CHAPTER 6

1353 Words
Blessica's POV Mula sa pagkakasalita ni Allen, nakita ko sa kaniyang likuran ang dalawang guard na marahil ay naghahanap na sa 'kin! Apat na araw na akong naka-booked sa hotel na ito at malamang sa malamang ay wala ng laman ang aking credit card! Wala na akong napalag, wala na akong ibang naisip na paraan kundi ang halikan na lang si Allen nang sa gayo'n ay matakpan ang mukha ko! Pagpasok namin sa kwarto niya, agad akong tiniyak na sirado na ang kaniyang pintuan. At -- sigundo ang takbo ay napatingin na ako sa lalaking kasama ko ngayon. Nakaupo siya sa kama -- malamig ang mga mata at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "A-Allen, kasi -- kasi ano eh," "Gusto mo mag-jacuzzi ulit tayo," sambit niya at dahan dahang tinatanggal na ang kaniyang business suit. Those biceps. Those tones abs. His tender lips na parang -- "Blessica ano na," "S-sige, s-sunod ako sa 'yo." No'ng nawala na siya ay napakamot na 'ko sa mukha ko, -- t-totoong pumayag ako sa alok niya! Wala na akong nagawa kundi ang dahan-dahan na rin tinanggal ang black fitted dress at pumasok na sa banyo niya. Pagkarating ko sa napakalawak na banyo, kasunod nito ang jacuzzi na ang pader ay glass wall, na kung saan ay kitang kita ko na naman ang kabuuang ganda ng Singapore na tulad ng disenyo sa aking silid. Pangalawang beses ko na ulit 'to -- na kasama ang lalaking ngayon ko pa lang nakilala. Sinalubong ako ng tingin ni Allen, tinitingnan ang hugis ng katawan ko, binabasa kung ano ngayon ang takbo ng isip ko. "A-Allen, last ko na 'tong undergarments kaya kapag nabasa 'to ay -- " "Leave ito me," malamig na dugtong niya sa sinabi ko. Lumunok muna ako sa laway bago ako sumampan sa jacuzzi at umupo sa katabi niya. He hold my hands, he kissed my neck -- dahilan para iangat ko na naman ang kaliwang patilya niya! "What the f -- " Napahimas na naman siya sa kaniyang ulo, habang ako ay natawa katabi niya. "Hoy Allen, ang kapal mo naman. Anong akala mo sa 'kin? Easy to get? Hindi ako prostitute!" ngising asar ko sa kaniya at balak ulit sanang iangat ang kanang patilya niya kaya lang kaniya na itong naharangan kaagad. "Your crazy Blessica," "Crazy but saved your evening with your lolo Ysmael," pangangasar ko ulit sa kaniya at winisikan siya ng tubig. Napaahon siya sa maligamgam na tubig at kumuha ng maiinom. Pagkatapos magsalin ay umupo siya sa upuan, habang ako nakababad pa rin sa jacuzzi. "Hoy," sambit ni Allen sa 'kin. "Hmm?" Ngumisi lang akong nakakaloko sa kaniya, dahilan para mapakamot na naman siya sa kaniyang sintido. "Bakit mo 'ko hinalikan kanina?" tanong niya -- dahilan para pansamantalang manigas ang aking panga! Sh*t, kaya niya siguro ako hinalikan sa leeg dahil sa akala niyang niyayaya ko siya mag-ano! "A-ano -- " "Sagot Blessica," "Allen kasi -- " napatigil ako sa pagsasalita, umahon sa tubig at biglang lumuhod sa kaniyang harapan habang nakaupo pa rin siya. "M-may ipagtatapat ako sa 'yo Allen, n-nagkaroon ng problema ang credit card ko -- kaya -- kaya kita nahalikan kanina kasi -- nakita ko na 'yong guard -- at paaalisin na niya ako sa hotel," "So ginagamit mo lang ako?" "Oo pero -- teka. Hoy Allen! Ikaw ang unang nanggamit sa 'ting dalawa!" balak ko na sanang tumayo nang bigla niya akong pinigilan kaya nanatili pa rin ako sa pagkakaluhod. Hinawakan niya ang buhok ko, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "Blessica, 'di ba girlfriend kita ngayon?" "Paglilinaw ko, fake g-- " Hindi na ako ulit nakapagsalita nang biglang -- "Nasa'n kaya si -- Allen," pang-asar na usal ng isang lalaki pagkabukas ng pinto! Agad napatayo ang lalaking nasa harap ko at lumapit sa kaniya. "Lexter! Anong ginawa mo dito!" Agad silang lumabas kaya ako, binalot ko na lang ang sarili sa isang bathrobe! Ilang minuto pa ay pumasok muli sa pinto at lumapit sa 'kin. "Blessica, sumama ka sa 'kin," "Ano! Wala na akong ibang damit Allen!" Napatingin siya sa akin at napakamot na naman sa kaniyang sintido. