CHAPTER 19

1284 Words
Allen's POV Akala ko, isang beses ko lang makakasama sa pagpapanggap si Blessica. Pero simula noon ay sunod-sunod na ang mga okasyon na nakasama ko siya. ''Kaya ko ba talagang i-handle si Blessica?'' tanong ko sa sarili habang nasa kuwarto. Alasais na ng umaga at panibagong araw na naman ang sasagupain ko. Habang nagsisipilyo at nakaharap sa malapad na salamin, bigla ko na naman naalala ang sinabi ni Allec. Tama siya, tama siya na takot ako sa rejection. Pero ang alam niya ay ang isa lang na dahilan at tungkol 'yon sa aking ina. Ang hindi niya alam, may isa pang dahilan kaya takot na akong masaktan. I had my first love when I was twelve, her name was Jessica. Alam ko, napakaliit pa lang namin no'n pero I think we truly love each other. Kaya lang, bago kami mag-high school ay iniwan na niya ko. Iniwan na niya ako at nauna nang pumunta sa langit. She died from car crashed. Iyon din ang panahon na nalunod ang mga magulang ni Allec na tinuturing ko na rin ng mga magulang. Nang mga panahon na 'yon, walang mapaglagyan ang galit, kirot at mga tanong sa dibdib ko, dahil sa bakit naman biglang nawala ang mga taong tinuturing ko na pamilya. Noong nawala si Jessica, parang -- parang nawala na rin ako. Walang ibang nakakaalam no'n kundi ako lang, na kahit si Allec ay hindi siya kilala. Bihira lang kasi kami noon magkita sa business meeting kapag sinasama ako noong maliit pa kami. Noong gabi na na aksidente sila, lahat sila, lahat silang pamilya ay sabay-sabay nang kinuha ng langit. Ang rason kung ba't hindi ko si Jessica pinakilala kay Allec, 'yon ay dahil sa nakita ko ang nilalaman ng kaniyang notebook. May pagtingin siya sa pinsan kong si Allec at nalulukot siya, dahil bakit ako raw ang nauna niyang nakilala kaysa sa pinsan ko. Nasaktan ako, inaamin ko kahit dalawang taong gulang pa lang ako noon. Dahil doon, mas hinigpitan ko si Jessica na huwag munang kumausap sa kahit kaninong bata lalo na kapag lalaki. Hanggang sa kaarawan na mismo ni Allec noong maglalabing tatlong gulang na siya, nagpa-party sina mommy sa kaniya. Lahat ay imbitado maging ang kanilang mga kasama sa negosyo -- hanggang sa doon na sila opisyal na nagkakilala. Nakita kong niyakap ni Jessica ang pinsan ko, hanggang sa humalik sa kaliwang pisngi nito. Pero ang ikinagulat ko, bahagya siyang itinulak papalayo at pumunta sa ibang mga kalaro niya. Doon na ako lumapit kay Jessica at inilakad muna sa duyan sa labas. ''Jessica, are you okay?'' panimula kong usal sa kaniya habang siya'y nakayuko pa rin. Hahawakan ko sana ang kaniyang balikat nang bigla niya itong kinabig kaagad. ''Allen you don't still get it?'' ''W-what are you talking about Jessica --'' ''Who I want is Allec at hindi ikaw!'' malakas na singhal niya, kaya bigla akong napatingin sa paligid namin. ''Akala ko ba -- gusto mo rin ako Jessica,'' ''Lumapit lang ako sa 'yo para mapalapit kay Allec! So now please let me go!'' sambit niya at iniwan na ako mag-isa sa duyan. Ito ang punto ng buhay na -- marahil nasaktan ako ng sobra, nalaman na ganito pala ang buhay, na punong-puno nang pagkadismaya, lungkot at sakit sa dibdib. Naging mahirap 'yon sa 'kin, at hindi magsisinungaling na nagkaroon ako ng inggit sa pinsan kong si Allec. Bukod sa mahal na mahal siya ng kaniyang mga magulang ay siya pa ang gusto ng babaeng gustong-gusto ko. Kaya lang iniisip ko na mali 'yon, na maling ugali 'yon. Lalo na't mabuti ang turing sa akin ni Allec bilang pinsan niya. Sa murang edad ay namulat ako kaagad sa kalagayan ng totoong buhay. Noong nawala na si Jessica maging ang mga magulang ni Allec, nagpasya na rin lumipad si Allec para mag-aral sa London. Kung nasaktan ako dahil sa pagkawala ni Jessica, 'di hamak na mas nasaktan naman ang pinsan ko sa pagkawala ng mga magulang niya. Nagsimulang tumungtong na sa high school, doon ko na nakilala sina Rumir, Chris at Lexter. Sa tulong nila ay nakausad ako, pagpapayo na kung iisipin ko ay para ko na silang kapatid sa laman. Noong nalampasan ko ang kirot at pagsubok na 'yon, doon na ako naging kalmado at naging mapagpasensyoso. Hindi na ako basta humuhusga agad hangga't hindi ko alam ang puno't ugat ng mga pangyayari. Pero kung akala ko'y mapagpasensya na akong tao, pwes may tao pa rin pala na uubos noon sa akin. Wala na yata akong ibang kinamumuhian sa angkan ng mga Saavedra, kundi ang bukod tanging si Mauro lang. Siya ang pinsan kong basag ulo, sakim sa mga bawal na gamot, lasing sa babae lalo na sa paglalaro ng sugal sa iba't ibang casino. ''Ano ba 'tong umaga ko, bakit ang dami kong iniisip kaagad?'' bulong ko sa sarili habang nagbibihis na ng aking business attire. Simula sa aking sapatos, medyas, pantalon, belt, polo, neck tie hanggang sa aking coat, lahat ay plansyado at nakaayos. Bago lumabas sa aking wardrobe ay kumuha ako ng aking susuoting relo, nang mapansin ko ang silver bracelet ni Blessica. ''Jessica, Blessica. Ano ba naman 'yan, bakit -- bakit kayo magkahawig ng pangalan,'' paklang tanong ko sa sarili at ipinasok na lang muli ang bracelet sa loob ng drawer. ''Sa opisina na lang ako mag-uumagahan, mukhang ang dami na masyadong tumatakbo sa isip ko dito sa kuwarto,'' sambit ko at muli ng bumama at tumahak na papunta sa Saavedra Group. Habang binabaybay na ang daan, hindi ko ba alam -- kung bakit dumaan pa talaga ako sa cafe ni Blessica. Nag-park lang ako sa 'di kalayuan, pinagmamasdan lang siya habang nagse-served sa mga customer na naghihintay sa mga table sa labas. ''What a hard working woman,'' bulong ko sa sarili habang kinakagat ang kanan kong daliri. Of all the girls na pinakilala ko kay lolo Ysmael, sa kaniya lang ako mukhang -- mukhang na-attached nang ganito. I mean -- yes, I touched diffrent girls but this woman makes me crazy! May mga bagay nang naglalaro sa isip ko, lalo na ang ligawan siya. Pero hindi -- hindi na ako ang lalaki para sa totoong pag-ibig. Tama na ang rejection na nakuha ko mula kay Jessica at sa 'king ina. ''I can't take it anymore -- kung pati ba naman sa babaeng pekeng girlfriend ko ngayon ay ma-reject din ako,'' Patuloy ko pa rin siyang pinagmamasdan, hanggang sa napansin ko na may isang lalaking naka-business attire na lumapit sa kaniya. Nilapitan ko pa ang tingin at sinusubukan kilalanin kung sino ang lalaking 'yon, hanggang sa naaninag ko si Chris. ''Ano kayang sadya ng mokong na 'to? Iba na naman ang sasakyan niya ngayon?'' Hinintay ko pa ang ilang sandali at nakita kong may inabot si Blessica na isang wallet. Mukhang nakalimutan niya ito dahil sa kalasingan kagabi. Naalala ko na naman tuloy ang probleblema ni Chris. Paano ba naman kasi? Niligawan niya pa ang kilala kong flower arranger na si Amara. Ayon, masakit din ang ulo dahil sa komplikado nilang sitwasyon. ''Dadaanan ko pa ba siya? Ahh, alam ko na tatawagan ko na lang siya.'' Dinukot ko ang aking cellphone sa bulsa, na sakto namang tumatawag si Rumir sa 'kin ngayon. ''Bakit 'tol,'' panimulang sambit ko. ''Puntahan mo si tita Glinda ngayon!'' ''Ano? Ba't ko naman pupuntahan ang mommy ni Chris?'' ''Walang hiya, don't tell me hindi mo nabasa nag text ko!'' ''Ano? Bakit ba't -- '' ''May pumirma sa kontrata sa mga Salazar, puntahan mo at baka si tita Glinda ang pumirma!'' singhal niya mula sa kabilang linya. At ano na naman ang gulong 'to! Imbis bumaba pa ng sasakyan para daanan si Blessica, ay agad ko nang pinaharurot ang sasakyan papunta naman sa Monreal Corp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD