Tigilan mo ako Allen, maawa ka sa matres ko!'' Tawa niya saka umayos na sa pagkakaupo para kumain. Tinitigan niya ang pagkain, at mukhang natakam doon. Kinuha niya ang tinidor at agad kumagat. Kung sa inaakala kong matutuwa siya sa scrumbled egg, mukhang hindi na yata maipinta ang mukha niya ngayon! ''Bakit B?'' ''M-masarap naman,'' Inilapit ko pa ang aking mukha sa kaniya. ''Ano nga B?'' ''P-parang dagat eh,'' ngiwing sabi niya kaya ako naman ang tumikim doon Unang tikim pa lang, parang hinampas na ako ng alon ng dagat! Iniluwa ko kaagad iyon at ibinalik sa plato. ''Actually B, props lang talaga ito para kunwari marami akong hinanda para sa paggising mo,'' pagpapalusot ko, kahit alam kong hindi naman uubra ang dahilan ko! Hinawakan niya bigla ang aking kaliwang pisngi, naghahanda para sa pag-angat na naman niya ng patilya ko! ''Pero na-appreciate ko Allen, salamat sa effort,'' ngiting sambit niya, na dahilan -- para kiligin ang lalaking kalamnan ko? Kinuha niya ang isang toast bread at nilagyan ng strawberry cake. ''Hmm, sarap naman ng umagahang ganito,'' wika niya at isinubo ang kalahati sa akin. ''B-B, p-puwede ba kitang -- '' hindi ako nakatapos sa pagsasalita nang isubo niya sa akin ulit ang toast bread. Tumayo na siya sa higaan, nagsuot ng robe at iginala ang kaniyang paningin sa buong kuwarto. ''Saang hotel tayo ngayon Allen,'' manghang sabi niya na nakatingin pa sa malaking chandelier ko dito sa kuwarto. ''Hindi mo na ba maalala?'' ''What do you mean,'' usal niya at muling humarap sa akin. ''Hmm, 'di ba sabi ko sa 'yo ay huwag na natin dito ituloy B sa cafe, na hahatiin kita sa sarili kong kama?'' ''Y-you mean -- don't tell me na -- '' ''Ahuh,'' sagot ko dahilan ng pag-uwang ng kaniyang bibig. ''Pero umakyat tayo ng naka-elevator!'' ''Bakit bawal ba sa bahay magkaro'n ng gano'n?'' Lalo siyang namangha at hindi na nagsalita pa. Ipinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng puting robe na suot niya. Habang nakatingin pa rin siya sa paligid ko ay tumayo ako at yumakap sa kaniya. ''You like my place?'' ''Allen -- its gigantic,'' ''At hindi lang 'yon, mayro'n ka pang kasamang napaka-hot na laging magpapainit sa malamig na gabi mo,'' sabi ko pang pang-aasar sa kaniya. Wala lang siyang imik at pumiglas sa pagkakayakap sa akin. Lumakad siya at umupo sa malapad na couch. ''B,'' ''Hmm,'' ''May problema ba?'' ''Wala,'' ''Bakit ganiyang ang mukha mo?'' Lumapit ako at tumabi sa kaniyang pagkakaupo. ''Ganito ang dream house ko Allen,'' sambit niya kaya napaakbay ako sa kaniya muli. ''Hindi lang dream house ang nakuha mo, kundi ang lalaking guwapong tulad ko,'' singhal ko at bahagy niya lang kinurot ang aking pisngi, nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang cellphone at biglang napabuntong hininga. ''Sino 'yan B?'' ''Si Dina! Sh*t anong oras na! Nako malamang sa malamang ay hinahanap niya sa 'kin ngayon ang susi!'' pag-aalalang sambit niya habang palakad-lakad at nakakakagat ang kaniyang kuko sa daliri. ''B, wala bang extra key na sila ang may hawak,'' ''Wala, naiwala na ni Krisfer ang susi, ahh! May isa pa sa ilalim ng isang paso doon!'' malakas na singhal niya kaya sinagot na niya ang tawag. ''H-Hi Dina, ahh oo -- medyo -- sumama kasi ang pakiramdam ko. M-may susi sa ilalim -- ng isang paso diyan. Ha? H-hindi -- hindi muna ako papasok ng -- isang linggo -- o sige, kayo na muna bahala diyan ha -- m-masama kasi pakiramdam ko -- sige salamat,'' usal niya at pinatay na ang tawag. Halos mula sa kinauupuan ko ay naririnig ko ang napakalakas na kabog ng dibdib niya! ''Masama pala pakiramdam mo B?'' ''Nye nye nye,'' sambit niya at binato ako ng pillow sa mukha -- nang biglang pumasok si -- ''H-hey -- '' ''Ba't nandito ka Allec! And did you know how to knock!'' Agad kong pinapuntahan si Allec at pinalabas sa kuwarto. ''Why your here!'' singhal ko sa kaniya no'ng nasa labas na kami. ''I don't mean to interrupt, s-sadyang -- ,'' putol na usal niya, na hindi ko alam na parang nag-magic si Blessica dahil ngayon ay nakabihis na! ''Allen, m-mauuna na ako, -- '' ''Blessica tumigil ka, ako maghahatid sa 'yo -- '' Tumalikod si Allec sa amin habang nag-uusap. ''Allen please, puntahan mo na lang ako ulit sa cafe,'' ''At paano kung wala ka na do'n!'' Hindi siya sumagot kundi ang humalik lang sa labi ko -- dahilan para dahan-dahang nang lumuwag ang aking pagkakahawak sa kaniyang braso. ''Alis na 'ko A,'' huling sambit niya at sumampa na ng elevator. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumasok na lang ulit sa loob ulit, habang nakasunod si Allec sa 'kin. ''Allen, kung hindi lang 'to urgent ay hind ako biglang papasok at -- '' ''Hey okay lang. Hayaan mo na ang nangyari.'' Pinaupo ko siya sa couch at kinuhanan ng isang bote ng beer. Inabot ko ito sa kaniya at umupo sa kaniyang tapat. ''Ano ba kasing problema Allec,'' Huminga siyang malalim dahil sa naging tanong ko. ''S-si Mauro, niloko ka lang niya.'' Napatigil ako sandali -- napatitig lang sa kaniya. ''Allec deretsuhin mo na 'ko!'' Bigla akong napatayo at uminit ang pisngi! ''A-ang kambal niya na si Mary, h-hindi naman daw pala buntis Lulong na pala talaga si Mauro kaya nagawa niya ang pagpapanggap niya,'' ''I-ibig ba sabihin no'n ay hindi talaga buntis ang kambal niya?'' ''Hindi, hindi si buntis Mary,'' Kung anong kinaganda ng gabi ko ay siya namang kabaligtaran ng tanghali ko ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD