Blessica's POV
Hindi ko maintindihan, pero pakiramdam ko ay napakasarap naman yata ng tulog ko ngayon?
Pagkamulat ko, nakita ko si Allen na nakadagan sa 'kin!
''Holy sh -- '' Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa kaniya. Noong nakawala na ako, bahagya akong napaluhod sa sahig para tingnan ang kaniyang napaamong mukha.
Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahang inayos ang kaniyang magulong buhok. ''Good morning,'' mahinang bulong ko sa kaniya, pero napakalalim pa rin ng kaniyang tulog!
''Hays anong oras kaya nakatulog ang tipaklong na 'to? Ahh, baka nahinaan sa aircon ko,'' bulong ko sa sarili kaya pinalakasan ko na lang para humaba pa ang tulog niya.
Alasyete na ng umaga kaya naghanda na ako ng hotcake at scrambbled egg para sa lalaking kasama ko ngayon -- sa binatang nagpapagaan ng mga problema ko ngayon sa buhay.
Inilagay ko na 'yon sa lamesa na katapat ng higaan ko. Inilapag ko na ang lahat ng pagkain sa lamesa, pati ng masarap na hihigupin niyang kape.
Noong nakatapos na ako maligo, saka ko na napansin na gumagalaw-galaw na ang lalaki sa higaan. ''Allen ano pa bang iniisip mo kagabi? Ba't parang puyat na puyat ka?'' sambit ko at pinulupot ang tuwalya sa aking mahabang buhok.
Idinilat niya ang kaniyang kanang mata habang kinukusot ang kabila. ''Anong oras na B,''
''Alasnwebe na, malamig na nga 'yong pagkain eh. Sandali at iinitin ko lang.'' Habang pinapasok ang tasa at pagkain sa microwave ay yumapos siya sa aking likuran.
'''Yan, ang tagal mo kasi gumising kaya lumamig na,''
''Ihh, ikaw na lang kaya ang gawing umagahan ko.'' Napalingon lang ako sa kaniya para tarayan siya, pero ang walang hiya! Nakuha pang humalik sa balikat ko!
''Ang bango-bango mo naman B,''
''Tumigil ka na Allen at umupo na do'n para makakain na tayo.'' Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa 'kin at saglitang humalik sa aking pisngi -- dahilan kaya bahagya akong nanigas sa aking kinatatayuan.
Yes. We already exchanged body fluids, pero bakit may epekto pa rin sa 'kin ang mga halik niya! 'Hmmp!
''O ba't ka napapailing diyan B,''
''W-wala,'' pagkukunwari ko at dinala na ang pagkain sa kaniya.
Walang lumabas na sa salita sa bibig niya, kundi ang mapahawak lang sa kaniyang baba. ''Bakit Allen? Ayaw mo ba nang ganitong umagahan? Or rice kaagad ang gusto mo sa umaga?''
Hindi siya sumagot kundi ang ngumiti lang. Kinuha na niya ang isang tinidor at tinikman ang scrumbled egg.
Nanlaki ang mata niya habang ngumunguya. ''Ang oa mo naman mag-react, ano first time mo bang makatikim ng scrambled egg?'' usal kong tawa sa kaniya.
Hindi pa rin siya umimik at ang kape naman niya ang kaniyang hinigop. Gano'n ulit ang reaction ng kaniyang mukha. ''Hoy Allen, niloloko mo lang ako, kumain ka na nga lang nang maayos diyan,''
''B ang sarap mo,''
''ANO!''
''I mean ang sarap ng luto mo,'' sabi niya at ngumisi pa nga!
''Siraulo, dapat pala bato ang hinanda ko sa 'yo,''
''Luh grabe ka naman sa 'kin. B seryoso, ang sarap ng luto mo. Hays iba talaga kapag pastry chef,''
''Che, magic sarap lang ang inilagay ko diyan kaya tumigil ka na.'' Nagpatuloy na kaming kumain hanggang sa nag-vibrate ang aking cellphone at napag-alamang si Leigh ang tumatawag.
Hindi ko na pinansin 'yon dahil sa alam kong mangungulit na naman siya tungkol sa reunion namin mamaya. ''Ba't ayaw mong sagutin?''
''Hay na 'ko Allen, mangungulit lang 'yan,''
''Lalaki ba 'yan?''
''Ba't nagseselos ka?'' Sa bilis ng kaniyang kamay ay nakuha niya ang cellphone ko at agad sinagot ang tawag. Hindi lang siya nasapatan do'n dahil sa ni-loud speaker pa niya!
''Blessica! Ano ready ka na ba mamaya!'' Hindi muna ako sumagot dahil inaagaw ko pa rin kay Allen ang cellphone ko.
''Hello Blessica? Are you there?''
''Yes! Yes -- go on --,'' sagot ko habang inaagaw pa rin kay Allen ang cellphone ko.
''Ano ready ka na ba mamaya?''
''Pag-iisipan ko pa Leigh dahil -- ''
''Ano bang mayr'on?'' Halos mahulog ang mata ko nang biglang sumingit si Allen sa pag-uusap namin!
''OH MY! Sino 'yang kasama mo Blessica! Ang guwapo ng boses! AHHH!'' malakas na singhal ni Leigh sa kabilang linya.
''Hi this is Allen, anong mayr'on mamaya?''
''H-Hi! M-may reunion kami mamaya sa La Acosta hotel, mga high school batch fafa, este Allen!''
''Hmm, sige pupunta kami ni B,''
''Alright, SEE YOUUUU!'' huling sambit ni Leigh at pinatay na ang tawag. Pagtapos noon ay ibinalik na ni Allen sa 'kin ang cellphone ko.
''Bakit mo sinagot Allen!''
''At ba't hindi ka nagpapaalam sa 'kin Blessica?''
''At ba't ko naman kailangang magpaalam sa 'yo aber?'' Hindi siya umimik sa 'kin, kundi tingnan lang ako mula ulo hanggang paa, kaya bahagya na namang nanlambot ang mga tuhod ko.
''Sagot B,''
''Hays -- w-wala naman akong balak pumunta doon, mas -- gusto ko lang sana na magpapahinga ngayon,'' paliwanag ko sabay balik na sa lamesa para ituloy ang pagkain.
''Kahit na, dapat alam ko lahat,''
''Eh bakit ikaw, 'di mo nga sinasabi lahat ng mga lakad mo,''
''Blessica -- ''
''Hays bakit ba natin 'to pinagtatalunan eh hindi naman totoo ang mayro'n tayo. Kaya hind ko kailangang magpaalam sa 'yo Allen.'' Napahinto siya sa paglalakad at bigla na lang napaupo sa higaan.
Teka, sumama ba ang loob niya sa sinabi ko?
Imbis tumuloy na ako sa pagkain, ewan ko ba at biglang lumakad ang paa ko papunta sa kaniya!
''Hmm, nagtatampo ka ba Allen?'' Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya.
''Hoy, nagtatampo ka no?'' Inalog-alog ko ang kaniyang mukha, pero wala pa rin talaga siyang imik habang nakatingin sa akin. Inalis niya ang aking kamay at dumapa na lang sa pagkakahiga.
Umupo muna ako at humawak sa binti niya. ''Hoy -- may nasabi ba ako,'' pangungulit ko pa sa kaniya at hinila ang ilang maliliit na buhok sa kaniyang binti.
Wala pa rin siyang imik dahil sa sinabi ko, kaya nagpasya na akong dumagan sa kaniyang malapad na likuran. ''Sorry na Allen, promise -- sa susunod ay magpapaalam na 'ko sa 'yo -- ''
''Promise?'' Napaangat ako ng ulo -- nagulat dahil 'yon nga ang kinatatampo niya!
''P-promise -- magpaalam -- na.'' Humarap na siya sa akin at nakangiti na. ''Okay, sabi mo 'yan ha,''
Humalik siya sa ilong ko -- hanggang sa nasa ibabaw ko na siya. ''Allen kung gusto mo kumain, mayro'n pa doon sa -- '' hindi na ako nakaimik dahil sa humalik na siya sa labi ko -- dumaosdos sa aking leeg -- nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Tiningnan niya lang 'yon at aakmang hahalik na sana ulit sa akin, nang biglang tumunog 'yon muli.
''Sagutin mo na 'yon A, baka mamaya urgent,'' napahinga lang siyang malalim habang nakadagan pa rin sa 'kin.
''Kapag talaga hindi urgent ang tawag, hmm -- mayayari talaga 'tong secretary ko ngayon.'' Tumayo na siya at lumakad na papunta sa lamesa.
Kinakabahan na ako, lalo na sa seryosong mukha ni Allen ngayon!
Pero ang kinagulat ko, bakit nawala naman yata ang masungit niyang mukha bigla?
''Yes Rumir, oo -- sige sasama ako. Ha? Secret haha, o sige na bye, oo promise nga pupunta ako, hahaha sige,'' sambit niya at pinatay na rin ang tawag.
''Si Rumir pala ang tumawag, bakit daw?''
''Secret,''
''Ahh secret pala ha.'' Kinuha ko ang isang unan at malakas na inihampas sa kaniya. ''Aray naman, bakit ba?''
''Allen huwag ka na lang sumama sa 'kin sa reunion -- ''
''Sabi ni Rumir kakain daw sa labas mamaya,'' agaran naman niyang dugtong sa pananakot ko.
''Iyon lang sinabi?''
''Oo, nakita mo naman 'di ba na saglit lang kami nag-usap,''
''Eh ano 'yong pa secret secret na sinabi mo?''
''Ahh -- t-tinanong niya kasi kung nasa'n ako ngayon,''
''Sigurado ka?'' Itinaas ko pa ang kanang kilay ko -- pero ang walang hiya! Tinawanan lang ang pagmumukha ko!
''Bakit B, natatakot ka ba kung may iba na ako?''
''Baka ikaw ang matakot Allen kung biglang may iba nang lumapit sa 'kin,'' pang-asar na sabi ko sa kaniya -- dahilan para mag-iba na naman ang awra ng kaniyang mukha. HAHA!
Hindi ko na siya pinansin at binuksan na lang ang tv para manood ng Net Flix.
Hmm, paano kung masanay na 'ko sa ganitong asaran namin ni Allen?