Blessica's POV Nakailang sampal na ako sa sarili, dahil sa malaking katangahan na nagawa ko! Dumaan muna ako sa Crisostomo para bilhan ng bulaklak si Allen, dahil mukhang -- mukhang matinding pakiusapan ang mangyayari para mapatawad niya ako sa malaking kasalanan ko. ''Thank you Lyka, ikaw lang ba ang mag-isa ngayon?'' tanong ko sa assistant ni Amara sa kaniyang flower shop. ''Wala po ma'am Blessica, kasama po ni sir Chris sa check-up,'' ''Ahh, sige. Pasabi na lang na napadaan ako,'' huling sambit ko at lumakad na. Habang binabaybay na ang daan papunta sa mansyon nila Allen, nag-iisip na ako ng paraan para manghingi ng tawad sa kaniya, kung ano ang mga babanggitin kong mga salita, para lang -- mawala na ang galit niya sa 'kin. ''Malay ko ba na wala na pala 'yong Jessica?'' Napapaka

