Mauro's POV Masama lang ako sa masama pagdating sa bisyo, pero hindi ko budhi ang ginagawa ni lolo Ysmael! Alam kong kaya niyang pumaslang -- pero hindi ko alam na kahit maging kami pala ay kaya niya palang burahin sa mundo para lang maipaghiganti ang inaanak ng kaibigan niyang si Escobar! Napaatras na ako ng wala sa oras noong bumulagta na si Allec -- ni hindi ko nga maipikit na ang aking mata! Kabang-kaba na ako -- pero ang galing ko sa pag-arte ay gagamitin ko na ngayon. Gagalingan kong magkunwari, na tulad noong napaikot ko si Allen sa malaking cheke! "Ako na pong bahala kay Blessica," lakas loob kong sambit sa kaniya kaya napatingin ang matanda sa akin. Tinitigan niya ako, mula ulo hanggang paa. "At bakit ko naman sa 'yo ipagkakatiwala ang babaeng 'yan?" "Bakit lolo? Wala pa ba

