Blessica's POV
Isang linggo na mula noong nahuli kami ng tauhn ko na si Krisfer. Ngayon ako ulit papasok at tiyak -- baka sinabi na ni Krisfer kay Dina ang nakita niya!
Alasnwebe ng umaga ay pinark ko na ang kulay pink ko na sasakyan. Habang nakaupo ay tumingin muna ako sa labas.
''Hays, kaya ko 'to,'' pagpapalakas na sambit ko sa sarili at lumabas na sa aking sasakyan.
''Hi Dina,''
''Ma'am Blessica!'' Lumaki ang mata niya noong nakita niya ako dito sa labas. ''Krisfer nan -- ''
''Ay - ay huwag mo na muna tawagin si Krisfer,''
''Ahh sige po ma'am,''
Humigang malalim ako at humarap sa kaniya. ''Dina, 'yong nangyari nakaraang gabi, wala lang 'yon dahil -- '' napatigil ako sa pagsasalita nang papalapit na si Krisfer at nag-served sa customer na halos katabi ko.
''K-kumusta po ma'am,'' pakling ngiting sambit niya sa 'kin.
''Ma'am may kasalanan po pala si Krisfer!''
''A-ano 'yon Dina,''
''Ma'am 'yong strawberry cake na para sa 'kin ay kinuha din ni Krisfer!'' sabi niya -- kaya naisip ko na baka hindi naman niya sinabi kay Dina ang tungkol sa kaniyang nasaksihan.
''A-ahh, h-hayaan mo na, kapag may sobra mamaya, 'yon ang iuwi mo Dina,'' huling sambit ko at hindi na hinintay ang kaniyang magiging reaction. Naiilang pa rin kasi talaga ako kay Krisfer!
Dalawang oras pa ang lumipas ay hindi pa rin ako tumatayo sa counter. Dahil do'n, bigla akong nilapitan ni Dina. ''Ma'am, okay lang po ba kayo?''
''Huh? O-oo naman, oo naman Dina. Syempre,''
Sa isang linggo na hindi ako pumasok, nalaman ko mula kay Dina na ilang beses palang dumaan daan dito si Allen at si Dina rin ang nagbigay ng number ko sa mikong na 'yon. Kaya alam na nila -- na may boyfriend na ako, ay mali! Pekeng boyfriend lang pala!
Alam kong nabigla sila sa nalaman, dahil wala naman akong kinukuwento tungkol dito, pero bilang respeto ay hindi na lang sila masyado umiimik.
''Si sir Allen po ba, hindi dadaan dito ngayon?''
''Baka hindi Dina, mainit yata ang ulo no'n kaya hinayaan ko na muna,'' sambit ko at kunwaring may tinitipa sa aking cellphone.
Isang linggo na ang lumipas pero naiilang pa rin talaga ako kumilos dito! Paano ba naman kasi, hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko ang kahihiyan na naabutan kami ni Krisfer!
Ilang sigundo ang lumipas ay biglang nag-ring ang aking cellphone. Tiningnan ko ang number pero hindi naka-saved sa contacts ko.
''Hello?'' panimulang sambit ko.
''Hi, is this Ms. Blessica?''
''Yes, speaking. May I know who's this?''
''This is Chris, kaibigan ni Allen,''
''B-bakit ka n-napatawag,''
''Blessica can you do me a favor. Ilang araw ng mainit ang ulo ni Allen dahil sa siraulong pinsan niya. Paano kasi, hindi niya matanggap na naisahan na naman siya,''
''Ano naman ang gagawin ko?''
''Baka puwedeng pumunta ka dito sa Saavedra Group. May presenation kasi kami mamaya at nakasalalay din doon ang kompanya ng Montano Corp., Monreal Corp., Frante Merchandise Corporation at Saavedra Group. Kapag nadamay ang galit ni Allen sa meeting -- damn, huwag naman sana. Please, sana makapunta sa meeting tonight, six pm sharp,''
''Ano naman ang matutulong ko do'n,'' halos bulong na sabi ko.
''Just be his side all the way sa meeting to make her blood cold,''
''F-fine,''
''See you then Blessica, the girlfriend of Lexter will send you the dress and accessories,''
''You mean Shasha?''
''Ahuh, see you and please -- save us Blessica,'' huling sambit niya at pinatay na ang tawag.
Bigla ako napaupo at napasandal.
Paano na 'yan, ni hindi pa nga niya ako pormal na pinakikilalang, never mind -- peke lang pala ang ugnayan namin.
''Excuse me po, where's Ms. Torres?'' dinig ko sa labas kaya napasilip ako. Nakita ko ang lalaki na kausap si Dina.
''Dina ako na ang bahala dito. Kuya ano po 'yan?'' tanong ko at lumapit sa lalaki na may hawak na malaking puting kahon.
''Kayo po ba si ma'am Blessica Althea Torres?''
''Opo kuya,''
''Ma'am, pinapadeliver po ni ma'am Shasha,''
Grabe ang bilis naman yata?
''Pasensya ma'am ha, medyo na delay po. Kanina pang tanghali dapat ito eh,''
''A-ano?'' Teka, mukhang plinano nila ito ah?
''Ma'am papirma na lang po,'' usal niya at ibinagay sa akin ang ballpen at papel. Agad ko naman 'yon pinirmahan.
''Salamat kuya.'' Inabot niya na sa akin pati ang napakalaking kahon.
Papasok na sana ang driver sa sasakyan, nang bigla siyang lumapit sa akin ulit.
''Ma'am Blessica, muntik ko na pong makalimutan. Si sir Rumir po ang susundo sa inyo mamaya,''
Ha? Kanina si Chris ang kumausap sa 'kin. Ngayon naman --
''S-sino ulit kuya?''
''Si sir Rumir po, kaibigan din ni sir Allen. Sige na po ma'am, tutuloy na po ako,'' huling sambit niya at umalis na.
Pagkapasok ko sa loob ay binuksan ko ito. Pagkaangat ko, nakita ako ang nakapakagandang red nude dress at malalim ang cleavage part, nang mapansin ko ang maliit na papel.
Dear Blessica,
Pasensya ka na at ito ang napili ko. Busy kasi ako ngayon sa La Acosta pero pangako, madadala mo nang napakaganda itong red nude dress, I'm sure you'll be great.
-Shasha Adelle Salamanca
Napa-upo ako sandali, napakamot, kinurot ang daliri kung totoo ba ito!
''Ma'am, mukhang may lakad kayo, sige na po at kami na ang bahala dito ni Krisfer,'' usal ni Dina.
Sakto, mag-aalasingko na, kaya magbibihis na ako!
''Ay Dina, dito pala ako dadaanan ng kaibigan niya. P-puwede tulungan mo akong mag-ayos?''
Sa mabilis na pangyayari, naisuot ko na ang napakagandang red nude dress, ang napakagandang accessories na hikaw at kwintas.
Inayusan din ni Dina ang buhok ko at naglagay ng korete. Inilagay ko rin ang kulay asul kong contact lenses.
Tumingin muli ako sa salamin at nakita ko -- na parang -- ang ganda ko naman yata ngayon? CHOS!
''Ma'am Blessica, ehem may talent fee ito ha,''
''No problem Dina, ang ganda ng pagpapakulot mo sa laylayan ng buhok ko,''
''T-thank you ma'am!''
Lumabas na ako at umupo doon para mag-abang sa isang kaibigan niya. Hanggang sa ilang minuto pa, huminto na sa harap ko ang isang itim na Mazda.
Namataan ko, siya ang lalaki na kasama ni Allen noong nagtatago ako sa maliit na uwang sa kabinet.
RUMIR'S POV
Kaya naman pala nabaliw si Allen sa babaeng 'to dahil sa bukod magaling na pastry chef ay napakaganda pa.
''You must be Rumir,'' panimulang sambit niya at nakipagkamay sa akin.
''Yes I am,'' ngiting sagot ko naman sa kaniya.
Inalalayan ko na siya at binuksan na ang gitnang bahagi ng sasakyan. Mahirap na, baka mapatay ako ni Rain kung may iba siyang maamoy sa upuan niya! Bagong kasal pa naman kami ngayong taon!
Habang nakatingin sa reflection mirror ay tahimik lang siyang nakamasid, kaya ako na mimso ang unang umimik.
''Blessica, pasensya ka na at -- mukhang naistorbo ka namin,''
''O-okay lang naman. Puwede ko bang malaman kung ano bang mangyayari mamaya,''
''May meeting mamaya, isang napakalaking kliyente. Apat kami ngayon na magprepresent sa kaniya at kailangan na kailangang mapa-oo namin siya. Ngayon paano namin magagawa 'yon kung napakainit ng ulo ni Allen?'' sambit ko, at nakita ko naman siyang tumungo-tungo lang mula sa salamin.
''Tarantado naman kasi itong pinsan niyang si Mauro eh. Alam mo, mabait sa mabait si Allen at napakahaba ng pasensya niyan. Kaya lang kung magalit ay malalim din. May deal kami ngayon sa Shueng Company at kapag pumalpak si Allen ay marereject lahat ng shareholder,''
''You mean madadamay kayong lahat?''
''Exactly Blessica,'' agarang sagot ko sa kaniya.
''Kung alam mo lang Ms. Torres ay halos mabaliw kami kakahanap ng phone number mo. Kung alam lang namin, na dito ka lang pala sa B Cafe mahahagilap ay personal na sana kitang kinausap,''
''Eh -- paano niyo pala nakuha ang number ko?''
''Kinuha ko pa sandali ang cellphone ni Allen at tumawag ng programmer. Alam ko -- na magagalit siya kapag malaman niya 'yon kaya, binawian na lang namin sa bihis at ganda mo ngayon.'' Mula sa salamin ay nakita ko siyang tinitingnan ang suot niyang dress, habang nakapatong sa kaniyang hita ang maliit niyang bag purse.
''Eh sino 'yong kausap ko kanina?''
''Si Chris 'yon, isa pa naming kaibigan. Ako ang nakakuha ng number mo, si Lexter ang sa damit mo na pinasuyo kay Shasha, at si Chris naman ang komontak sa 'yo kanina. Lahat kasi kami ay nagtutulakan kung sino ang tatawag hanggang siya na lang ang nagpresinta,''
''Paano kung hindi ako magtagumpay Rumir?''
''Eighty percent, eighty percent ng total stocks ay mawawala na lang ng parang bula,'' sinsirong paliwanag ko, kaya narinig kong bigla na lang siya bumuntong ng hininga mula sa likuran ko.
Ano na kaya ang mangyayari mamaya? Mapapa-oo ba namin si Mr. Shueng o hindi?