Allen's POV
Habang nagsasalin ng kapeng barako sa aking tasa ay biglang may kumatok sa aking pintuan. Malamang sa malamang, ang pinsan ko itong makulit.
"Come in," sambit ko na lang kahit ayaw ko ng kausap ngayon. Alam ko naman kasi na hindi niya ako titigilan.
Pumasok siya na ngiting-ngiti sa akin -- 'di ko alam kung nakainom ba siya o talagang may maganda lang balita na sasabihin.
"Bakit Allec," tanong ko habang siya naman ang nagsalin ng kape sa kaniyang tasa. Umupo siya sa malaking couch, habang ako naman ay nakatayo pa rin at hinihintay kung ano man ang sasabihin niya.
"Cousin, cousin, Allen," wika niya, na animo'y naging bituin na ang kaniyang mata!
"Hoy Allec, mukhang masama ang nakain mo yata?" hindi siya sumagot kundi ang ngumisi lang sa kin.
''Allec, I'm not in a good mood right now,'' saad kong buntong hininga. Umupo ako sa kabilang couch, sumandal doon at ipinikit ang mata.
''Talaga ba cousin? Hmm, hindi ko alam kung ano ang naging ending story, pero sino ang babaeng nakasama mo kahapon sa Singapore?''
Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya -- kumalabog na nang napakabilis ang dibdib ko!
Dahan-dahan kong inayos ang aking pagkakaupo at tumingin sa kaniya.
''My cousin, mukhang may nagpabago na sa 'yo ha?''
Hays, sinabi siguro ni mang Islo ang tungkol sa pag-booked ko ng ibang hotel kagabi, kasama ang babaeng -- ayaw ko na muna siya isipin ngayon -- dahil sa nalulungkot at nadidismaya lang ako lalo.
''Tigilan mo 'ko Allen sa walang imik mo sa 'kin ngayon. Kilala kita alam mo 'yan,''
''Oh 'yon naman pala eh. Dapat hindi ka na nagulat na may lagi akong pinakikilala na pekeng girlfriend kay lolo Ysmael natin,'' pagpapaliwanag na palusot ko sa kaniya.
Pero ang mokong, ngitian lang ako lalo at tinabahan ako sa couch!
''Allen.'' Hinawakan niya ang aking braso at tinitigan ako mata sa mata.
''Allec huwag ka na makulit dahil -- ''
''Tama ka insan, alam ko na may pinakikilala ka lang na pekeng girlfriend sa lolo Ysmael natin. Alam ko 'yon, alam na alam ko,''
''O edi tapos ang usapan -- ''
''Pero bakit ganiyan ang mukha mo ngayon?''
''H-huh?'' Napalunok ako ng laway bigla sa sinabi niya.
''Allen, hindi na mabilang sa daliri ang mga babaeng napakilala mo kay lolo, pero bakit -- bakit ganiyan ang mukha mo ngayon? Ano, emotional involved na ba?''
''H-hindi ko alam ang sinasabi mo -- ''
''Alam kong alam mo ang sinasabi ko Allen. Anong nangyari? Akala ko ba ay no emotional involve sa gimik mo na 'yan? Mukhang -- tinamaan ka na sa isang pastry chef,''
''Haha at saan mo naman nakuha ang impormasyon na 'yan?'' Natawa ako bahagya, tumayo at kumuha naman ng snacks sa aking table.
''Dahil dito,'' saad niya nang nakatalikod pa rin sa kaniya.
''Ano? Dahil sa ano na naman Allec -- '' Napatigil ako sa pagsasalita, agad kinuha ang silver bracelet!
''SAAN MO 'TO NAKITA!'' malakas na singhal ko pero nakangiti lang siya sa pagmumukha ko!
Niyakap ko ang silver bracelet, hinalikan at hinawakang maigi!
''Pinaabot ni mang Islo 'yan sa 'kin. Mukhang nakalimutan niya sa bulsa niya at maleta lang ang naiabot niya sa 'yo,'' masayang usal niya at ipinatong ang kaniyang sapatos sa lamesa.
''Ano Allen, 'yang pastry chef na ba na 'yan ang bumihag sa 'yo?'' tanong niya at napakunot lang ako. ''Paano mo naman nasabi na p-pastry chef siya,''
''Hala, tingnan mo kaya ang design ng bracelet,''
Iniangat ko pa ito at tiningnan ng maigi. ''Mukhang cookies lang naman ah,''
''Anong cookies Allen? Macarons 'yan loko. Sa London, ang mga pastry chef doon, o kahit ano pang field sa pagluluto ay may mga bracelet na ganiyan,, depende na lang sa specific na design. Patunay 'yon sa grabeng passion about baking and cooking. Sobrahang halaga niyan para sa kaniya. Teka, buti at binigay niya 'yan sa 'yo?''
Kaya pala, kaya pala grabe kung hanapin niya ang bracelet na 'to!
''Ano Allen, na sa'n na siya ngayon?''
Napahingang malalim ako at muling napaupo na naman sa couch. Bukod sa wala akong maisagot sa kaniya, mas lalo lang akong binalot na pagsisisi kung bakit kasi hindi ko hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya, noong nasa ibang hotel na kami nag-booked.
''Huwag mo sabihin Allen na hindi mo nakuha ang number niya?''
''N-nawala sa isip ko dahil -- '' hindi ako nakatapos sa pagsasalita dahil bigla siyang napatayo at napakamot ng kaniyang mukha.
''Allen namannnnn,'' mahabang sambit niya at bumuntang ng hininga. ''Now I understand kung bakit ganiyan ang mukha at mood mo ngayon,'' dagdag pa niyang sabi at napilitang higupin ang kaniyang malamig ng kape.
''Pero nakuha mo naman ang pangalan niya 'di ba?''
''Oo. B, B-Blessica ang pangalan niya,''
''Hindi na ako magtatanong Allen, kung nakuha mo man lang ba ang contact number ni maging ang email niya. Alam ko na ang magiging sagot mo, p-pero, alam mo ba ang buong pangalan niya?''
Napakamot ako lalo ng ulo ko. Sinabi ni Blessica sa 'kin ang buong pangalan niya, pero ngayon ay hindi ko na maalala!
Umiiling lang akong sumagot sa kaniya at napahingang malalim. ''Pambihira ka naman Allen,'' singhal niya at maging siya ay napabuntong ng hininga.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinipa doon. Ilang minuto ay nagsalita siya habang kumakamot sa kaniyang ulo.
''Ang dami niyang kapangalan na pasty chef sa f*******:,'' saad niya at kumamot naman sa kaniyang patilya.
Naalala ko na naman tuloy si Blessica -- sa paraan nang paghatak niya sa patilya ko sa tuwing hindi kami nagkakasundo.
Habang tahimik kaming dalawa, hindi ko pa rin maisip kung paanong nakabalik sa akin ang bracelet. Ang alam ko kasi ay parehas na necktie ang ginamit ko noong meeting namin kasama si lolo Ysmael kahit noong nag-booked na kami sa ibang hotel.
''Paano kaya nangyari 'yon. Ang akala ko, nahanap na ni Blessica na nakatago sa secret pocket ng necktie ko ang silver bracelet niya. Saka kinuha niya rin 'yon for remembrance,'' bulong ko sa aking isip, nang biglang nag-ring ang cellphone ni Allec.
''Excuse me cuz, sagutin ko lang ang tawag ng kasambahay ko,'' sambit niya at pumunta na sa may gilid.
Habang mag-isang nakaupo ay 'di maalis sa paningin ko ang bracelet na nginangawngaw ko kanina pa, hanggang sa may biglang kumatok. Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan.
''Bakit mang Islo,''
''Iho nasa baba si Lexter. Eh, alam kong iba ang timpla mo ngayon kaya umakyat muna ako para ipaalam sa 'yo,''
''Okay lang po manong, sige ho paakyatin niyo na po siya,'' sambit ko, nang bigla akong may naalala.
''Mang Islo, s-sino po nagbigay no'ng silver bracelet?''
''Ahh, pinaabot po 'yon ng staff sa hotel. Noong naglinis daw po kasi sila ay nakita nila iyon sa sahig. P-pasensya iho, nawala sa isip na iabot sa 'yo kaagad kanina, nasa bulsa ko kasi,'' paliwanag niya.
Alam ko, siguro kaya 'to nahulog sa sahig dahil sa iniangat niya ang dalawa kong patilya noon at napayugyog ako! Nako mabuti na lang pala!
''Maraming salamat po mang Islo,''
''Sige iho, paakyatin ko na rin si Lexter dito,'' wika niya pa at pumasok na sa elevator.
Paupo na ako sa couch nang lumapit si Allec sa 'kin. ''Uuwi na muna ako sa bahay cuz, nakita na kasi ni manang ang flashdrive na pinahahanap ko,''
''Sige,'' maikling sabi ko at bahagyang yumakap na sa kaniya bilang pamamaalam.
Hawak na niya ang door knob sa pinto nang biglang siyang humarap muli sa 'kin. ''Allen,''
''Hmm?''
''Alam ko, ikaw ang taong takot na takot ma-reject. Pero hindi naman ibig sabihin na reject ka na kay tita Isabelle ay reject ka na rin sa babaeng magugustuhan mo. Give it a shot cuz, mukhang nakita mo na ang babaeng para sa 'yo,'' huling ngiting sambit niya at lumabas na sa 'king pintuan.
S-Siya na kaya -- ang para sa 'kin?
Pero paano 'yan, ni hindi ko alam kung saan siya unang hahagilapin?
''Sana tama ka Blessica, may the wind let cross our world again,'' huling sambit ko at hinanda na ang sarili sa matinding pangangasar ni Lexter sa 'kin.