Allen's POV Habang masarap na natutulog, bigla akong naalimpungatan noong iginalaw ko ang aking kamay, nakita kong may babaeng nakahiga sa sofa. "Blessica!" Napabangon ako bigla para puntahan siya at nakita sa orasan na alasais na pala ng umaga. "Bakit dito ka natulog! Bakit hindi ka tumabi sa 'kin!" singhal ko habang ginigising siya. Gumalaw lang siyang bahagya, pero hindi idinilat ang mata. Mukhang puyat siya kagabi at pansin ko rin na mukhang -- umiyak ba siya? Mabilis ko siyang binuhat para makatabi ko na lang sa pagtulog. Pero sa gulat ko, bumangon siya ulit at bumalik sa pagkakahiga sa sofa. "B, ano? May problema ba?" Hindi siya sumagot kaya binuhat ko na siya ulit at mabilis nang niyakap. "Aba, mukhang ikaw pa ang mukhang galit sa 'tin ha, baka nakakalimutan mo, na pinaghint

