Rumir's POV
Hindi ko alam, kung anong klasing mahika ang sinabi ni Blessica kay Allen. Kung ano man 'yon, ang mahalaga ay umubra!
At hindi lang nairaos ang presintasyon namin, dahil nagpirmahan na ng bagong kontrata!
"Thank you for trusting us again Mr. Shuen!" masayang masaya na sabi ni Allen -- dahilan kaya nagtinginan na lang kaming tatlo bigla!
"Effective ang prisensensya ni Blessica," tawang bulong sa 'kin nang napakaplayboy na si Chris.
"Hey, don't you dare flirt Blessica kung ayaw mo ng -- "
"Rumir what the hell? Anong tingin mo sa 'kin? Kaibigan ba talaga kita?" Lumaki lang ang kaniyang mata at kinamot ang kaniyang braso.
"Umayos ka ha, hmm,"
"Blessica is to much. I want a woman -- a simple woman yet full of passion of something,"
"Gusto mo na makita ang babaeng para sa 'yo?" Napalapit siya sa akin at bumulong ulit. "Oo 'tol bakit?"
"Eh 'di tumino ka na. Porke Zayn Malik 'yang mukha mo ay tikim ka na lang ng tikim,"
"Hays, nagbago ka na talaga 'tol," sabi niya at napaupo.
"Bakit na naman Chris Isaac Monreal?"
''Noong hindi ka pa kinakasal kay Rain, alam mo ba kung ano ang payo mo sa 'kin?'' Napakunot ang noo ko bigla sa sinabi niya.
''Ano pala ang pinayo ko sa 'yo dati?''
''Ano pa ba? Ang sabi mo ay go f*ck as you want, basta wala kang ninilokong tao.'' Napahingang malalim at natatawa na lang talaga ako kapag naalala ko ang mga katarantaduhan namin dati.
''Pero ngayong kinasal ka na kay Rain, grabe 'tol, wala na, tumino ka na,'' pang-aasar niya at inikot-ikot ang kaniyang daliri sa ibabaw ng kaniyang ulo, na ang ibig sabihin ay angel.
''Chris, matino ako alam mo 'yan. Nagkaleche-leche lang kami dati dahil sa bestfriend kong si Tina. Kaya ikaw playboy, umayos ka na,'' huling sabi ko sa kaniya at sinaluhan na sina Allen at Mr. Shuen na masayang nag-uusap.
''Mr. Montano,'' tawag sa akin ng matanda.
''Yes Mr. Shuen,''
''Thank you for this presenation. Your companies made it happen again. Naalala ko kasi 'yong babaeng nagpresinta sa akin noon -- '' napatigil siya sa pagsasalita at pilit na inaalala kung sino man iyon.
''Si Rain po 'yon,'' sagot ko naman sa kaniya.
''Ahuh -- how is she now?''
''Married to him Mr. Shuen!'' singit naman na pang-asar si Allen.
Loko talaga 'to, bakit parang ang high ni Allen ngayon? Hindi kaya -- na 'ko si Blessica! Mukhang drinoga niya ang kaibigan ko!
Hindi ko na lang masyado iyon pinansin ba, dahil sa hindi pa naman siya sobrang wild at katabi naman niya si Lexter.
Natapos ang pirmahan, ang dalawang babaeng secretaries niya ay niligpit na ang papel at ipinasok sa mga case.
Lumapit muli kami sa kaniya para muling makipagkamay.
''Thank you again Mr. Shuen and have a good day,''
''Thank you and -- '' napatigil siya sa pagsasalita ng mapansin niya bigla ang babaeng naka red nude dress na nakaupo sa pinakadulong bahagi ng malapad na lamesa.
''Who is she?'' Napa-awang ng bahagya ang bibig ni Allen kaya ako na mismo ang sumagot.
''Secretary po ni Allen,'' pagsisinungaling kong ngiti sa kaniya.
''Well no wonder kung siya naman ang mapapangasawa mo Mr. Saavedra,'' huling tawang sambit niya at lumabas na kasama ng kaniyang mga secrataries.
Noong nawala na siya sa paningin namin ay nagtatalunan na kaming lahat! ''WE MADE IT!'' napakalakas na sigaw ni Chris at sumayaw sayaw pa sa ibabaw ng lamesa!
Habang ang tatlo ay parang siraulong nagsasasayawan sa harap, napansin kong papalapit na sa akin si Blessica.
''Mukhang hindi na mawawala ang eighty percent share,'' wika niya at ngumiti sa akin.
''Blessica, you're an angel in disguise. Thank you for coming here, I really appreciate your effort,''
''My pleasure,'' sambit niya at lumapit na sa tatlong siraulo.
Lumabas na kaming lima sa conference room at tumapat na sa elevator para bumaba na ng gusali.
''Hay nako, paano kung hindi naisilang si Blessica ng nanay niya? Edi mga luhaan sana tayo ngayon at nganga?'' usal pa ni Lexter at napapakamot na lang sa kaniyang baba.
''It's still your efforts guys. Hmm, gusto niyo ba munang dumaan sa cafe ko at do'n mag-celebrate?''
''That's sound awesone!'' sambit naman ni Chris saka bumukas na ang elevator.
Nang kinakapa ko bigla ang bulsa ko, napasin ko na naiwan ko ang aking cellphone sa loob ng conference room.
''Can you wait me guys in the lobby? I forgot my phone inside,'' saad ko bago sumira na ang elevator.
Pagkapasok ko muli sa conference ay nakita ko ang aking cellphone na pumapatay sindi ang screen, mukhang may tumatawag sa akin. Pagkalapit ko ay nakita kong si Rain ang tumawatag.
''Mahal,'' panimulang sambit ko.
''Love baka puwede dalhan mo ako ng sweets mamaya,''
''Sure ano bang gusto mo?''
''Anything basta baked,''
''Alright, how's the twin?''
''Hay nako, mga mukhang daddy at kanina ka pa hinahanap. Nasa kuwarto na sila ngayon at maaga nang pinatulog ng yaya nila,''
''Good. Anyway love guess what?''
''Hmm?''
''We made the deal from Mr. Shuen!''
''WHAT? Congratulations! Akala ko ako na naman ang magpre-presinta eh, haha!''
''Oo nga eh, bigla ko naalala kanina. Sige na mahal, see you maybe around nine to ten pm, we'll just celebrate,''
''Alright alright, basta huwag mo kalimutan ang request ko, love you,''
''Noted mahal, love you too,'' huling sambit ko at pinatay na ang tawag.
Ano bang nangyayari kay Rain bakit panay hingi ng sweets? Nagpapataba ba siya o baka -- may laman na naman ang tiyan na?
Napadukot na lang ako ng panyo, nang biglang gumulong ang buong sampong piso, papunta sa pinakadulong upuan ng mahabang lamesa.
Pagkapulot ko sa gumulong na barya, biglang umagaw ng pansin sa 'kin ang naging upuan ni Allen kanina -- nakita ko -- ang ilang bahid at patak ng puting likido!
''SO THIS IS YOUR MAGIC DRUG BLESSICA!''