Lexter's POV
Ito na nga ang sinasabi ko. Sinabi ko na ngang huwag nang dikitan ni Chris ang flower arranger na si Amara, iyon at ituloy pa rin.
Dumaan pa ang mga araw at kinausap na namin nang masinsinan sina Chris at Amara na may mga kaakibat ng tatlong rule.
''Stress na nga ako sa relasyon namin ni Shasha, dagdag pa 'tong mga kaibigan ko eh.'' Napabuga na lang talaga ako ng hininga habang nagmamaneho pauwi, nang makita ko bigla ang sirauong pinsan ni Allen na si Mauro.
Alas-otso na ng gabi kaya gusto ko na sanang dumaretso sa La Acosta para sunduin si Shasha. Pero imbes dumeretso na lang sa daan, napababa ako sa sasakyan at palihim na nagmanman sa kaniya.
Papasok siya sa isang restaurant at tumingin muna sa paligid bago pumasok sa loob. Mas lalong lumakas ang hinala ko na may ginagawa na naman siyang katarantaduhan kaya dahan-dahan ako pumasok sa loob.
Sumunod ako at agad umupo sa 'di kalayuan saka nagtakip ng malaking menu sa mukha. Sumilip ako saglit sa kanila at laking gulat ko, kasama niya ngayon ang kaniyang lolo na si Don Ysmael.
''Lolo, pasensya na at nahuli ako,'' rinig kong sambit ni Mauro mula sa kaniyang puwesto.
''Ano bang nangyayari sa 'yo, nalaman ko ang tungkol sa ginawa mong panloloko sa pinsan mo. Hindi mo ba alam na nakasama kay Allen ang ginawa mong panloloko?''
''L-lolo kasi -- n-natalo na naman ako sa -- '' napahinto siya sa pagsasalita ng bigla siyang malakas na sinampal si Don Ysmael. Sumilip muli ako at napansin kong namula kaagad ang kanang pisngi niya.
''Binigyan na kita ng malaking halaga para magbagong buhay ka na Mauro. Paano ba kita mapapahinto diyan sa bisyo mo!'' Napahawak ang matanda sa dibdib niya marahil dahil sa labis na pagkadismaya.
''Lolo, -- ''
''Siguraduhin mong totoo 'yang idadahilan mo at hindi mo na gagamitin ang kambal mong si Mary. Dahil kung mangloloko ka pa at kung makarating sa akin, tiyak Mauro ito ang tandaan mo. Hindi ako magdadalawang isip na putulin na 'yang dila mo.'' Tumayo na siya at lumakad na papalabas ng restaurant habang nakasunod ang kaniyang mga alalay.
Tatayo na sana ako, nang napansin kong pabalik na naman si Don Ysmael papunta do'n sa lamesa kung nasaan si Mauro. Nako, mabuti na lang talaga at malaki't mapalad itong menu dito sa Alfian Dining!
''Mauro, magbagong buhay ka na. Hindi pa huli ang lahat, lunasan mo ang buhay mo,'' sambit niya at naglagay ng ilang nakataling pera sa lamesa.
Lumakad na ulit ang matanda papalabas at sinundan ko siya ng tingin. Sigundo lang at bumalik na ako ulit ng tingin sa lamesa ni Mauro, pero bigo na akong makita siya ulit.
''Sh*t,'' napatayo na ako kaagad at biglang lumabas ng restaurant, nang bigla may nagsalita sa kabilang gilid.
''Anong mayro'n at minamanman mo 'ko,'' sambit ng -- siraulong pinsan ni Allen!
''Sagutin mo ako Lexter.'' Napabuntong hininga ako, at napaawang lang ng aking bibig -- nagsisisi kung bakit pa kasi ako sumunod dito!
''Anong nangyari sa dila mo Mr. Frante? Hmm, mag-diner na lang tayo, come and join me.'' Wala na akong napalag sa walang hiyang Saavedra na 'to!
Nauna nang pumasok si Mauro habang ako'y nasa labas pa. Kailangan ko muna magpaalam kay Shasha dahil baka mamaya ay biglang mag-alala. ''Boo, bukas na lang kita susunduin -- oo, oo, promise boo -- oo sige sa dorm mo na lang ako pupunta, okay, sige I have to go I love you,'' huling sambit ko saka pumasok na sa loob ng Alfian Dining.
Lumakad ako papalapit sa lamesa at umupo sa tapat niya. ''What's up Lexter,'' sambit niya pero wala pa rin akong naging imik. Dumukot siya ng sigarilyo sa kaniyang coat at agad sinindihan 'yon.
''Ano, tatahimik ka lang diyan Lexter? Ohh, alam ko na. Gusto mo formal okay. What's up Mr. Frante?'' tanong niya muli sa akin kaya napabuntong hininga na naman ako.
''Look Mauro, I came here to take order for my girlfriend,'' pagsisinungaling kong dahilan sa kaniya.
''Talaga? Edi nasaan ang mga inorder mo?''
Sa taba ng utak ko, mukhang ngayon lang ako nauubusan ng dahilan, nang biglang nakita ko si Blessica na kausap ang isang staff sa 'di kalayuan. ''Kasama ko 'yon at siya ang omorder,'' pagsisinungaling ko sa kaniya.
''Ahh, I see. Maganda siya, girlfriend mo?''
''Wala ka na do'n Mauro,''
''Chill, anong tingin mo sa 'kin? Mang-aagaw? Baliw lang ako sa sugal pero hindi sa babae tandaan mo 'yan,'' sambit niya saka humithit na naman sa kaniyang sigarilyo.
''May gagawin ka ba mamaya? Baka gusto mo mag-casino muna tayo para naman -- ''
''That's not my thing Mauro,'' putol at sagot ko kaagad sa kaniya.
''Alright alright, mukhang wala tayong pagkakasunduan. No wonder dahil malayo ako sa ugali ng mabait kong pinsan,''
''Tama ka, kaya lang sa sobrang kabaitan ni Allen ay nagmukhang tanga dahil sa panloloko mo,''
''Woah woah hold on,'' sambit niya at huling buga niya sa usok.
''Grabe ka naman sa 'kin magsalita Lexter,''
''Bakit? Niloko mo lang naman siya 'di ba? Pasalamat ka at si Rumir ang kasama niya sa mga pagkakataong 'yon at hindi ako,''
''Hays barya lang naman kay Allen ang binigay niya -- ''
''Na sana sa charity niya na lang sana binigay.'' Naramadaman ko na umangat na sa ulo ko ang kumukulo kong dugo sa kasama.
''Ba't ganiyan ang pananalita mo sa 'kin 'tol?''
''Huwag mo akong matawag-tawag na 'tol dahil hindi kita kaibigan.'' Ikinuyom ko ang aking kamay sa ilalim ng lamesa habang hawak ang car key.
''Fine, fine. Mukhang hindi na kita magiging kaibigan kahit kailan,''
''Bakit sino ba ang magnanais na kaibiganin ka Mauro? Isang taong sakim sa pinagbabawal na gamot at alipin ng mga casino?''
''Ahh, sa tingin mo ba ay wala akong kaibigan dahil diyan? Para sabihin ko sa 'yo, ako lang naman ang matalik na kaibigan ni Allec,''
''You wish, kung alam mo lang kung gaano ka niya kinaawaan at pinandidirihan. I have to go.'' Tumayo na ako at lumapit na kay Blessica, na sakto namang kakatapos lang ng kanilang pag-uusap.
''Thanks again for coming here Blessica,'' sabi marahil ng manager.
''Take care always Rico, I have to go and I hope you like my special macarons.''
Special macarons? Teka sila ni Allen 'di ba? Bakit parang humaharot pa siya ng iba!
''Lexter? Anong ginagawa mo dito?'' tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.
''M-may bibilhin lang sana ako para kay Shasha,'' pagsisinungaling ko, at bigla niya pinansin ang kamay ko na wala namang hawak na take out.
''Nasaan na ang mga in-order mo?''
''N-nagsabi si boo na busog na pala siya, eh -- nakita kita so I just want to say hi,''
''I see, sige sabay na tayo lumabas'' usal niya at nauna nang naglakad papaalis sa restaurant.
Medyo naiilang ako sumunod sa kaniya, at napansin ko na rin si Mauro mula sa kabilang kalsada na pumasok na sa kaniyang sasakyan at umalis na.
''May sasakyan ka bang dala?''
''O-oo Blessica,''
''Okay, oh pa'no Lexter, una na ako ha,'' ngiting sambit niya at lumapit na sa kaniyang pink na sasakyan.
Kumaway na siya muli sa 'kin at umalis na. ''Anong ginagawa ni Blessica dito? Mukhang niloloko niya lang ang kaibigan ko ah!''