Allen's POV "Hi sir! I do apologize but -- " Napahinto bigla ang babaeng staff sa pagsasalita. Hindi ako puwedeng magkamali, siya si Paula na tinanungan ko kanina sa lounge. "Bakit?" "Ay p-pinoy po pala kayo. Hmm, s-sir, baka pwede pong -- maiwan ko po muna sa inyo ito," saad niya habang hawak-hawak ang stroller. "Nakikipagbiruan ka ba? Iiwan mo ang bata sa ni hindi mo nga kilala?" Sumilip ako sa batang nakabalot ng puting shawl sa katawan. "Urgent lang po -- baka pagalitan po kasi ako ni ma'am, promise babalik din po agad dito at kukunin ang baby," "Ano? Iiwan mo talaga 'yang anak mo sa 'kin?" "Ay hindi ko po anak 'yan sir, sa kasamahan ko po yan na staff, si Althea," saad niya. "Pasensya po sir, mga five minutes lang po talaga at baba rin po ako kaagad," huling pakiusap niya at

