CHAPTER 24

1545 Words
Rumir's POV ''Walang hiya talaga 'to si Allen, saan na naman kaya nagsususuot ngayon ang lalaking 'to?'' Tanghaling tapat na, pero hindi ko pa rin siya mahagilap. ''Ahh, baka nasa B Cafe!'' Pinaandar ko na ang sasakyan at dumako na sa shop na 'yon. Pagkarating ko, ay agad kong napansin na mukhang wala rin dito si Blessica, dahil wala ang pink niyang sasakyan sa harap. Para makumpirma, kinausap ko na lang ang isa niyang staff. ''Hi, may I know if Blessica's around?'' ''Ay wala po sir, hindi po papasok si ma'am ngayon eh,'' sagot niya kaya napahingang malalim na naman ako. Importante ang sasabihin ko sa kaniya kaya kailangan ko na siyang makausap! ''Damn,'' bulong ko sa sarili. Babalik na sana ako ng sasakyan, nang maalala kong baka do'n kay Blessica natulog si Allen! ''Sorry to bother you again -- '' Tiningnan ko ang name plate ng babaeng staff. ''Dina, baka puwede kong makuha ang address ni Blessica,'' buong loob na pakiusap ko. ''As much I loved sir, kaya lang we're not allowed to give her personal address,'' ''Right -- right. Sige -- tutuloy na ako,'' paklang ngiti ko at pumasok na lang ulit sa sasakyan. ''Ano ba naman 'to!'' Kamot ko sa aking ulo noong pumasok na 'ko sa itim kong Mazdang sasakyan. Umisip ako ng paraan kung papaano ko malalaman ang address ni Blessica. Wala naman akong tracker para masundan si Allen! Minuto ang lumipas, nang bigla ko naalalang may pinadala pala si Shasha via Lalamove sa bahay ni Blessica! Agad kong tinawagan ang aking asawa na si Rain. ''Hello mahal,'' ''Yes my husband, may nakalimutan ka ba?'' ''Wala, hmm may ginawa ka ba?'' ''Kakatapos lang paliguan ng kambal, bakit sana?'' ''Baka puwedeng patawagan naman si Shasha para i-send mo sa 'kin ang address ni Blessica,'' ''Bakit -- '' ''Basta baby please,'' Humingang malalim siya mula sa kabilang linya. ''Fine, I'll call her -- ay wait! May screenshot na pala ako diyan sa phone mo dahil nagpadala rin ako kay Blessica ng iba pang dresses ko,'' ''You -- you know her?'' ''Malamang, 'di ba siya 'yong sinabi mong nagpalabas ng similya ni Allen during meeting?'' Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya! ''Mahal naman marinig ka ng anak natin diyan!'' ''Calm down, nasa playroom na sila, hahaha. Hmm, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang kinuwento mo, lalo na no'ng numipis na ang lipstick ni Blessica pagkatapos ng meeting,'' ''Sshhhh, Rain kapag nasabi mo sa iba ang naikuwento ko sa 'yo tungkol sa meeting, nako yari ka talaga sa 'kin,'' ''Haha, hindi na ngaaa hahaha. O sige na at pupuntahan ko na sila Rocco at Reese. I love you and take care mahal,'' ''Alright, see you later. Susunduin kita sa bahay para sa group date dinner natin mamaya sa Alfian Dining,'' ''Alrigh see you love, bye,'' sambit niya at pinatay ang tawag. Dali-dali ko nang tiningnan ang photos sa screen shots section at nakita na ang address ni Blessica. Tinunton ko na ang daan papunta marahil sa girlfriend ngayon ni Allen. Tumakbo pa ang halos forty five minutes ay nakita ko na ang cute na bahay niya sa 'di kalayuan. Nalaman ko ito, dahil sa kulay pink na sasakyan ni Blessica sa tapat. Hindi pa ako gano'n kalapit, nang mapansin ko ang isang lalaking naka-business attire na nakatayo sa harap mismo ng bahay ni Blessica. Pumarada muna ako sa hindi kalayuan para malaman ko kung sino siya. Mabuti na lang ay may katabi pa akong sasakyan kaya hindi niya ako masyado napansin na pumarada sa gilid. Sinubukan ko siyang kilalanin pero hindi ko makilala ang itsura niya. Hindi ko ba alam, pero nakaramdam ako bigla nang kakaiba! Ang hindi ko maintindihan -- kung bisita siya ni Blessica ay bakit hindi siya pumasok sa loob? ''Damn it -- who the hell are you,'' mahinang bulong ko habang nakatingin pa rin sa kaniya mula sa malayo. Dalawang minuto pa ang lumipas ay naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan ito. Paikot-ikot lang siya sa harap, nako mabuti na lang talaga at heavy tinted itong sasakyan ko! Patuloy lang siya sa paninigarilyo, hanggang sa itinapon niya ito sa damuhan mismo ng bahay ni Blessica. Pagkatapos noon ay pumasak na siya sa kaniyang sasakyan at umalis na. Dumaan ang sasakyan niya sa mismong gilid ko -- at 'di ko ba alam kung ba't biglang tumayo ang balahibo ko sa katawan! Noong nakita kong wala na siya ay saka na ako pumarada sa harap mismo ng bahay ni Blessica. Kakatok na sana ako, nang makita ko ang malapad na bintana. Sumilip ako ng bahagya do'n at naabutan silang -- magkayakapan sa couch? ''Is this real? Handa na talaga ulit masaktan si Allen?'' buntong hingang sambit ko noong makita ko silang dalawa na nanonood ng Net Flix. ALLEN'S POV Gustong umalis ni Blessica sa pagkakayakap sa 'kin. Paano ba naman kasi? Sinabihan ba naman ako na paano kung siya naman ang may makilalang iba? ''Allen iihi ako,'' ''Bahala ka, dito ka na sa sofa umihi,'' sabi ko sa kaniya habang nanonood kami ng Squid Game. Humarap siya sa akin at humalik sa aking pisngi. ''Please baby, naiihi na nga ako,'' malumanay na sambit niya -- kaya sandaling napatigil ang t***k ng puso ko! Bakit napakabilis naman ako mapaamo ng babaeng 'to? Habang mag-isang nakahiga sa sofa ay biglang may kumatok sa pinto, at agad ko naman 'yon pinuntahan para pagbuksan. Napalaki ang mata ko, dahil sa hindi ko inaakalang malalaman ni Rumir ang bahay ni Blessica. "Allen," panimulang usal niya kaya napalabas ako ng pinto. "Anong ginawa mo rito Rumir," "Sorry to interrupt your beautiful Sunday pero I have to talk to you," "Dapat nag-text ka na lang para -- " "Your not replying to my message nor may calls that's why I came here instead," sabi niya na alang-alala ang mukha. "Ano ba kasi 'yon?" "Si lolo Ysmael mo, gustong kalabanin si Mr. Shuen -- " "Hays huwag ka nang mag-alala dahil sa nakausap ko na siya regarding to our stock holders," "Sigurado ka ba? Bakit wala pa akong confirmation e-mail na natatanggap mula sa sa 'yo? Kahit sila Chris at Lexter ay wala rin natanggap?" Napahingang malalim na lang ako dahil sa harot namin ni Blessica, kaya nawala na talaga 'yon sa isip ko. "Sorry Rumir, may ginawa kasi akong urgent, kaya -- " biglang bumukas ang pinto kaya napatigil ako. "Allen sino 'yang -- Rumir -- nandiyan ka pala," "Hi Blessica, sorry at -- napapunta ako dito, kailangan ko lang kasing makausap si Allen ng personal eh," "Okay lang ano ka ba. Teka ba't 'di mo man lang siya pinapasok Allen? Come on in Rumir," pag-aaya sa kaniya ng kasama ko kaya pumasok na kami sa loob. ''Feel at home and have a seat,'' usal ni Blessica ng nakangiti sa kaibigan ko saka humakbang na papunta sa kitchen. Ba't gano'n? Kagabi pagdating ko, ay hindi niya naman ako sinabihan ng feel at home and have a seat? Pinanlakihan nga lang ako ng mata nito kagabi eh! Hays, sa lahat ng pinakilala ko kay lolo Ysmael na peke kong girlfriend, si Blessica lang talaga ang bukod tangi na nakilala pati ng mga kaibigan ko. ''Allen,'' usal muli ni Rumir no'ng kami na lang dalawa. ''Hmm,'' ''Girlfriend mo na ba talaga si Blessica?'' ''Hmm bakit?'' ''Anong hmm bakit? Siraulo ka talaga. Siya na ba ang bukod tanging babae na nakapagbibigay sa 'yo ng kaba at pag-aalala?'' tanong niya, na dahilan nang pag-iling iling ko na lang habang nakatingin sa tv. ''Hindi ko alam ang sinasabi mo Rumir,'' ''Talaga ba?'' usal ng kasama ko hanggang sa dumating na si Blessica na may dalang kape. Namangha ako dahil sa matitikman ko na naman ang kaniyang special coffee! ''Wow my second coffee! Thank -- '' ''Tumigil ka Allen para kay Rumir 'to,'' sabi niya, kaya biglang napapigil ng tawa si Rumir na katapat ko. ''T-thank you Blessica,'' pagpapasalamat niya, na alam kong nagpipigil pa rin siya ng tawa! ''Squid game, anong series niyo na? Nako pag episode three hinaan niyo na siguro ang volume,'' sambit pa ng kaibigan ko para lang mapigilan ang kaniyang tawa. ''Ba't anong mayro'n?'' tanong ng babaeng katabi ko. ''Hmm, ayoko na lang mag-spoil hahaha.'' Dinampot niya na ang kaniyang kape at agad-agad nang hinigop 'yon. Inaabangan ko ang resulta, kung masasarapan ba siya sa kape o hindi. ''Mabuti at nakahigop na ako ng kape, sumasakit na kasi ang ulo ko, kapag hindi nakakainom eh,'' usal niya, kaya pakiramdam ko ay iba pa rin ang kape na ginawa sa akin ni Blessica. Kahit papaano ay nakaramdam ako kilig! HAHA! Nang maubos na ni Rumir ang kape ay nagpasya na siyang umalis na. ''Blessica, tutuloy na ako. May gagawin pa kasi ako sa opisina eh, salamat sa kape,'' ''Mag-iingat ka,'' usal ni B, kinuha na ang tasa at inilagay na sa kusina. Tumayo na rin ako para ihatid na papalabas si Rumir. '''Tol, sorry ulit at napabigla ako sa pagpunta dito. Alam mo naman, hands on na talaga ako sa kompanya para sa mga kambal ko,'' ''No worries,'' ''Tutuloy na ako,'' paalam niya, nang bigla siyang lumapit ulit sa akin. '''Tol, ang sarap ng kape ni Blessica. Special coffee niya yata ang natikman ko,'' usal niya at lumakad na papunta sa sasakyan. 'Di ko alam, pero nawala na bigla ang kilig ko sa katawan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD