CHAPTER 22

1270 Words
Allen's POV Dito na 'ko nakitulog kay Blessica imbis na umuwi sa bahay. Paano ba naman kasi, sino ba ang nakakausap ko do'n? Ang pader? Ang elevator? Alastres na ng madaling araw at katabi ko ngayon ang fake girlfriend ko na si Blessica. Alam ko, nagulat siya sa sinabi ko, na dating karelasyon ni Chris si Carmela. Noong galing kami sa Singapore, hindi ko alam kung sino ang hinahanap niyang ama doon. Ni hindi ko nga nakita ang mukha noong kausap niya sa Skype ng gabing 'yon. Pero, narinig ko ang boses ng kausap niya, at pakiramdam ko ay nakasaluma ko na ang businessman niyang ama. Pamilyar ang malalim niyang boses sa akin, hindi ko lang talaga matukoy ng malinaw kung sino. Pag-uwi noon ng Pilipinas, sinubukan kong tingnan ang history ng laptop ko kung sino ang kausap niya. Pero ang laking gulat ko, ni hindi niya nai-logged out ang kaniyang account, hanggang sa nakita ko ang profile picture ng ama ni Carmela na si Emanual De Guzman. Akala ko noon ay madali ko siyang mahahanap, pero dahil sa apilyido ng kaniyang ina ang kaniyang dala ay nahirapan ako. Mabuti na lang talaga, at mabait ang tadhana sa 'min kaya nagkita ulit kaming dalawa. Oo -- peke lang ang relasyon naming dalawa ni Blessica. Pero aaminin ko, nasaktan ako -- nasaktan ako dahil bakit gano'n ang buhay niya. Buong araw ako kanina sa opisina, kaya mas magandang dumito na lang ako kay Blessica, lalo na't may naramdaman ako kanina na kakaiba, na wari'y naramdaman ng dibdib ko na napakalungkot niya ngayon. Baka tungkol 'to sa ama niya. Hindi ko na muna ito sasabihin, na alam ko na ang tungkol sa kaniyang ama. Hihintayin ko na lang siya na mismo ang magsabi sa 'kin. Umikot pa ang kalahating oras, nararamdaman ko pa rin si Blessica sa tabi ko na bahagyang gumagalaw. Nakatalikod siya sa akin habang nakakumot. ''B, ano okay ka lang ba?'' Lumipat ako sa harap niya at tinabing ang ilang hibla ng kaniyang buhok, para matingnan ang kaniyang mukha. Nakita ko, gising pa nga talaga siya -- at namumula ang kaniyang mga mata. ''Hey, bakit tumutulo ang luha mo? Ayaw mo bang nandito ako,'' malumanay na sabi ko sa kaniya at pinunasan ang kaniyang pisngi. Hindi pa rin siya umiimik kaya mas nilapitan ko pa ang kaniyang mukha. ''Blessica, tell me, what's bothering you,'' dagdag ko pa at humalik sa kaniyang noo. Bahagya na siyang ngumiti sa akin, at humawak sa aking pisngi. ''Allen,'' ''Yes darling?'' Lalo siyang napangiti sa sinabi ko. ''Ano bang problema B? Nandito na ako kaya huwag mo nang solohin kung ano man 'yang dinidibdib mo,'' sambit kong nakangiti sa kaniya. ''Alam mo ba Allen, kanina may dinaanan ako, isang taong minsan ng naging importante sa buhay ko. Pinuntahan ko siya kanina sa Alfian Dining,'' sabi niya, kaya bahagya akong napakunot ng uno. ''Saka pag-uwi ko dito kanina ay tumawag sa 'kin si mama,'' ''O anong problema do'n?'' Hindi siya agad umimik, at siya naman ang humalik sa matangos kong ilong. ''Allen,'' ''Hmmm?'' ''Nasaktan ako -- dahil siya na nga lang ang inaasahan ko na babati sa akin kapag kaarawan ko, tapos nakalimot pa sila,'' ''A-ano?'' Nako, birthday niya pala! ''Kanina, sabi ko sa sarili na, baka siguro hindi na nga talaga ako gano'n kahalaga. P-pero, no'ng nakita kita bago mag-alasdose -- na may dalang dalawang kahon ng pizza -- sumaya ako Allen -- kasi kahit 'di mo naman alam ang birthday ko -- ang puso mo naman ang bumati sa akin,'' matamis na sabi niya. At sa bilis ng galaw ko, ay agad akong humalik sa kaniyang napakalambot na labi. ''Happy happy birthday darling,'' opisyal kong bati sa kaniya at humalik naman sa kaniyang noo at ibinangon siya. ''Allen bakit, sa'n tayo pupunta?'' Pinatayo ko siya -- at dahan-dahang isinayaw. I danced her slowly, gusto ko -- gusto ko siyang isayaw ngayon. ''B, bakit hindi ka nagsabi sa 'kin na birthday mo ngayon? I mean kanina pala, lampas na alasdose eh,'' tampong sambit ko sa kaniya habang nakasubsob siya sa dibdib ko. ''Ih, bihira na nga lang tayo sa isang linggo magkita kasi busy ka sa opisina mo, saka hindi mo naman ako totoong girlfriend Allen, part time sweetheart mo lang naman ako,'' sagot niya -- na ako naman ngayon ang hindi makaimik. ''Thank you Allen for still making my birthmonth happy,'' sambit niya at bumalik na sa pagkakaupo sa kama. ''May ireregalo ako sa 'yo,'' pang-akit kong sambit habang dahan-dahang papalapit sa kaniya. ''Ano na naman 'yang kalokohan mo Allen?'' Itinaas niya ang kaniyang kilay at deretso nang nagtago sa ilalim ng kumot. ''Bibigyan kita ng little Allen or little Blessica para -- '' mas mabilis pa sa alaskuwatro ay naiangat na niya ang magkabilaang patilya ko! ''AHHHHH! Hindi naaa -- hindi naaaaaaaaaaa!'' sambit ko, kaya napilitan na siyang bitawan ang magkabilaang patilya ko. ''Allen, bakit ka nagsasalita ng gano'n? Masyado mo yatang nae-enjoy ang peke nating relasyon?'' ''Bakit Blessica, kapag binuntis ba kita ngayon ay makakapalag ka?'' Hindi siya nakapagsalita, nakauwang lang ang kaniyang bibig habang nakaupo sa kama. Lumapit ako sa kaniya, hinawakan ang kaniyang kamay at humalik doon. ''B, ba't ganiyan ka makatingin sa 'kin? Ito naman 'di mabiro! Hindi ako ganiyang lalaki Blessica, alam mo 'yan,'' pangangasar ko sa kaniya at pinaglaruan ang kaniyang ilong. Wala na siyang imik sa akin, tinitingnan lang ako sa mata. ''Haha, oo alam ko nagwagwapuhan ka sa 'kin B,'' usal na ngiti ko na naman sa kaniya. ''Allen,'' ''Yes?'' tanong ko at humalik ulit sa kaniyang kamay. ''Alam mo ba -- hays matulog na nga lang tayo.'' Humiga na siya kaagad at nagtaklob ng kumot. ''Hoy Blessica, huwag mong sasabihin sa 'kin na bibitin mo 'ko? Ano 'yong sasabihin mo?'' Hinila kong malakas ang kaniyang kumot at tiningnan kaagad ang kaniyang mukha. ''B, ano 'yong sasabihin mo,'' ''Wala, kalimutan mo na,'' ''Sasabihin mo o -- '' Hinawakan ko ang kaniyang beywang at lumapit sa kaniyang mukha. ''Sabihin mo na Blessica,'' ''Wala nga,'' ''Hays, bahala ka na nga diyan.'' Tumalikod na ako sa pagkakahiga sa kaniya para tantanan na lang siya. Ilang sigundo pa ang umikot ay naramdaman kong gumalaw si Blessica, at sa gulat ko ay sumiksik siya kaagad sa aking dibdib at yumakap. ''Ang cute mo naman Allen magtampo, hihi,'' sabi niya habang nakasubsub pa rin sa dibdib ko at nakayakap sa buo kong katawan. ''Matutulog na lang ako Blessica kung -- '' ''Allen,'' ''Hmm,'' bumuntong na ako ng hininga dahil sa baka pinagtritripan niya lang ako. ''Allen -- thank you for walking to my life. H-hindi lang ako makapaniwala na -- parang ang dali mo lang pumasok sa mundo ko,'' paklang ngiti niya at muling sumiksik sa aking dibdib. ''You really made me happy on my birthday, thank you A,'' sambit niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin, hanggang sa makatulog na. Napatulala ako sa sinabi niya. Akala ko ako lang ang namamangha sa pagdikit ng landas naming dalawa, 'yon pala ay siya rin. Masarap sa pakiradam, ang kung ano mang estado namin ni Blessica ngayon. Pero sa kabilang banda -- nakakaramdam din ng kaba -- dahil hindi ko na kayang magkaroon ng totoong karelasyon. ''Nasaktan na ako dati sa pagkawala ni Jessica, na kahit mga bata pa lang kami noon. Gustuhin ko man na ligawan ka na ngayon Blessica -- pero nariyan pa rin ang takot ko -- na baka maulit ulit ang sakit na naramdaman ko dati. Kaya -- mas magandang peke na lang ang relasyon nating dalawa,'' bulong ko sa aking isip at ipinikit na ang aking mata. Hanggang kailan ang pekeng relasyon namin ni Blessica?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD