Allen's POV Akala ko, ang kahapon lang ang araw na masakit. Iyon pala ay ang araw na magiging kasunod din. Hindi ko matanggap ang sakit na narinig ko mula kay Blessica, tumagos 'yon sa dibdib ko na para akong bahagyang napilas. Pakiramdam ko, naulit lang ang sakit na naramdaman ko dati kay Jessica dahil sa mga singhal niya kanina lang. Nandito na ako ngayon sa aking opisina, nakatanaw sa malayo -- iniisip kung totoo ba ang nangyari kanina o hindi. ''Kung masasaktan lang ako ulit ng tulad ng hapdi kay Jessica, sana hindi na lang pala kita nakilala Blessica,'' Habang nakatayo pa rin, biglang may kumatok sa pinto at bumukas. ''Hey, kumusta ka na ang ideal cousin ko? '' bungad ni Lance na may dalang isang malaking paper bag. Yumakap siya sa 'kin sandali at inilapag ang kaniyang dala s

