Blessica's POV
Galing ako sa kusina dahil sa naghugas ako ng baso.
Okay naman kanina si Allen, pero ba't parang biglang nag-iba na ang kaniyang mood ngayon?
Hindi muna ako umimik hanggang sa nagwalis ako sa sahig. Kung kanina ay nakatulala siya, ngayon naman ay nakatingin na siya sa 'kin, isang malamig na tingin. Dahil sa tingin niya, iginilid ko muna ang mga alikabok sa isang gilid.
''A anong nangyari, may problema ba?'' Lumapit ako sa kaniya at tumabi sa sofa.
Hindi siya umimik at isinandal lang ang kaniyang likod sa sofa. ''Wala, ba't naman ako magkakaroon ng problema?''
''O-okay, h-hindi ka pa ba aalis?'' Tanong ko, kaya lalong kumunot ang kaniyang noo!
''Pinapaalis mo na ako Blessica?''
''Hindiii, hindi naman sa gano'n -- I mean baka kasi may gagawin ka pa sa opisina mo, mag-aalasdos na rin kasi ng hapon,'' pagdadahilan ko pero nakatingin pa rin siya sa mukha ko.
Mukhang may nasabi nga sigurong masama si Rumir, nagbago na kasi ng mood ni Allen mula no'ng umalis na ang kaibigan niya.
Umikot pa ang oras at malapit na mag-alaskuwaatro, nakahiga siya sa couch ng nakatalikod. ''Hmm, ano kayang gagawin ko para mapa-good mood siya?'' tanong ko sa sarili -- ng bigla ko maalala no'ng araw ng meeting nila sa Saavedra Group!
''Pisti, ayaw ko mabilaukan sa ganitong hapon,'' bulong ko sa isip, kaya napatawa na lang talaga ako mag-isa habang nakatingin sa kaniya!
''Ahhh, gagawan ko na lang siya ng kape.'' Napangiti ako sa naisip, kaya agad na akong nagtimpla ng masarap na kape para sa kaniya.
Noong nailagay ko na ang kape sa ibabaw ng lamesa, umupo na ako sa couch at hinawakan ang baywang niya. ''Allen, magmeryenda tayo,'' pagyayaya kong nakangiti sa kaniya. Humarap siya sa 'kin at tiningnan ang lamesa. Kung sa inaakala kong sasaya siya, ewan ko ba't parang mas nagsalubong ang kilay niya!
''Ayaw ko niyan, pangit ang lasa,'' saad niya at ramdam ko ang inis sa kaniyang pananalita.
''Parehas lang 'to kanina tulad kaninang umaga -- ''
''Na ginawa mo rin kay Rumir?''
''A-ano?'' Natulala ako sa sinabi niya, at agad nang may naglaro sa isip ko!
''Allen, nag-nagseselos ka ba?''
''Ba't naman ako magseselos?''
Imbis na magtaka, ewan ko ba at natatawa na lang ako sa kaniya kung paano siya umarte ngayon sa 'kin!
Dahil do'n, sumiksik ako sa harap niya sa sofa at yumakap ng mahigpit. ''Sorry na, malay ko ba na ang pagkukunwari natin ay may ganito pala,'' sambit ko sa kaniya, habang siya'y nakatingin lang ng malungkot sa akin.
''Allen para kang baliw. Ba't ka ganiyan? Kaibigan mo 'yon ba't mo iniisipan ng masama?''
''Hindi sa gano'n Blessica,''
''O edi bakit pala?'' tanong ko habang nakasubsob sa kaniyang dibdib, pero wala pa rin siyang imik sa 'kin.
''Mr. Saavedra, sorry na, promise sa susunod ikaw na lang ang pagtitimplahan ko ng masarap na kape,''
''Promise?'' sagot niya, kaya napatingin na naman ako sa kaniyang mukha.
Aba'y ang loko! Pinagselosan nga ang masarap kong kape!
Napahagikgik ako, at nagpasya na sanang umalis sa pagkakayakap sa kaniya, nang bigla niya akong pigilan.
''Blessica mangako ka sa 'kin,'' baritonong boses niya, kaya napatitig ako bigla sa kaniyang mata.
''A-ano naman 'yon - A,''
''Na simula ngayon, ako lang ang may karapatan na makatikim ng special coffee mo,''
''Seryoso ka ba sa -- ''
''Sumagot ka Blessica, kung ayaw mong anakan kita ngayon mismo.'' Tumaas ang balahibo ko sa katawan, lalo na no'ng inilapit na niya ang kaniyang mukha sa 'kin!
''O-oo na, i-ikaw lang ang -- p-pagtitimplahan ko ng -- special coffee,'' utal-utal sa sagot ko sa kaniya.
''Promise?''
''P-promise,''
''Ba't utal-utal ka magsalita? Mukhang kulang na sa massage 'yang bibig mo eh, mag -- '' Kiniliti ko na ang kaniyang kilikili para matigil na siya sa sinasabi niya!
Mabilis akong nakawala, agad nang pumunta sa higaan at nagtago sa kumot!
''Patago-tago ka pang nalalaman, mahuhuli rin naman kita.'' Naramdaman kong nasa kama na siya no'ng gumalaw ang higaan!
Malakas niyang hinatak ang kumot, kaya agad na lang din ako tumayo mismo sa kama!
''Promise Allen, na wala na akong ibang lalaking gagawan ng special coffee,'' derestsong sabi ko sa kaniya.
'''Yan, kaya mo naman pala sabihin ng hindi utal-utal eh,'' sabi niya kaya humiga na lang sa kama at pumikit.
Unti na lang ay napapaisip na ako. Sa peke bang relasyon ay may ganitong selosan?
''Baka totoo na ang nararamdaman niya para sa 'kin,'' bulong ko sa aking isip habang nakatingin sa kaniya.
''Hindi rin, kasi kung totoo, edi sana niligawan niya na 'ko 'di ba?'' bulong na naman ng isip ko.
Mukhang nakikipaglaro lang talaga si Allen sa 'kin, kaya sasabayan ko na lang siya sa gimik niya.
''B?''
''Hmm?''
''Tuloy pa ba tayo mamaya sa reunion niyo?''
''Ewan ko, ikaw kasi sinagot sagot mo pa,''
''Hmm, mas gusto ko na lang muna na humiga dito sa higaan mo, mas gusto kong magpahinga ngayon,''
''Sige, tawagan ko si -- '' hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang biglang tumunog ang aking cellphone. Speaking of Leigh, siya ang tumatawag sa akin ngayon.
''Leigh,''
''Blessica hindi na ako pupunta sa event mamaya,''
''Oh bakit naman? Parang kahapon ay excited na excited ka ha?''
''Nako ewan ko ba sa tiyan ko na 'to, biglang kumulo!''
''Ahh, sige hindi na rin ako pupunta,'' sagot ko sa kausap -- dahilan para lumiwanag na ang mukha ng kasama ko ngayon.
''Sige na tih, at magbabanyo na naman ako!''
''Sige, get well soon, bye,'' huling sambit ko saka pinatay na ang tawag.
Hmm, malakas yata ang kapit ni Allen sa itaas ha? Buong araw kong makikita ang mukha niya ngayon?
''Ba't ganiyan ang mukha mo Blessica?''
''Wala, wala,''
''Halika, tabihan mo 'ko, sakto may tatlong oras pa tayo bago umalis,''
''Bakit saan na naman ba tayo pupunta?''
''Ay hindi ko nasabi sa 'yo, may dinner date tayo mamaya kasama ng mga kaibigan ko,''
''Allen akala ko ba ay sa lolo Ysmael mo lang ako ipakikilala?''
''Well, nagbago na ang isip ko B,''
''A-anong ibig mong sabihin?''
Nilapitan niya ako at pinahiga sa kama. ''Welcome to four bad boys clan, my dearest Blessica,'' sambit niya saka yumakap na ng mahimbing sa akin.
RUMIR'S POV
Kung dati ay pamilya ko lang ang nakakasama ko rito sa Alfian Dining na traditional dinner namin tuwing gabi ng linggo, hindi ko alam na aabot pa pala ito sa aming magkakaibigan.
"What a great night every one," panimula kong usal sa kanila.
"First of all, welcome to the big family, Ms. Amara Antoinette Garcia that soon to be Mrs. Monreal. This woman beside me is my lovely wife, Mrs. Rain Ann Acosta Montano. Next is Allen Gabriel Saavedra and her girlfriend Blessica Althea Torres. The seated to the other side we're Lexter Thor Frante and her long time girlfriend Shasha Adelle Salamanca,'' panimulang sambit ko kaya saka umupo na ang lahat.
Teka. Nakalimutan kong sabihin kay Allen ang nakita kong lalaki kanina sa labas ng bahay ni Blessica. ''Hmm, kailangan kong matyimpuhan 'to si Allen mag-isa.''
Habang masaya nang kumakain, biglang tumayo si Allen. ''Excuse me, comfort room lang ako sandali,'' sabi niyang masaya, saka lumakad. Iyon na rin ang timing para makausap siya.
Nag-excuse na rin ako sa ibang mga kasama at sumunod na sa kaniya sa comfort room.
''Allen,'' panimulang sabi ko, habang siya naman ay masaya pa rin ang mukha.
'''Tol naman, umihi lang ako saglit 'tas miss mo na 'ko kaagad?'' Nanatili lang ako sa gilid ng pintuan habang siyang umiihi na.
''Allen, may nakalimutan akong sabihin sa 'yo kanina,''
''Ha? Ano naman 'yon?'' Kumunot na nang bahagya ang kaniyang noo.
''Kaninang umaga, pagpunta ko sa bahay ni Blessica, may napansin akong lalaki na naka-business attire sa labas ng bahay niya,''
''Rumir, baka namimilikmiti ka lang,''
''Pero I felt something wrong sa lalaking 'yon, b-baka tama si Lexter,'' sabi ko, kaya napatitig na siya sa 'kin.
''Ano bang sinasabi mo Rumir,''
''Baka -- baka niloloko ka lang nang babaeng 'yan kaya lumabayan mo na 'yang si Blessica bago -- ''
''Rumir,'' usal niyang papalapit sa akin at ngitian niya lang akong matamis.
''Wala lang 'yong nakita mo, baka namilikmata ka lang kasi una, nandoon ako. Means nakita ko kung may tao o wala,''
''G-girlfriend mo na ba talaga si Blessica?'' Ngumiti lang siya sa 'kin.
Hindi na siya sumagot, ngumiti lang siyang napakatamis saka lumabas na pabalik sa dining table.