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinawagan doon. "Hello Shasha, nasa'n ka ngayon? Shh, huwag mo sabihin kay Lexter na tumawag ako please. Ano? 'Nak ng nakarating agad sa inyo? Hays punta ka na lang sa kuwarto ko at magdala ng ilang pang babaeng damit, sige. Sige sige salamat Shasha," huling usal niya at pinatay na ang tawag. "Hoy Allen ang dami mong babae," hindi siya sumagot kundi nginiwi lang ang kaniyang mukha para mang-asar. Habang naghihintay at nakaupo sa couch ay biglang may kumatok na sa pinto. Agad pumasok ang isang morenang babae na medyo singkit ang mata. "Hi, I'm Shasha Adelle Salamanca, you can call me -- " "Hoy hindi ako prostitute, sa tingin mo ay susuutin ko ang mga damit na bitbit mo?" Nginitian niya lang ako at inilapag ang mga damit sa higaan ni Allen. "Again you can call me Shasha, girlfriend of one's Allen's best friend, Lexter Thor Frante," huling ngiting sambit niya at lumabas na ng pintuan. "S-sorry," bulong sa sarili dahil sa kahihiyan, kung bakit -- "Allen naman! Bakit hindi mo sinabing girlfriend 'yon ng kaibigan mo!" "Bakit nagtanong ka ba?" ako naman ang hindi nakasagot at nag-make face na lang sa kaniyang mukha. "Allen Gabriel Saavedra, hindi mo ako mapapasama kung saan man kayo pupunta," "Sabagay, may ibang matutuluyan ka naman dito sa Singapore 'di ba?" sambit niya, kaya naiwang nakaawang na lang ang aking bibig. Hmmp! Wala na akong ibang choice kundi ang sumama! HAYS! "Allen, saan ba -- kasi tayo pupunta." Ngumisi akong papalakad sa kaniya habang nagbibihis na naman ng kaniyang tuxedo. "O ba't bumait ka na naman?'' Hindi ako sumagot kundi ang piit na ngumiti na lang. ''Lalabas tayo kasama ng mga kaibigan ko," "Allen, a-alam mo naman na walang akong pera 'di ba saka," "Sagot kita," "H-mm, p-puwede -- t-ticket ko na lang pauwing Pilipinas 'yan?" Napakunot sandali ang mukha niya at lumapit sa mukha ko. "Isasabay na kita sa private plane ko pabalik sa Manila," sambit niya, dahilan para wala nang mapaglagyan ang saya ko ngayon! Agad na akong nagbihis, at pinili ko ang pinakamagandang damit na pinahiram ni -- S- Sharon? Sheena? "Allen sino nga 'yong nagpahiram nitong mga damit?" "Si Shasha baby," sambit niya at sumaglit na halik sa labi ko -- dahilan para ikinalambot bigla ng mga tuhod ko! Lumakad na siya sa salamin at inayos ang kaniyang buhok -- habang ako ay parang nanigas sa aking kinatatayuan, iniisip kung panaginip pa ba ito o totoo! Kinurot ko ang dulo ng aking daliri at nakumpirmang totoo nga! Binilisan ko ng mamili sa mga dress mula kay Shasha, nang mapansin ko ang kulay pulang backless and sleeveless dress. Kinuha ko iyon at nagbihis sa loob ng banyo. Dinala ko rin ang small bag purse ko at doon na rin naglagay ng kolorete sa mukha. Thankful din ako dahil may pa-blower ang comfort room ng suite niya! "Blessica ano? Natulog ka na ba diyan?" sigaw niya mula sa labas ng pintuan. Tumingin muna ako sa salamin, nang biglang bumukas ang pinto. "Tara na dahil baka -- " napatigil siya sa pagsasalita nang makita na niya ang buong ayos ko. Tiningnan na naman niya ako mula ulo hanggang paa, saka naglakad na ako papalabas ng pinto. Nako gamit ko pa naman ngayon ang pinakamabango kong perfume! Baka maulul na itong -- "Blessica," malamig na sabi niya. "Hoy Allen hinihintay na tayo ng mga kaibigan mo," pang-urat ko sa kaniya at nauna nang lumabas ng pinto. Ilang sigundo ay sumunod na siya sa akin, at 'di ko ba alam kung bakit napapahinga siya ng malalim! AHH! Alam ko na! "Allen, nag-alala ka ba dahil sa mga kaibigan mo? Huwag kang mag-alala, gagalingan ko rin ang pagpapanggap tulad ng ginawa ko sa lolo Ysmael mo," paliwanag ko, pero mukhang hindi naman 'yon ang nagpakalma sa kaniya. Ilang minuto pa ay nasa ground floor na kami ng hotel. Sa kaliwang bahagi ay namataan ko na rin ang mga kaibigan niya, nang bigla niya na lang ako hinila papunta sa kabilang direksyon. Teka sa'n kami pupunta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD