CHAPTER 12

1434 Words
Blessica's POV Mula noong nakauwi ako ay wala akong ibang ginawa kundi ang asikasuhin itong B Cafe ko. Ito ang pangpito ko na bakeshop sa buong Luzon kaya ako mismo ang nagha-hands on dito. Kung tutuusin, hindi ko na kailangan na tumanggap pa ng support na pera mula sa papa kong hindi naman talaga ako tanggap. Napa-aral ako ni mama sa London at doon ako nag-aral ng baking. Samakatuwid, doon na ako nagtapos ng kolehiyo at namuhay kami sandali doon ni mama. Kaya lang wala eh, mukhang napamahal na siya sa bansang 'yon kaya ako na lang ang mag-isang umuwi dito sa Pilipinas ang itayo ang pangarap kong bake shop. Siguro, medyo nagustuhan nila ang mga gawa ko kaya sa loob lang ng isang taon ay nakapitong bakeshop na ako. Alas-onse na ng gabi at malapit na ang closing time. Kasama ko ngayon ang isang baking assitant ko na si Dina na labing apat din ang edad at ang aking staff na si Krisfer na labing walong taong gulang pa lang. ''Ma'am, may isa pa pong dosenang macarons,'' ''O iuwi mo na 'yan sa inyo Krisfer, para naman matuwa ang lola mo,'' usal ko naman habang nagpupunas ng mga kagamitan. ''Natapos din ang pagwawalis, mop naman,'' usal na ngiti naman ni Krisfer. Nilalagay ko na ang mga maliliit na plato sa ilalim, nang biglang nakita ko si Krisfer pabalik sa loob na may malungkot na mukha bitbit ang mop. ''Krisfer may problema ba,'' ''Ma'am, hindi ko na maiuuwi ang masarap mong macarons,'' ''Bakit? Ahh, hiningi ba ni Dina?'' sambit ko habang tumuloy na sa paglalagay ng mga platito sa ilalim ng cabinet. ''May dalawang lalaki na naka-business attire sa labas ma'am, omorder ng kape at macarons,'' ''Ahhh, sige 'di bale, bukas ay mas marami ang gagawin natin para may maiuwi kayo ni Dina,'' wika kong nakangiti sa kaniya at muli nang pinunasan ang counter. Sigundo pa ang umikot at lumapit na naman si Krisfer sa 'kin. ''Ma'am, mauna na po kayong umuwi, kaya na po namin 'to ni ate Dina,'' ''Shhm okay lang ako, hindi pa ako pagod,'' ''Pero -- '' ''Gusto mo ng wala kang macarons bukas?'' pagbabanta kong tawa sa kaniya. ''Opo, hindi na nga makikipagtalo. Baka gusto mo rin mag-mop ma'am?'' pang-aasar niya sa 'kin naibato ko sa kaniya ang tuyong basahan. ''Ikaw talagang bata ka,'' usal ko pa sa kaniyang at tinawanan lang ako. Minuto ang lumipas, masayang lumapit sa akin si Dina. ''Ma'am -- kalokaaaa!'' sambit niya na mahina at may hawak na isang buong libo. ''Ma'ammm, ang guwapo ng mga lalaki sa labassss,'' pigil na kilig niya at medyo napasayaw pa! ''At 'di lang 'yon ma'am! May tip pa ako!'' sayang sabi niya muli sa akin. Mula sa glass window ay blurred ko lang silang nakikita. Dahil sa may natira pang platito na dapat ilagay sa labas -- ay ako na lang ang gumawa imbis na si Dina. ''Nako ka talaga Dina, may tip na, may nakita ka pang gwapo,'' usal ko at binuhat na ang pitong platito. ''Ma'am ako na maglagay doon,'' ''Ako na Dina, ikaw na lang ang mag-antabay kung may kailangan pa sila,'' pagsisinungaling ko, dahil ang totoo ay gusto ko rin makita ang tinutukoy niya! Haha! Nakatalikod ang isang lalaki habang ang kaharap niya naman ay masayang nakikipag-usap sa kaniya. Malapit na 'ko sa kanila habang nag-aayos ng platito sa ilalim ng cabinet, kaya hindi nila ako kita mula sa likuran ng lalaking nakatalikod. Dinig ko rin ang mga pinaguusapan nila. '''Atleast ngayon 'tol, payapa na 'yang isip mo, na hindi sasaktan ni Mauro sina tito Ignacio at tita Isabelle.'' Walang naging sagot ang kasama niya kundi ang napabuntong lang sa paghinga. Napasilip ako sa maliit na uwang sa dalawang lalaking nag-uusap. Ang pinagtataka ko, napansin ko ang kanang kamay ng lalaking nakatalikod. May pasa ito at mukhang kagagaling lang mula sa away. Noong nakita ko ang lalaki na nagsalita, ewan ko ba pero parang nakita ko pa siya kung sa'n no'ng mga nakaraang araw! Pinilit kong isipin pero wala talaga akong maisip, baka bunga na rin ng matinding pagod na trabaho sa buong maghapon dito sa B Cafe. ''So, maiba 'tol, kumusta naman kayo noong babae?'' Wala pa rin naging sagot ang lalaki at kumagat lang ng macarons. Mula sa maliit na uwang, kahit nakatalikod siya ay alam kong nagustuhan niya ito sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagtungo niya. ''Natatawa ako sa 'yo, ano first time mo bang kumain ng macaron?'' ''Ahh, ito pala ang macarons,'' Napaawang bigla ang bibig ko -- habang nakasilip pa rin sa maliit na uwang! Nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon, bahagya na akong napaatras at nanigas sa aking kinalalagyan. ''Nakikita mo ba ang silver bracelet na 'to? Sa kaniya 'to,'' masayang usal niya, dahilan kung bakit na naman ako napasilip sa maliit na espasyo! ''Rumir, umaasa ako sa sinabi ni B,'' ''Umaasa na?'' ''Sana -- may the wind let cross our world again,'' ''God, I think nakahanap ka na ng katapat mo! Nako umuwi na nga tayo Allen,'' saad ng kasama niya at lumakad na. '''Tol ang cute ng sasakyan, kulay pink,'' huling sambit ng kasama niya at pumasok na sa kanilang sasakyan. Halos hindi ako makagalaw -- Na napilitan pa rin ako takpan ang bibig ko -- Mukhang -- dininig ng bathala ang sinabi kong sana! ''Ma'am okay ka lang ba?'' alalang tanong sa kin ni Dina. Inalalayan niya ako, pinaupo kung saan kanina -- umupo si Allen. Wala na siya, pero ang amoy niya ay nandito pa rin -- pakiramdam ko -- niyayakap ako. Lumipas pa ang mga araw ay nag-iba na ang mga oras ko sa pagpasok sa cafe. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko, parang ayaw na gusto ko siyang makita ulit. Natatakot kasi ako -- sa naging ugnayan namin doon sa Singapore. Isang araw at saglit lang naman sana 'yon pero ewan ko ba. P-parang sumapat ang isang araw para gumaan bigla ang loob ko sa kaniya. Ang kaniyang laging itsurang naka-business attire, ang kaniyang amoy. Ang kaniyang mata, ang kaniyang makakapal na kilay, ang napakatangos niyang ilong, ang mabalbon at moreno niyang kulay, ang pag-comfort niya, pagyakap niya, ang labi niya, lalo na ang kaniyang patilya! Na-miss ko nang hilain 'yon! Lahat 'yon -- lahat tumanim sa dibdib ko sa loob lamang ng napakaikling panahon. Gustuhin ko man siyang makita ulit, lalo na't nalaman ko na suot-suot niya ang silver macaron bracelet ko ay gusto ko na tuloy makita ang kaniyang mukha. Pero eksaktong isang buwan ngayon ay hindi na siya ulit nakabalik sa cafe. Kaya, inisip ko na lang na aksidenteng lang ang pagpunta ni Allen dito. Sa halip na isipin siya, inahanda ko na lang ulit ang sarili para sa buong maghapon na naman na trabaho dito sa cafe. Naka-spaghetti dress pa naman ako, kailan dalhin ko ang pagkabinibini ko ngayon! Limang oras na at dagsa pa rin ang tao. Masaya naman ako pero ramdam lang talaga ang pagod. Hmm, kailangan ko na sigurong magpa-massage ngayon! ALLEN'S POV Araw ngayon ng linggo kaya kung madalas naka-business attire kami ay napa poloshirt ang mga suot namin ngayon. Labas ngayon ng four bad boys kaya kaming apat lang muna ang magba-bonding! Pagkatapos no'ng nakaraan buwan galing sa gulo ni Mauro ay dinala ako ni Rumir sa isang cafe. Bukod sa hinahanap ko ang masarap na lasa ng macaron, namiss ko rin ang babae na matagal ko nang hinahanap. Tinanong ko na ang lahat ng kakilala kong businessman kung may anak ba silang Blessica pero wala eh, lagi lang akong bigo. Ang kakilala ko namang spy ay wala pa rin balita. Alaskuwatro na ng hapon at doon kami nagmeryenda. Bukod sa kinakain kong macaron ay omorder pa ako ng dalawang kahon para iuwi mamaya. 'Di ko ba alam at parang na addict naman ako bigla sa pagkaing 'to! Sa labas lang kami umupo dahi puno na ng tao sa loob. Hmm, mukhang marami akong katunggali na customer dito ah! ''Allen, porke ba macaron ang design ng bracelet ay 'yan na rin ang laging oorderin at kakainin mo?'' usal ni Chris na pangangasar kahit ngumunguya pa. Hindi ko na lang siya pinansin at napatitig na lang sa malaking macaron sa labas na may nakapatong na malaking letra B. ''B,'' mahinang sambit ko at napakunot ang noo, nang biglang nahulog ang tray na naglalaman ng limang juice. Naagaw lahat ang attention sa kaniya. S-si -- si BLESSICA! Imbis na lapitan siya, umalis na kami kaagad na magkakaibigan sa cafe, dahil sa sinabi kong may emergency bigla sa kompanya. Alam ko na ngayon -- alam ko na ngayon kung saan siya hahagilapin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD