CHAPTER 18

1348 Words
Lexter's POV Nauna na kaming bumaba at hinihintay na lang si Rumir dito sa lobby. May naiwan kasi siya kaya kami-kami na muna ang nandidito. Lumapit si Chris sa pagitan ni Allen at Blessica. ''Miss Torres, mukhang maganda ang epekto mo kay Allen. Salamat at napagsalita mo ang lokong 'to,'' tawang sambit niya habang nakaakbay pa sa kaniyang tinutukoy. ''Thank you Blessica sa tulong mo,'' singit ko na naman. Mahalaga ang meeting na ginawa namin ngayon at big deal 'tong lahat sa aming apat. Mabuti na lang talaga at nahilot siya ng babaeng kasama namin ngayon. Teka, ano ba kasing ginawa nito ni Blessica kay Allen? ''Hays naman, ba't ang tagal naman ni Rumir sa itaas?'' usal ko habang nakatingin sa mukha ni Shasha sa aking phone cover. ''Huwag ka nga mainip diyan, 'di ka talaga marunong maghintay Lexter eh no,'' sambit ni Chris sa 'kin. ''Ang tagal kasi, may lakad pa kami ni boo,'' ''Hayaan mo na baka may tiningnan lang sandali,'' usal pa ni Chris, at napansin kong parang may biglang binulong si Blessica kay Allen. Biglang tumawa si Allen habang nag-alala naman ang mukha Blessica. Ano kaya 'yong pinag-uusapan nila? ''Ba't ang tagal mo naman yata 'tol,'' sambit ko noong papalapit na sa amin si Rumir, at hindi ko maiintindihan kung natatawa ba siya o hindi. ''Okay ka lang Rumir?'' ''H-ha? Syempre naman! Tara lumakad na nga lang tayo,'' ngiting sambit ni Rumir habang kumakamot sa kaniyang ulo. Parang yatang may hindi sinasabi si Rumir ah? Sumabay ako sa kaniya sa paglalakad at bahagyang dumikit. ''Ang tagal mo sa itaas ha.'' Hindi siya sumagot kundi ang ngumisi lang. ''Hoy ano ba 'yon ha?'' Hinawakan ko siya sa balikat at umakbay. ''Wala 'tol, sa 'kin na lang 'yon,'' sambit niya na alam ko na kanina pa siya nagpipigil ng tawa! Pumunta na kami sa B Cafe at doon na itinuloy ang selebrasyon dahil sa panibagong kontrata para sa mga kompanya namin. Pagkarating namin sa cafe ay may isang lalaking staff na lumapit sa amin at nag-abot ng maliit na menu, kinuha ang mga order namin saka umalis na. ''May itatanong pala ako,'' panimulang sambit ko, nang bigla dumating ang isang waitress. Pagkalapag pa lang ng malamig na tubig ay agad nang kinuha 'yon ni Rumir at dahan-dahan nang tinungga, habang ako naman ay tumuloy na sa pagtatanong. ''Blessica, inano mo si Allen kanina?'' imbis na sagot ang nakuha ko, malakas na nabugahan ako ni Rumir ng tubig na galing pa mismo sa kaniyang bibig! Napatayo bigla dahil do'n at kumuha ng tissue sa lamesa. ''Ano ba naman 'yan 'tol!'' Kumuha pa ko ng panibagong tissue at ipinunas naman sa aking mukha. ''Rumir ano bang nangyayari sa 'yo! Kanina pa ako na-wi-wirduhan sa kilos mo!'' singhal ko habang siya naman ang napasinok. ''Ang lakas ng tama nito Rumir! Blessica sa'n ang cr niyo dito?'' saad ko at itinuro niya naman kaagad. Hays, may nakain talagang kakaiba 'to si Rumir ngayon! ALLEN'S POV Mula sa ilang araw na gigil ako kay Mauro, bigla na lang yata nawala dahil sa ginawa sa 'kin ni Blessica. ''Hmm, galing mo kanina,'' bulong kong mahina sa tainga niya habang si Rumir at Chris ay dumadagdag pa ng order. Hindi siya sumagot sa 'kin kundi ang kurutin lang ako sa hita. ''B, gusto mo bang maging sekretarya na lang kita para araw-araw mo na akong -- '' hindi na ako nakatapos sa pagsasalita ng bigla niyang kurutin na naman ang kaliwang hita ko. ''Aray naman -- '' ''Titigil ka Allen o hindi?'' Itinaas niya ang kaniyang kanang kilay sa 'kin. ''Allen,'' usal niya ulit sa 'kin. ''Ano na naman ba B, huwag mo na isipin na baka nakita ni Rumir ang bakas natin kanina,'' ''Paano kung -- '' ''B? Nasa dulong-dulo tayo nakaupo kaya puwede bang kumalma ka na diyan?'' Huminga na siyang malalim at sumandal sa kaniyang upuan. Ilang sigundo pa ay bumalik na si Lexter na basa ang mukha. Marahil sa kaartihan ay napahilamos pa siya sa kaniyang mukha na wala sa oras. We celebrate the whole night and omorder pa ng drinks ang ibang kasama ko. Isang oras pa ang umikot ay mukhang wala na sa tamang wisyo ang tatlong kaibigan ko ngayon. Kaya, tinawagan ko na lang ang driver ni Chris na si mang Tadeo. ''Mang Tadeo, pasensya ka na ha at ikaw na muna ang maghahatid sa mga unggoy na 'yan,'' sambit ko nang naipasok na sila sa loob ng sasakyan. ''Sige po sir, ako na po ang bahala. Kayo sir, sino po ang maghahatid sa inyo mamaya?'' ''Kaya ko pa pong magmaneho,'' ''Sige po, tutuloy na po ako at ako na rin pong bahala sa mga naiwan na sasakyan nila,'' huling sambit niya at lumakad na papasok sa sasakyan hanggang sa makaalis na. ''Close talaga kayong apat?'' usal ni Blessica pagkabalik ko ng upuan. ''Hmm, ano sa tingin mo?'' usal ko at umakbay sa kaniyang balikat. ''Oo, feeling ko hindi kayo mapaghiwalay ng tadhana,'' ''Talaga sinabi mo pa,'' sambit ko at umamoy sa kaniyang buhok. ''Gusto mo ba B? Na tayo rin gano'n?'' Kumunot lang ang noo niya sa sinabi ko. ''Anong -- ibig mong sabihin,'' paglilinaw niya. Lumapit lalo ako sa kaniyang mukha at pinagmasdan ang kaniyang ganda. ''B? Puwedeng -- tagalan pa natin ang pagkukuwari natin?'' Hindi siya agad sumagot sa 'kin, kundi ang sampalin lang ako sa pisngi! ''Aray naman B! Ba't mo 'ko sinampal!'' sambit ko habang humihimas sa aking kanang pisngi. ''Hoy anong sinasabi mong patagalin? Ginamit mo na ako sa Singapore ha!'' ''Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi mo rin ako ginamit Blessica?'' ''Anong sinasabi mo Allen?'' Iaangat na naman niya sana ang patilya ko, kaya agad kong hinawakang maigi ang dalawang kamay niya. ''No'ng hinalikan mo 'ko bigla para makatago ka sa mga humahanap sa 'yo. Sa tingin mo, hindi ba 'yon panggagamit?'' Nag-make face lang siya sa akin at kinagat ang braso ko. ''Blessica, napakabrutal mo talaga sa 'kin,'' ''Che, bitawan mo 'ko at magpapalit pa ako ng damit!'' saad niya kaya pinakawalan ko na siya sa aking pagkakahawak. ''Why, you don't like the design?'' ''Nye nye, nye nang dahil sa dress na 'to ay na -- '' tumigil siya sandali at tumingin sa paligid maging sa kaniyang likuran. ''Nang dahil sa dress na 'to Allen ay napaluhod ako bigka ng wala sa oras!'' mahina ngunit sapat na ang lakas lalo na noong dumikit siya sa aking tainga at doon nagsalita! Habang nag-uusap kami ay biglang lumapit sa amin ang dalawa niyang staff. ''S-sorry to interupt m-ma'am, magpapalam lang po sana kami ni Krisfer, k-kayo na po ba ang magsasara ma'am?'' ''Kam -- kami na ang bahala,'' maikling sagot ni Blessica at nagmadali nang lumakad ang dalawa. Noong nawala na ang dalawa sa paningin niya ay saka na lang siya napabuga ng mga malalalim na hininga. ''Okay ka lang ba B?'' pangangasar na sabi ko habang tinatanggal ang aking coat at inilagay sa katapat ko na upuan. ''Ano sa tingin mo Allen? Hays naiilang ang mga tao ko sa prisensya mo,'' ''Pero ang bibig mo, gusto ang alaga ko,'' ''A-ano ang -- IKAW!'' Mabilis akong napatakbo sa loob dahil alam kong umuusok na ngayon ang tainga at ilong ng kasama ko! ''Halika dito Allen!'' malakas na sigaw niya hanggang sa napatakbo na naman ako sa labas hanggang sa napatakbo pa ako sa kalsada. ''Lumapit ka sa 'kin Allen!'' sigaw niyang urat na urat ang mukha! Tuwang tuwa ako dahil sa akala ko ay mas maganda siya kapag nakangiti, 'yon pala ay mas maganda siyang tingnan kapag nagagalit! ''Makalapit lang ako sa 'yo Allen!'' ''Bakit isusubo mo ulit ang -- '' Malakas na ibinato niya sa akin ang kaniyang mataas na takong. ''Nako, kay Shasha pa naman 'to!'' ''Pwes ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya!'' sambit niya at pumasok na ulit sa loob ng cafe. SOMEONE'S POV Mula sa madilim na sulok, nakatingin ako sa dalawang nag-aasaran. ''Sige, magsaya ka ngayon. Magsaya ka hangga't kaya mo dahil bilang na, bilang na ang pagiging harang mo sa buhay ko,'' mahinang usal ko at itinapon na ang upos ng sigarilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD