CHAPTER 11

1872 Words
Lexter's POV Pagkasabi na pagkasabi ni mang Islo na puwede nang umakyat ay wala na akong sinayang oras pa. Imbis na magpahinga rin ako ngayon dahil sa pagod mula sa meeting sa Singapore, saka naman nagkaroon ng malaking problema! Hindi ko na nakuhang kumatok sa kaniyang pinto at agad nang pumasok sa loob. Nilapitan ko siya at napansin agad isang silver na alahas sa kaniyang kamay, pero hindi ko na lang masyado pinansin iyon. ''Allen, may dapat kang malaman,'' hingal at pag-aalalang sabi ko sa kaniya. ''Ano na naman ba ha?'' ''Allen ang pasaway mong pinsan,'' buntong hininga muling sabi ko, kaya napatayo siya at hinawakan kaagad ang aking kwelyo. ''Anong ginawa ni Mauro!'' malakas na sigaw niya at lumaki ang kaniyang mata. ''He tried to reached and attacked tito Ignacio but thanks God at mabilis ang mga guard na pinigilan siya,'' huling sambit ko saka pinakawalan na niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at malamang sa malamang ay nakita na niya ang napakaraming missed call sa kaniya ni tita Isabelle! Mabait sa mabait at kalmado sa kalmado si Allen. Pero kung tungkol na ito sa pinsan niyang hudlom, lahat na yata ng pasensya sa katawan niya ay parang nawawala na parang isang bula. Sumunod na ako sa kaniya papalabas ng kaniyang kuwarto para pumunta na sa Saavedra Group. CHRIS POV Wala ng mas mas iitim sa ugali na mayro'n si Mauro. Tiyak na nanggagalaiti ngayo si Allen kasama ni Lexter papunta dito sa opisina ng kaniyang mga magulang. Si Mauro Guanzon, ang pinsan niyang mas ligaw pa sa damo ng landas. Dati siyang ex-convict at dahil sa salapi at malakas na kakilala ay nakalabas siya ulit mula sa pagkakabilanggo. Hindi nga siya pumatay, hindi nga siya nag-alimpusta ng tao pero pagdating sa lahat ng uri ng droga -- lahat 'yon -- lahat 'yon ay may kakilala siya at koneksyon. Matagal ng hiwalay ang pamilyang Saavedra at Guanzon dahil bukod sa ayaw nilang madawit ang kompanya sa issue ay ayaw rin nilang mabahiran ng dumi ang kanilang pamilya. Dalawang taon na simula no'ng wala na silang ugnayan, kaya hindi ko lubos akalain kung ano ang ginagawa ng tarantadong 'to sa opisina nila tito! ''Tita Isabelle, kumusta naman ang pakiramdam mo,'' sambit ko sa ina ni Allen na hanggang ngayon, kitang kita ko pa rin ang tension sa kaniyang mga mata at nginig ng pangangatawan. Nasa kabilang gilid ko naman si tito Ignacio na hinawakan ang hot compress sa kaniyang ulo. Naisahan kasi siya ni Mauro ng isang suntok, mabuti na lang at mabilis na dumating na ang mga guards para mapalabas na agad ng gusali. ''NASAAN SI MAURO!'' malakas na sigaw ni Allen pagdating na nagaalburuto ang kaniyang mukha. Hinanap niya ito sa paligid pero bigo na siyang makita ito. ''Nasaan na siya!'' pag-uulit niya at lumapit sa kaniyang ina. ''Mom okay ka lang ba? Did he -- '' ''I'm okay son,'' sagot ni tita. Lumapit naman siya kay tito Ignacio para kumustahahin ito. Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang stress na bumalot sa buong pagkatao niya ngayon. '''Tol don't worry, alam na lahat ng mga pulis ang nangyari,'' saad naman ni Rumir sa kaniyang likuran na pilit siyang pinakakalma. Ito ang pinakamahirap na gawin kay Allen. Kung anong kinabait niya ay kabaligtaran naman kung magalit. Iba magalit ang taong ubod ng bait! ''Dad, ano bang sadya ni Mauro dito sa 'yo?'' tanong ni Allen sa kaniyang ama na deretsong nakatingin. ''He wants some money son, nakita kong may hawak siyang pulang chips. Mukhang malaki ang naitalo niya sa casino,'' sambit ng kaniyang ama na nakahawak pa rin sa hot compress. ''Talagang hindi lang droga ang kinagigiliwan niya ngayon, mukhang pati casino yata ay sinamba na niya.'' Nag-aapoy ang kaniyang mata dahil sa labis na galit, marahil iniisip kung bakit kaya naligaw bigla dito si Mauro sa opisina nila tito. ''Iho, okay naman kami ng mommy mo kaya huwag ka nang mag-alala,'' ''Ano? Paano kung ulitin na naman niya!'' malakas na singhal niya kaya napilitan na siyang pakalmahin ni Rumir mula sa kaniyang likuran. '''Tol, may mga bantay na kaya ipanatag mo na 'yang loob mo, saka -- '' napatulol siya sa pagsasalita ni Rumir nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. ''Hello, yes this is Rumir. Okay, thank you for the update.'' Pinatay na niya kaagad ang tawag. ''Nasa prisinto na ulit si Mauro,'' sambit niya kaya mabilis nang lumabas silang dalawa ng galit naming kaibigan. ALLEN'S POV ''Rumir can you drive faster!'' malakas na sigaw ko sa aking katabi. '''Tol anong gusto mo! Ang makasagasa ako ng tao!'' Hindi na ako sumagot pa kundi ihawak na lang ang kamay sa aking pangang kanina pa nanggagalaiti. Ilang sigundo pa ay natanaw ko na ang police station. Bababa na sana ako ng sasakyan, nang bigla naman ni-lock ni Rumir ang sasakyan. ''Open, THE F*CKING DOOR RUMIR!'' gigil na sambit ko pero hindi pa rin siya natinag. Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mata. ''Allen, please huminga ka muna. Dahil kung hindi, mapipilitan akong hindi ka palabasin dahil baka makapahamak ka.'' Nakatingin pa rin siya sa 'kin, na dahilang kahit papaano -- ay biglang humupa na ang napakaunting galit ko. Limang sigundo ay binuksan na niya ang pinto ng sasakyan at lumakad na sa police station. Akala ko ay nabawasan na ng kaunti ang galit ko sa loob, perong no'ng nakita ko si Mauro at naalala ang ginawa sa aking ama ay lalo na yatang umusok ang buong katawan ko! ''Parang bata ka pa rin talaga!'' sigaw ko sa pinsan kong siraulo at binagsakan siya ng isang suntok. Sinubukan man akong hawakan ni Rumir, pero ibang klaseng lakas na yata ang nananalantay sa buong pagkatao ko ngayon dahil sa labis na galit! Tatlong mga pulis na mismo ang humawak sa aking magkabilang braso nang biglang nakahirit pa ako ng isang suntok sa kaniya. Pumutok ang kaniyang ibabang labi at pumatak ang pulang likido sa kaniyang puting polo. ''Sir Allen huminahon na po kayo, kami na po ang bahala sa kaniya,'' saad ng isang opisyal at inilagay na sa siya sa loob ng selda. Naramdaman ko ang pananakit ng aking kamay pero alam kong nasa katarungan at hustisya naman ang sakit na 'yon. Oo, naging mailap ang aking mga magulang noong ako'y bata pa, pero hindi ako papayag na saktan sila ng kung sino mang tao! Hindi ako nakakatayo at makakarating sa ganitong klaseng tindig kung hindi nila ako pinaaral at binuhay. Kahit may mga pagkukulang sila ay buo pa rin ang pag-ibig ko para sa kanila. Nagdamdam lang, pero hindi ang 'di na sila mahal. Habang kausap ni Rumir ng ilang opisyal sa labas ay bumalik muli ako sa selda para tingnan siya. Nakita ko siyang napakagulo ng sarili, dagdag pa ang duguan nitong labi. ''Ano Mauro? Siguro naman ay nadala ka na ngayon at hindi mo na gagalawin ang mga magulang ko,'' taimbagang sambit ko sa kaniya. Babalik na sana ako kay Rumir, nang bigla siyang nagsalita. ''P-patawad,'' wika niya, na hindi ko alam kung nagpapatawa o nang-iinis lang siya sa akin lalo! ''Anong sinabi mo? May dumi ba ako sa tainga? Patawad Mauro pero bagay ka sa selda! Mabulok ka ngayon sa kulungan total wala ka naman sigurong ibang alam kundi ang manggulo lang ng buhay ng iba! You're son of witch, napuruhan mo pa si dad kanina!'' ''Allen, h-hindi ko ginusto 'yon,'' saad niya at dahan-dahan lumalapit sa akin. Noong malapit na siya sa rehas ay umupo na siya sa harap ko. ''Allen, may rason ako kung bakit ko nagawa 'yon,'' saad niya at lumihis ang isang luha sa kaniyang kaliwang mata. ''Galingan mong magdrama sa 'kin Mauro, 'yong sapat na dahilan para hindi kita tuluyang ipakulong dito,'' pilit na ngiting sambit ko habang hinihintay ang pagpapalusot niya ngayon sa 'kin. ''Allen ang kambal ko, si Mary,'' luhang sambit niya. Napaatras ako, at biglang tumaas ang mga buhok ko sa batok. ''A-anong nangyari kay Mary,'' halos bulong na sambit ko at napababa ang lebel sa kaniyang pagkakaupo. ''N-nabuntis siya Allen, a-at -- hindi ko kaagad 'yon natanggap. A-alam mo naman ang magulang mo 'di ba? Halos wala ng pakialam sa 'yo dahil sa pagnenegosyo, pero may pagkakaiba. Sina tito Ignacio at tita Isabelle ay mahal at kilala ka pa, samantalaga mga magulang namin ay pinabayaan na kami!'' Napatayo sa muli at nag-iiyak sa loob kaya napalapit na rin si Rumir sa amin. '''Tol anong nangyayari,'' hindi ako sumagot kay Rumir pero nanatili pa rin siya sa gilid ko. ''Pwes Mauro, ano ang dahilan at nasuntok ang ama ko? Bakit mo siya pinagbuhatan ng kamay! Pa'no kung matagal dumating ang mga guards! Sigurado akong maging ang ina ko ay masasaktan mo!'' ''Allen lumapit ako ng maayos kay tito Ignacio, lumapit ako ng mababang loob. Hindi ako pumunta doon para makipaghanap ng away kundi ang humingi ng tulong. Pero imbis na tulong ang natanggap ko ay puro masasakit lang na salita ang natanggap ko sa kaniya. Alam kong dating prostitute si mama pero bakit kailangan paulit-ulit na sabihin?'' iyak na sambit niya at itinapal ang kaniyang palad sa kaniyang mukha. Halos hindi ako makahinga ng maayos at pabalik-balik ako ng lakad dito sa labas ng selda habang nakatingin lang sa 'kin si Rumir sa gilid. Hindi ko rin maiwasan na hindi ma-guilty. Bukod sa alam ko na kung bakit niya nasaktan ang ama ko, nalaman ko rin na may mabigat pala siyang pinagdadaanan. ''Mauro, ano ba kasi ang klaseng tulong ang hinihingi mo kay tito Ignacio kanina,'' singit naman ni Rumir na tanong sa kaniya. ''Malapit na manganak si Mary, m-malaki ang kaniyang tiyan at kailangan siyang i-cross section,'' patak na naman na luhang sambitla niya. ''Bakit? Nasaan ba ang ama?'' tanong na naman ni Rumir. ''Ang walang hiyang 'yon, pagkatapos siyang tulungan ng kambal ko para makapagtapos sa pag-aaral ay iniwan lang siya, at -- at nag-iwan pa talaga ng bakas,'' bulalas niya na kahit ako -- ay parang napunit ang puso dahil sa narinig. ''Kaninang umaga kami nagpa-checkup at kabuwanan na niya ngayon. May -- may pera naman ako, k-kaya lang pinang casino ko dahil kulang. Alam ko mali ko, pero wala na kasi ako sa tamang pag-iisip kanina dahil sa tindi ng isipin,'' hagulgul niya at inuuntog na ang kaniyang ulo sa pader. ''Hey hey hey, Mauro listen, tutulungan ka namin, tutulungan ka namin, police officer! Pabukas ng selda!'' malakas na sigaw ni Rumir samantalang ako -- dahan-dahan pa rin nagsi-sync in ang mga bagay na sinabi niya. Mabilis na lumapit ang opisyal at binuksan ang rehas. Nang makaipon na ako ng lakas, humarap ako at umupo sa kaniyang harap. ''Magkano ang halaga nakailangan mo,'' tanong ko, habang dinudukot sa aking coat ang cheke, nang biglang pinigilan ako ni Rumir. ''Nasa'n ang patunay Mauro na nagdadalang tao ang kambal mo na si Mary,'' pagkumpirma niya. Dinukot naman ng kaharap ko ang nakatuping papel na naglalaman ng ultrasound ng kaniyang kambal. Ang bigat ng loob ko, nagsisisi kung ba't hindi ko muna pinakinggang ang paliwanag niya. Dahil do'n, napasulat na lang ako sa cheke ng malaking halaga. ''S-sana makatulong ito, sa pagpapanganak ni Mary,'' usal ko at inabot sa kaniya. Lumisan na kaming dalawa ni Rumir sa prisinto kung saan ako binalot ng maling galit at akala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD