Blessica's POV
Masaya naman ako kahit papaano na ang ex ko na si Rico ay masaya na sa buhay niya. Rico is now the new owner of Alfian Dining, pinamana kasi ito sa kaniya ng kaniyang butihing tiyo.
First love ko siya, pero anong magagawa ko? Ewan ko ba, at kung anong nangyari sa lokong 'yon at naging bisexual, well anyway. At least ang mahalaga ay tanggap ko ang totoong kulay niya, ang mahalaga naman ay naging totoo na siya sa sarili niya.
Pauwi pa lang ako galing sa Alfian Dining. Habang nagmamaneho ay naalala ko bigla si Lexter. ''Sino kayang kausap ni Lexter kanina, parag 'di ko naman nakita si Shasha,'' usal ko habang nagmamaneho pauwi.
Nakamasid sa paligid ng daan, ewan ko ba at bigla kong naisip ko si Allen. ''Tsk, mukhang napaparami na ang memories namin ah,'' bulong kong mag-isa sa sarili.
Ano ba kasing tadhana 'to at napalapit ang mundo ko sa kaniya? ''Hays, ang talas naman kasi ng dila ko! May nalalaman pa kasing may the wind let crossed our world again!''
Napapailing na lang talaga ako habang nagmamaneho, hanggang sa nakauwi na ako sa bahay. Pabukas ko na sana ang pinto, nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Nakita kong tumatawag sa aking ang kaklase ko noong high school pa. ''Hi Leigh,'' sambit ko at ipinasok na ang susi sa door knob.
''Blessica Althea Torres! Ano ready ka na ba!'' buong siglang sigaw niya, kaya bahagya kong nailayo ang cellphone sa aking tainga.
''Alam mo, nabingi na yata ako,'' sabi ko na bahagyang napangiwi pa ang labi ko.
''Sorry na, alam mo namang super excited lang ako bukas! Hihi! Ikaw, ready ka na ba?'' Napakunot bigla ang aking noo -- hanggang sa maalala na mayro'n pala kaming reunion bukas, after seven years graduation no'ng highschool kami!
''K-kailngan pa ba talaga akong pumunta doon Leigh -- ''
''Oo, kung ayaw mong maging diyan sa bahay mo ang reunion natin. Isama mo rin 'yong boyfriend mo! May naikuwento ka dati 'di ba sa akin? Sino nga ba 'yon! R -- R -- sino nga 'yon?''
''H-ha?'' putol-putol na usal ko, ayaw ko nang malaman niya pa ang tungkol kay Rico!
''Hey Blessica nandiyan ka pa ba?''
''O-oo Leigh, s-sige na magpapahinga na 'ko,''
''Alright, feeling ko ay magiging sobrang ganda ka tomorrow! Dalhin mo ang boyfriend mo, dahil kung wala ay mayayari ka talaga namin!''
''S-syempre i-ipapakilala ko,''
''Hehe see you then sa La Acosta hotel, around six pm tomorrow. Bye for now friend!'' pangangasar ni Leigh saka agad nang tinapos ang tawag.
Si Leigh na yata ang pinakasiraulo kong naging kaibigang babae, at lahat ng trip niya ay talaga namang nasusunod! ''Patay sino kaya ay dadalhin ko bukas?''
Habang nakaupo sa couch, bigla kong naalala si Allen -- it's time para kunin ko na ang pabor na ginawa ko sa kaniya way back in Singapore.
Bukas na ako tatawag, na 'ko busy pa naman 'yon sa kompanya niya!
Paikot-ikot na ako sa higaan, hanggang sa nag-vibrate ang cellphone ko. Nakita ko ang messsage na galing ito kay Allen.
Ang alam ko, kunwari lang ang relasyon naming dalawa. Pero bakit parang totoo na yata?
From: Allen 10 Inch
Nakauwi ka na ba B?
Hays, unti na lang talaga at maniniwala na akong totoo na ang mayro'n kami!
Hindi ko na sinagot ang text niya at pumikit na lang ulit sana, hanggang sa nag-vibrate na ang phone ko sa higaan. Tiningnan ko 'yon at napag-alamang si Allen 10 inch nga.
''Hmm,''
''Anong hmm Blessica, ba't 'di ka nagsasabi kung nakauwi ka na?''
''Bakit? Ba't ko naman kailangang sabihin sa 'yo na nakauwi na 'ko? Ba't boyfriend ba kita?''
''Pagkatapos mo 'kong isubo Blessica?'' derestong sabi niya -- kaya pinatay ko kaagad ang tawag!
LECHE KA ALLEEEEEN! BWISIT KA SAAVEDRAAAAAAA!
Muli pang nag-ring ang cellphone ko at agad 'yon sinagot.
''KALIMUTAN MO NA 'YON OKAY?'' buong lakas na singhal ko.
''Anak, alam mo naman na busy lang ako 'di ba,''
Napabangon ako bigla ng wala sa oras, kaagad napatingin sa screen ng phone. POTEK! SI MAMA 'TO!
''Anak, sorry na at hindi ako makakauwi riyan sa Pinas. Alam mo namang busy ako 'di ba saka sanay na ako sa klima at buhay dito sa London,'' paliwanag niya, habang ako ay hindi pa rin nakakahinga nang maayos!
''Ma, s-sorry k-kung nasigawan kita -- ''
''Alam ko anak, I know where it's coming from. Alam kong nagtatampo ka, pero don't worry dahil sa susunod na buwan ay magbabakasyon na ako diyan,'' sagot niya, kaya napunta na sa kaniya ang focus ko at hindi na kay 14 inch.
''Ma, ba't kasi kailangan mo pang magtrabaho nang ganiyan? Kaya naman kitang buhayin ah?''
Hindi siya muna agad umimik at huminga lang nang malalim. ''Nakasanayan ko na kasi anak, s-sige na, matulog ka na dahil malalim na ang gabi diyan sa Pinas,''
Ako naman ang napabuntong nang hiniga. Wala bang ibang naalala si mama? ''Sige ma, I love you,''
''Love you too sweetheart,'' huling usal niya at pinatay na ang tawag.
Ang pagkabigla ko kay Leigh, ang tensyon na naramdaman ko kay Allen -- ay bigla na lang napalitan ng lungkot dahil sa pagkamiss ko ngayon kay mama. ''Ma, ikaw na nga lang ang mayro'n ako tapos 'di pa kita kasama,'' lungkot kong busal sa sarili at muling humiga.
Kung tutuusin, puwede naman na sa London na lang ako magbukas ng cafe. Pero dahil kay papa ay nandito ako, umaasa na matatanggap niya rin ako bilang anak niya. Si mama naman ay sinusuportahan lang ako sa kung ano ang gusto at desisyon ko sa buhay.
Kaya lang si papa, wala eh. Oo, nakikipag-ugnayan siya sa 'kin, pero tungkol sa money support lang. Kung hindi siya ang nakakausap ko ay ang sekretarya niya na lang na si Jenna ang nagiging ka-phone call ko.
Isa sana akong De Guzman -- pero anak lang sa labas. Kung tutuusin, mas matanda ako kay Carmela ng isang taong gulang. Paano ba naman kasi 'to si mama, hindi niya kaagad sinabi kay papa na nagdadalang tao siya noon.
Noong nabuntis niya si Josefa na asawa niya ngayon, 'yon ang naglakas ng loob at nagsabing nagdadalang tao siya -- kaya siya ang pinanagutan at pinakasalan ni papa. Kaya imbis na kami ang unang pamilya ng ama kong si Emanuel, si mama pa tuloy ang mukhang kabit at ako naman ay anak sa buho!
Noong nagkaisip ako, doon na ni mama pinaintindi ang lahat. At aaminin ko -- talagang nagdamdam ako kay mama -- dahil bakit naging mahina siya -- tuloy ako ngayon ang wasak pamilya at kay Carmela ang buo.
Pero wala na, nangyari na eh. Kahit pa anong sisi ko, kahit ano pang galit at gawin ko ay hindi ko naman na maibabalik ang mga panahon na matagal nang nangyari.
''Kapag talaga nagkaro'n na 'ko ng anak, nako sasabihin ko talaga agad sa ama niya na buntis ako,'' malungkot ko na bulong sa sarili, nang bigla na naman nag-ring ang aking cellphone. Sa puntong 'to, tiningnan ko na sa phone screen kung sino ang tumatawag.
Pinindot ko kaagad at inilagay sa aking tainga. ''Aba, sino ang kausap mo kanina B? Sabi busy raw ang linya mo?'' Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinatay ko na ulit ang tawag.
Halos nawalan na ako ng gana, parang ayaw ko na lang pumunta sa reunion bukas. ''Total, linggo naman bukas kaya hindi na muna ako papasok sa cafe. Sasabihin ko na lang si Leigh na sumama ang pakiramdam ko,'' bulalas ko sa sarili, nang biglang may kumatok na sa aking pintuan!
Napatingin ako sa relo ay napansin na limang minuto na lang ay alasdose na ng gabi.
Sumilip ako sa bintana, at namataan ko ang sasakyan ni Allen sa labas. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto, at bumungad siya sa 'kin na may dalang dalawang kahon ng pizza at isang malaking bote ng soft drinks.
''Allen Gabriel Saavedra. Anong mayro'n ay napapunta ka rito sa bahay ko? Dis-oras na ng gabi ha?'' Hindi siya umimik sa akin kundi ang niyakap lang ako kaagad -- niyakap niya lang akong napakahigpit kahit may bitbit pa.
''Anong problema B?'' tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
''Ano bang -- ano bang sinasabi mo Allen,'' sabi ko, na talagang nagtataka sa mga sinasabi niya.
Inangat niya ang kaniyang kanang kamay at hinawakan ang gitnang bahagi ng dibdib ko. ''B, ang weird kanina. Habang kausap kita, biglang naramdaman ng dibdib ko na nalungkot ka. Anong problema?'' tanong niya na deretsong nakatingin sa aking mata.
Hindi ako nakaimik -- hindi ko alam kung paano ako sasagot sa mga tanong niya ngayon.
''B, huwag ka nang mag-alala dahil nandito na 'ko. May binili akong Hawaiin at cheese burger yata ang isang flavor ng pizza,'' malumanay na sambit niya, na talagang pinapaamo niya ako.
Ang totoo niyan ay birthday ko ngayon. Twenty five years old na ako, pero 'di ko ba alam -- si mama na nga lang ang nakakaalam ng kaarawan ko, tapos nakalimutan niya pa akong batiin.
Nang makita ako ang dalawang kahon ng pizza at softdrinks, parang -- parang kahit papaano ay naramdaman ko na may tao pang may pakialam sa akin.
Hindi pa rin ako makaimik sa kaniya. Pagkasirado niya ng pinto ay tumabi na siya sa akin sa sofa.
''B, ano bang problema mo, hoy imikan mo na 'ko,'' pakiusap niya at binuksan na ang dalawang kahon ng pizza. Kumuha siya doon itinapat sa aking bibig.
''Ngumiti ka na darling,'' sabi niya -- na parang may biglang paru-paru na umikot sa aking tiyan!
Kinuha ko na lang 'yon at kumagat. Nagtataka pa rin kasi ako sa biglang pagsulpot niya rito, palibhasa kasi nagkaroon na naman daw ng problema sina Chris at Amara. Napaka-busy niya rin sa Saavedra Group kaya hindi nakakagulat at naka-business suit pa rin siya hanggang ngayon.
''Teka B, may kukunin lang ako sa sasakyan ulit.'' Lumabas na siya kaagad, habang ako naman ay kumuha ng dalawang baso sa kusina.
Pagkabalik ko sa sala ay napansin kong dala niya ang ilang v neck shirt at boxers na nabili pa noon sa Singapore.
''Allen bakit -- ''
''O bakit ka biglang umimik? 'Di ba tahimik ka lang kanina?'' pangangasar niyang papaupo sa sofa at kumuha ng isang slice ng pizza.
''Hoy bakit may dala kang damit? Huwag mong sabihin na dito ka matutulog?''
''Bakit bawal ba?'' Gusto kong makipag-argumento, pero bakit ang dibdib ko na naman ang parang nakaramdam ng lungkot niya! ANG WEIRD!
Umupo ako sa sofa at nilagyan ng softdrinks ang kaniyang baso. ''Allen, m-may problema ba,'' ako naman ang nagtanong sa kaniya.
Tulad ng reaction ko kanina, para siyang nagulat sa tanong ko, kaya napatabi na lang siya sa 'kin. ''Bakit -- mo naman natanong B,''
''Wala, naramdaman ko lang,'' sabi ko, dahilan ng pagngiti niya. Hinubad niya ang kaniyang coat, ang polo -- at pants sa harap ko!
''Hoy Allen! Boxers na lang ang suot mo!'' bulalas ko, at agad na siyang humigang mabilis sa aking hita!
Gusto ko siya singhalan -- pero 'di ko alam ba't ayaw makisama ng mood ko!
''Blessica, kung alam mo lang ang naging takbo ng araw ko,'' malungkot na sabi niya, kaya talagang hindi na ako nakipagtalo pa.
''Ano ba kasing - nangyari,'' usal ko habang nakahawak sa kaniyang ulo, at hinihimas ang kaniyang makapal na kulay itim na buhok.
''Ang daming problema sa kompanya,''
''Sus kaya mo 'yan, ikaw pa ba?''
''Kung wala si Allec, ewan ko na lang talaga,'' dagdag niya pang sambit habang nakayakap sa pillow.
''Hindi lang 'yon B, isa pa 'tong si Chris,''
''O anong nangyari?''
''Ayon, balik na naman sila sa dati nilang turingan. Iniisip niya kasi na fifty million lang habol sa kaniya ni Amara, ang babaeng kinakasama niya ngayon,''
''Hays, sana maging sila pa rin sa dulo,''
''Syempre naman. Mabuti na lang kamo at tumigil na rin si Carmela sa pangungulit niya kay Chris,''
Biglang napakunot ang noo ko -- nang marinig ko ang pangalang 'yon. ''A-anong -- anong buong pangalan no'ng Carmela?''
''Si Carmela? Carmella De Guzman ang buong pangalan niya,''
An-ANO!