Blessica's POV Saktong alas diyes ng gabi ay nakarating na ako dito sa mansyon nila. Ilang beses na akong nakapunta dito sa tirahan ni Allen pero ewan ko ba. Lagi na lang akong namamangha sa laki at klaseng ganda ng kanilang mansyon. ''Hmm, ano kayang ginagawa ni A ngayon,'' bulong ko sa sarili habang nakaharap sa gate ng kanilang mansyon at hawak sa kaliwang kamay ko ang kahon na naglalaman ng kaniyang requested macarons. Agad kong nakita ang isang lalaki, marahil parang nakita ko na kung saan. ''Hi ma'am Blessica, good evening po,'' bati niya sa 'kin at pinagbuksan ako agad ng gate. ''Sorry pero, n-nakita ko na po ba kayo somewhere? Parang familiar po kasi kayo sa 'kin,'' ''Ako po si Islo ma'am, ang driver po ni Allen. Nakita niyo po siguro ako noon sa Singapore,'' ''A-ahh -- ka

