CHAPTER 8

1054 Words
Allen's POV Alasais ng umaga at tumama na sa aking mukha ang malakas na sinag ng araw. Hindi pa ako makadilat, kaya sinubukan kong kapain ang katabi ko. Hanggang sa napilitan akong imulat ang mga mata ko, dahil wala na siya -- wala na si Blessica. Agad ko siyang hinanap sa banyo, sa cafeteria sa baba, sa mga pools pero bigo na akong makita kahit ang kaniyang anino. Dismayado akong naglakad pabalik sa kuwarto habang iniisip kung nasaan kaya siya ngayon -- nang bigla ko napansin ang napakaliit na papel na nakasiksik sa gilid ng salamin. "To my accidentally boyfriend, Thank you so much for your accompany, I would never see myself okay right now if I'm alone last night, at kung may iba man ako nakasalamuhang foreigner kagabi ay mukhang 'di ko alam kung makakauwi pa ba ako ng buhay. Alaskwatro kaninang umaga ay napakahimbing ng tulog mo, para kang baby kamo! Haha. Gusto ko sanang magpaalam kaya lang ayaw na kitang istorbuhin that's why I wrote this instead. Anyway, I accidentally drop my phone and found out that may other credit card was inside my phone holder. So thanks God, makakauwi na ako ng 'Pinas! And, ayoko na maabutan pa ng sinag ng araw -- dahil tapos na ang pagpapanggap natin, na hindi na ako sa 'yo, na hindi mo na ako pagmamay-ari. Still, I enjoyed having around you Allen, kahit isang araw pa lang tayo nagkasama. PS: If you found my silver bracelet, please keep it to keep you remind our best night together. Love you -- ex? Hihi, take care always! May the wind let cross our world again! Your dearest, Blessica Napaupo ako sa aking higaan, naramdaman ang labis na pagkadismaya -- kung bakit kasi hindi ko hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. Tiningnan ko ang likod ng papel at wala naman din doon ang kaniyang address o 'di kaya'y ang kaniyang number. "So papaano kita ulit makikita Blessica?" tanong ko mag-isa at muling nabasa ang ilang bahagi sa sinabi niya. "May the wind let cross our world again," sambit ko at napilitan ng nagbihis at bumalik sa hotel kung nasaan ang mga kaibigan ko. Tinawagan ko si mang Islo dahil mukhang hindi ako makakapag-drive ng maayos ngayon. Habang minutong naghihintay sa sasakyan ay bigla akong may naalala na may iilan pa pala akong naiwang gamit sa itaas. "Mang Islo, naalala mo ba 'yong mga damit na pinamili mo kagabi," "Oho, bakit po sana," sambit niya, pero bigla akong nagdalawang isip na baka dinala 'yon ni Blessica, nang biglang may kumatok na hotel staff sa bintana ni manong. "Sir naiwan po sa room ni sir Allen," ngiting sambit niya at umalis na. "Sir mukhang narinig kayo ng staff," biro niya at itinabi sa 'kin sa likuran ang paper bag na naglalaman ng mga damit. Sinilip ko ng mga iyon at may napansin na naman ang maliit na pink sticky note. "PS: Kinuha ko ang isa pang v-neck shirt sa tatlo. So dalawa ang sa akin at ang isa ay ang suot mo ngayon. 'Yong pinamili mo para sa akin, please keep it. Saka mo na lang ulit ibigay kapag nagkita tayo. Anyway, I keep your necktie as my remembrance, hihi -B," Napakamot ako sa sintido dahil sa nabasa ko, akala ko ay may remembrance ako sa kaniya, 'yon pala ay nakuha niya na lahat. ''Damn,'' Habang pabalik sa hotel ay napapikit ako sa pagkadismaya, nang mapansin na parang ang tagal naman yata naming makabalik. "Mang Islo may iba pa ba tayong dadaanan?" tanong ko at sumilip sa labas. "Anong pong ibig niyong sabihin?" "Mukhang hindi niyo po nabasa ang text ng mga kaibigan niyo. Cancel na po sir ang next meeting niyo dito sa Singapore kaya babalik na po sa Pinas," "You mean manong sa airport na tayo pupunta?" "Opo, huwag po kayong mag-alala dahil sina Chris na ang nag-check out at dala na rin po ang ilang mga gamit na naiwan niyo doon tulad ng laptop," sambit niya, na lalong kinalungkot na ng araw ko. Dalawang kamay ko na ang ngayon ang dahan-dahang pinangkamot sa ulo ko, nang bigla ko mahawakan ang aking patilya, kaya -- naalala ko naman ang babaeng isang gabi ko lang nakasama. Pagkatapos pa ng ilang sigundo ay namataan ko na ang aking private plane, at hindi lang 'yon! Kundi ang mga kaibigan kong pasaway at tiyak na mang-aasar sa 'kin ngayon! "Manong bakit sila nandito?" singhal ko sa kaniya. "Ay nag-informed daw po sila sa 'yo na makikisabay na pabalik sa Maynila," saad niya at napansin ang 30 text ni Rumir, 50 text ni Chris at 80 text ni Lexter! Bumaba na si manong sa sasakyan at inilabas na aking mga bagahe. Walang hiya, mukhang hindi na ako makakatakas sa mga kaibigan kong alam kong aasarin lang ako sa flight! Sinubukan ko na lang na maging kalmado lalo noong inakbayan na ako ni Lexter. "'Tol please pagod ako," sambit ko at umupo na. Pero ang makulit, sa harapanan ng seat ko pa talaga umupo! '''Tol, nahuli kong nakaluhod 'yong babae sa jacuzzi ha, anong pinagawa mo sa kaniya? Saka sa'n kayo kagabi?'' Wala akong naging imik sa kaniya kundi ang huminga lang ng malalim. Ilang sigundo pa ay lumapit si Rumir sa amin. "Lexter uuratin mo lang yata si Allen eh. Samahan mo na lang muna ang girlfriend mo at ako na muna ang umupo diyan." Napatayo na siya at ngumisi sa akin. "Sure, sa susunod na lang ako," huling pangangasar niya at sinamahan na sina Rain at Shasha. Umupo na siya sa tapat ko, nakasalong baba at tinitingnan ako. "Allen," "Hmm," sagot ko habang nakatingin pa rin sa bintana at mga ulap. "Akala ko ay nag-enjoy ka kagabi. Ni tinakasan mo pa nga kami sa group hang out natin," Napahingang malalim na naman ako sa sinabi niya. "Rumir nag-enjoy ako," "O ba't ganiyan mukha mo?" "Wala," "'Tol tell me, malay mo ay makatulong ako. Huwag mong sabihin na ninakawan ka niya ng gamit? Ninakaw niya ba ang wallet at cellphone mo kaya hindi ka maka-reply sa -- " "Hindi niya ako ninakawan Rumir," napaawang ang bibig niya sa aking naging agarang sagot. "E-eh bakit ganiyan ang lungkot mo," I think he's right. May nawala nga sa 'kin, mukha ninakaw nga niya -- Ninakaw na niya ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD