Allen's POV
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at pumunta sa ibang lagusan papalabas ng hotel.
"Allen bulag ka ba, nakita ko ang mga kaibigan mo banda do'n sa -- "
"Hindi ko na trip na makasama sila ngayon Blessica," paliwanag ko sa kaniya kaya hindi na siya nakipagtalo pa.
Nakita ko ang isa sa aking driver at itinapat kaagad sa amin ang isang itim na Ford. Pinagbuksan niya kami ng pinto. "Mang Islo, I can drive alone kaya mag-stay na po muna kayo sa hotel. And please, huwag niyo na po sanang sabihin 'to sa mga kaibigan ko," huling sambit ko at pinaharurot na ang sasakyan.
Kung ako, kahit papaano ay nakalma na, pwes ang kasama ko naman ay mukhang gulat pa rin sa nangyari. Pinarada ko na ang sasakyan at lumabas na.
"Ayos ka lang B,"
"S-saan mo ba kasi gusto pumunta? Alastres na ng madaling araw Allen,"
"Tingnan mo ang paligid dito sa Singapore. Mukha pa rin ba 'yang madaling araw sa 'yo?" tanong ko pero wala lang siyang imik.
"Saan tayo pupunta Allen,"
"Magliliwaliw,"
"At magwawalwal?"
"Hindi, mag-eenjoy lang muna tayo ngayon," sambit ko at hinawakan na ang kaniyang malambot na kamay.
BLESSICA'S POV
Sa nangyaring pag-uusap namin kanina ni daddy, kahit papaano -- kahit papaano ngayon ay gumaan na ang pakiramdam ko.
Ang dami ko ng problema sa buhay. Ayaw akong makausap ng sarili kong ama, nahulugan ng credit card sa airport, at ang masaklap, mukhang lalangoy pa ako ngayon pauwi ng Pilipinas!
Pero iba ang nangyari -- naging mabait ang tadhana sa 'kin. Binigyan niya ako ng pandesal, este sinagot niya ang aking dasal!
"Blessica ang lalim na naman ng iniisip mo." Napatingin lang ako sa kaniya, at -- biglang napayakap. "Allen thank you, thank you for saving me," buong pusong pagpapasalamat ko sa kaniya saka humiwalay na.
"Ikaw ang sumagip sa akin, hindi ako,"
"Ha? Anong paano ako? Eh madali lang naman 'yon sa lolo mo," kunot noong sambit ko sa kaniya.
"Huwag mong nila lang lang 'yon Blessica. Kung alam mo lang, kung ilang buwan na akong nag-iisip para lang sa pekeng girlfriend na ipakikilala ko sa kaniya," sambit niya at umupo sa isang bench kaharap ng Merlion.
"A-Allen,"
"Hmm?"
Tumabi ako sa pagkakaupo niya sa bench at inilapit ang mukha ko sa kaniya. "B-bakla ka ba?"
''Ano?'' Napatawa siya at inilagay ang kaliwang kamay sa sinasandalan ko.
''Umamin ka na Allen,''
"Ikaw, ano sa tingin mo?" Napalagok ako ng laway nang biglang maligaw ang mata ko sa ibabang parte ng katawan niya. "A-Allen, b-bisexual ka ba?"
"Ano?" Mas lumakas pa ang kaniyang tawa at napahawak pa sa kaniyang tiyan. Dahil sa hindi naman siya sumasagot ng maayos sa mga tanong ko, hinila ko na naman ang kanang patilya niya!
"Araaayyyyyyyyyy!"
"O ano? Sasagot ka ng maayos o hindi?
"H-hindiiiiii, hindi ako baklaaaa, pleaseee," pagmamakaawa niya kaya binitiwan ko na ang kaniyang patilya.
"Uulitin ko ang tanong ko Allen, bakit hindi ka na lang nag-girlfriend para may maipakilala ka na lang sa lolo Ysmael mo?" Hindi pa rin siya sumagot at hinihimas pa rin ang kaniyang patilya.
"Blessica, kapag inulit mo pa 'yon, may gagawin na ako sa 'yong hindi maganda,"
Itinaas ko ang aking kilay dahil sa sinabi niya. "Ahh, tologo bo? At ano naman ang -- " bigla -- bigla niya akong hinalikan!
Sinubukan kong pumiglas pero masyado malakas ang kaniyang kamay na nakahawak sa ulo at leeg ko!
Halos limang sigundo ang tumagal at pinawalan na niya ako. Tumakbo siyang napakabilis paikot sa Merlion, nang biglang nag-vibrate ang aking cellphone.
Nakita ko ang text, mula ito kay daddy.
From: Daddy Emanuel De Guzman
"Lintik ka! Muntik na akong mahuli ni Josefa lalo na ng anak namin na si Carmela! Huwag na huwag ka nang tumawag, simula ngayon ay kakalimutan ko ng may anak ako na putok sa buho!"
Akala ko ay masakit na ang nangyari kanina, dahil sa nasaksihan pa ito ng lalaking ni ngayon ko lang nakasama.
'Yon pala, ay may ikadudurog pa.
Gusto kong umiyak, pero natuyo na siguro ang mga mata ko, 'di ko lubos akalain na mauubusan din pala ako ng luha mula sa sarili kong ama. Sumandal ako sa bench, tumingin sa napakaliwanag na ulap saka ipinikit na ang aking mga mata.
ALLEN'S POV
Ilang sigundo mula sa aking pagkakatakbo, napansin ko na parang wala namang sumusunod sa akin. Dahil doon ay napalingat ako, at napag-alaman na ang inaakalang babaeng sumunod sa 'kin ay nakaupo pa rin pala sa bleacher.
Nang mapansin ko siya mula sa malayo, nakita kong tinititigan niya ang kaniyang cellphone. Pakiramdam ko, tungkol na naman ito sa daddy niya na marahas siyang kinausap kanina.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya habang tinatanggal ang aking coat. Pagkaupo ko sa tabi niya ay inilagay ko ito sa kaniyang katawan. "B, okay ka lang?" Tahimik pa rin siya at nakapikit ang kaniyang mata.
Ginaya ko siya sa paraan nang pagkakasandal niya at ipinikit din ang aking mata.
Pinakikiramdaman ko siya ngayon, iniisip -- na baka halos parehas lang kami ng sitwasyon.
Ayon sa narinig ko ay mukhang anak siya labas. Samantalang ako, napaka-busy ng mga magulang ko sa larangan ng negosyo. Walang duda kung bakit si lolo Ysmael na ang halos nagpalaki sa akin.
"Allen, gusto ko na magpahinga,"
"Sige, balik na tayo," sambit ko at inalalayan na siya pabalik nang sasakyan.
Tinahak na namin ang daan pabalik nang may bigla sumagi sa aking isip. Kung babalik kami sa hotel at tiyak na mangungulit sina Chris sa akin kaya mas magandang --
"Allen, iba yata ang dinadaanan natin,"
"Sa ibang hotel muna tayo magpapalipas, manggugulo lang kasi doon ang mga kaibigan ko,"
"Pero wala akong pera na -- "
"Ako na ang bahala B," sabi ko kaya bigla siyang napatingin sa akin. ''Anong tawag mo sa 'kin? B?''
''Oo, shortcut,''
''Bakit ako bawal 'tas ikaw puwede? Tatlong syllble lang naman saka -- ''
''Please, mag-relax ka na muna,'' paliwanag ko at hindi na siya umimik pa.
Pagdating namin sa loob ng hotel ay agad kaming nag-booked at pumanhik sa nasabing silid.
Sumampa at dumapa agad ang babaeng kasama ko, kaya kitang kita ako ang kaniyang napakaputing likod mula sa aking kinatatayuan. Napakaganda ng kaniyang blond na buhok at halos kulot ang laylayan nito.
"B, may pinaorder akong damit kay mang Islo, wait mo lang ako dito ha at kukunin ko sa baba," sambit ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Pagkasilip ko sa kaniyang mukha ay napag-alamang nakatulog na nga siya talaga.
Dahil sa naramdaman ko na rin ang pagod ay pinaakyat ko lang ang aking driver para kunin ang mga ipinamili niyang damit para sa 'kin at sa kasama ko.
Tatlong black extra large and small v-neck shirt ang mga nabili niya, ilang mga mens and woman undergarments, leggings and shorts. Nagpalit na rin ako mula sa aking business suit attire. Sinigurado ko rin na itago ang gamit na necktie ko na naglalaman ng silver bracelet ni Blessica.
Gustuhin ko man na ayusin ang pagkakahiga niya pero ayoko ng guluhin ang kaniyang mahimbing na tulog. Kaya ang ginawa ko, sa couch na lang ako nagpalipas ng gabi.
Ilang minuto na ako nakapikit at nakahiga sa couch, nang biglang may humawak sa ulo ko, kaya napadilat muli ang aking mata. "B-Blessica, m-may kailangang ka ba?" tanong ko at bigla akong napaupo.
"Ba't dito ka natulog?" tanong niya at bigla ko napansin na nagpalit na siya ng damit. Pero ang ikinagulat ko, hindi small shirt ang sinuot niya kundi ang extra large na tulad ng suot ko. Ang cute niya tingnan dahil --
"Hoy Allen tinatanong kita. Halika na, magpapabuhat ka pa ba sa 'kin?" Hinawakan na niya ang kamay ko at inakay na papunta na napakalambot na higaan.
Ako ang humiga sa kaliwa, siya naman ang nasa kanang bahagi ng king size bed.
"Blessica? Naistorbo ko ba ang tulog mo kaya ka nagising?"
"Hindi, bigla lang kasi ako naalimpungatan eh. Mas lalo akong nagising dahil sa nakita kitang nakahiga do'n sa couch," sambit niya at itinuro pa.
"Gusto mo ba kumain B?"
"Hindi A, busog pa naman ako," sambit niya at humingang malalim.
"Kumusta ang pakiramdam mo,"
"Hays huwag mo 'kong isipin Allen,"
"Hindi pwede dahil girlfriend pa kita and look, hindi ko pa nakikita ang sinag ng araw," sambit ko at humarap sa kaniya sa pagkakahiga.
"Allen boyfriend pa kita 'di ba?"
"Ahuh,"
At sa gulat ko, yumakap siya sa akin bigla sa pagkakahiga. Hindi lang simpleng yapak kundi inilagay pa ang kaniyang kaliwang hita sa baywang ko.
Bahagyang nanigas ang katawan ko sa ginawa niya, para siyang bata na nagsusumbong sa 'kin na may umaway sa kaniya.
"Thank you so much Allen for your great comfort. Kung wala ka, hindi ko na alam siguro ang ginagawa ko ngayon dahil sa ama kong hindi ako mahal,"
"Don't worry my love," saad ko kaya bigla siyang napatingin at ngumiti sa akin -- na kahit maging ako -- ay nagulat sa lumabas sa aking bibig habang kayakap siya!
Hinawakan niya ang mukha ko, pati ang aking patilya. "Blessica naman huwag mo na hilain ang -- "
"Hindi naman eh, hinawakan ko lang ang mukha mo,"
"W-why?"
"Wala," sabi niya at muling sumubsob sa aking dibdib.
"Let me cuddle you this way Allen as a thank you thing," huling sambit niya at natulog na nang mahimbing.