Allen's POV
Halos hindi ako makagalaw sa kinaupuan ko dahil sa sinabi ni lolo Ysmael. Namangha ako, tumaas ang buong balahibo dahil sa aking narinig mula sa kaniya.
Hindi na mabilang sa daliri ko ang mga pekeng girlfriend na ipinakilala ko sa kaniya, pero ngayon lang ako nakarinig ng mga salita -- mga salitang ngayon niya lang sinabi noong si Blessica na ang pinakilala ko sa kaniyang harapan.
Pakiramdam ko, pakiramdam ko ay binasbasan na kaming dalawa ni Blessica.
''Hoy Allen!'' Tinapik ako ng katabi ko kaya bumalik na ako ulit sa uliran.
''A-ano sabi mo?''
''O ba't bigla yatang lumutang 'yang isip mo?''
''H-huh -- ano -- nagutom ako Blessica!'' Napatingin ako sa mga fried frog at inilayo 'yon sa harap ko!
''Allen, mukhang 'di alam ng lolo Ysmael mo na 'di ka kumakain ng palaka?''
''Nako hindi puwede, tiyak na magagalit 'yon. Ayaw niya na 'di ako sanay sa ibang kultura. Eh ikaw? Alam mo ba na hindi ako kumakain ng palaka?''
''Oo alam ko,"
"Ano? Isa ka bang spy?''
''Baliw, noong nilapitan kasi kita sa bar kahapon ay diring-diri ka sa lalaking kumakain ng fried frog,''
''Woah, napaka-observant,''
''Hindi naman Allen, favorite ko kasi 'yon kaya napatingin din ako agad sa kinakain niya. Anyway for doing this, where's my return?'' she claired her throut at binuka ang kaniyang palad.
Bahagya akong nalungkot dahil -- dahil sa matatapos na ang pagkukunwari naming dalawa.
''Ano na Allen?''
''Sandali hinahanap ko lang ang tseke ko,'' malungkot na sambit ko sa kaniya.
''Ano? Mukha bang pera ang hinihingi ko?''
''Eh ano pala Blessica? Huwag mong sabihin na baby mula sa 'kin ang -- '' napatigil ako sa pagsasalita nang itinaas na naman niya ang kanang patilya ko! ''Aray! Ano ba naman Blessica!'' singhal ko sa kaniya at hinimas ang bahaging masakit.
''Allen, bracelet ko. Ang silver bracelet ko ang hinahanap ko,'' sambit niya kaya napahawak ako ng bahagya sa aking necktie. Dito ko kasi nilagay dahil alam kong kakapkapan niya ako kapag nagkataon na maalala niya -- at tama nga ako ng hinala!
''B-bawi na lang ako Blessica,''
''Ano! Nawala mo ang bracelet ko!'' Tumayo siya sa harap ko, inis na inis sa aking pagmumukha. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao, kaya imbis na omorder ng bagong pagkain ay hinawakan ko na lang ang kaniyang kamay at lumabas na ng restaurant kasama niya.
Saan ko siya dadalhin? Syempre saan pa ba? Edi sa lugar ko kung saan malaya siyang sigawan ako!
"Allen saan tayo pupunta!"
"Sa kuwarto ko Blessica." Nanlaki na ang mata niya, at pakiramdam kong hahawakan na naman niya ang aking patilya kaya hinawakan ko ng maigi ang kaniyang mga kamay.
"At sa tingin mo siraulo ako para sumunod sa 'yo?"
"Oo mukha kang siraulo kung sa restaurant mo hahanapin ang bracelet mo na sa kwarto ko naman nawala," pagsisinungaling na paliwanag ko, kaya binitiwan ko na ang kaniyang kamay.
Sinundan lang ako ng babaeng kasama ko. Hindi ko ba alam, pero 'di ko maiwasan na hindi mapangiti mula sa reflection ng kaniyang mukha sa elevator, kung gaano siya kainis ngayon sa 'kin!
''Blessica, bumili na lang tayo ng bago saka -- ''
''Allen huwag, please importante sa 'kin 'yon,'' biglang lungkot at malumanay na usal niya, na talaga namang -- ikinahinto na ulit ang mundo ko. Dahil doon, nagpasya na lang akong ibigay na lang ang bracelet. Pero bago 'yon ipapahanap ko muna sa kaniya sa buong kuwarto dahil sa ginawa niyang paghatak sa dalawang patilya ko.
Pagkarating namin sa kuwarto, bigla siyang pumunta sa higaan, sumilip sa ilalim ng couch, sa mga drawers pero bigo pa rin siyang makita ang kaniyang hinahanap.
''What the, anong oras na Allen!'' biglang sigaw niya habang naghahanap sa paligid kaya napatingin ako sa aking relo.
''Malapit na mag-eleven pm, bakit -- ''
''ANO!'' singhal niya at napapunta sa desk table.
"Allen, p-pahiram muna ng laptop mo, may t-tatawagan lang ako sandali," usal niya at dinala ang laptop sa couch.
Kunot noo lang akong nagtaka kung sino ang kakausapin niya at tumungo na lang sa kaniyang sinabi.
May tinipa siya doon at marahil may hinihintay na tawag.
"Dad -- good evening," pilit na ngiting sambit niya sa kaniyang ka-video call.
Gusto ko sumilip pero tinaas niya kaagad ang kaniyang kamay kaya nanatili na lang ako sa kaniyang harapan at tiningnan siya.
"Dad, can I meet you downstairs? P-please?" pagpupumilit at kitang kita ko sa kaniyang mata na gustong gusto niya makita ang kaniyang ama.
"What the hell Blessica. Ano pa ba ang gusto mo? Binigyan naman kita ng money allowance mo ha! Ano pa bang hinahangad mo? Na makita ka ng totoong asawa at anak ko!"
"Pero dad miss na kita at -- "
"I have to go!" malakas na huling sambit ng kausap niya at pinatay na ang tawag.
Napaatras ako, agad nanghina sa nasaksihan.
Tumulo bigla ang luha sa kaniyang mata habang dahan-dahang sinisirado ang aking laptop. Tumabi ako sa couch niya at hinawakan ang kaniyang balikat. "B, o-okay ka lang ba,"
Hindi siya sumagot sa akin kundi ang napahinga lang ng malalim. Kinuha ko na ang aking laptop at inilagay sa lamesa.
"Allen bakit ang sakit, n-napakasakit." Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at kinuha ang papel na nakalagay sa isang gilid. Iyon ang listahan ng mga gagawin ko pagkatapos ko sanang makausap si lolo Ysmael ngayong gabi.
"Magliwaliw, magwalwal?" saad niya at tumingin sa akin.
"B-bakit sana,"
"Tara Allen, sasamahan kita," sambit niyang nakangiti, kabaligtaran ng lungkot sa kaniyang mata.
"B, Blessica, h-huwag mo nang pansinin 'yang mga sinulat ko,"
Wala siyang naging sagot kaya napayuko na naman siya. "Sige Allen, babalik na ako sa kwarto."
Buong lakas na siyang tumayo at naglakad na papunta sa pintuan, nang biglang umiral na naman ang aking mabait na dila.
"Blessica." Napahinto siya at muling humarap sa akin.
"Hmm?"
"My beer dito, gusto mong dito na lang sa kwarto ko?" Pumunta na ako kaagad sa aking minibar at kumuha ng dalawang bote doon.
"Why are you doing this, dahil ba sa naawa ka sa 'kin?" sambit niyang lungkot na lungkot ang mukha.
"No, I'm doing this because I wanna tell you that I'm here for you. Pinag-usapan natin kagabi na you'll be my fake girlfriend 'di ba? Kaya hangga't hindi ko pa nakikita ang sinag ng araw, pwes akin ka pa rin Blessica."
Wala lang siyang naging imik at umupo na lang ulit sa couch. Umupo siya doon, humingang malalim habang tinitanggal ang itim na gloves sa kaniyang mga kamay.
Binigay ko sa kaniya ang isang bote at agaran 'yon tinungga.
Napatingin lang ako sa kaniya, napaisip kung bakit -- bakit ko kaya siya kasama ngayon?
Isang oras ay pakiramdam kong gumaan na ang dibdib niya, kaya buong lakas na akong nagsalita. "Blessica, tama na ang tatlong bote,"
"Opo," sagot niya, na 'di ko alam kung bakit -- bakit parang may biglang tumusok sa dibdib ko?
"Hoy Blessica lasing ka na ba?"
"Bakit? May gagawin ka bang sanang masama sa 'kin kung lasing na 'ko?" pang-asar niya at inilagay ang kaniyang paa sa lamesa.
"Allen, pupunta na ako sa kwarto ko, salamat sa oras mo ha," pilit na ngiting usal niya at lumabas na sa aking pinto.
Hindi ko mapalagay ang sarili ko. Palakad-lakad na ako sa loob, nang bigla ko maalala na hindi ko pa pala naibabalik ang kaniyang silver bracelet kaya agad akong lumabas sa pinto
"Blessica." Lumingon siya at agad akong humakbang papalapit sa kaniya.
Dudukutin ko na sana sa secret pocket ng necktie ko ang bracelet niya, nang bigla siyang lumingon sa likuran ko, at sa 'di ko alam na dahilan, bigla niya na lang ako hinalikan -- halik -- na pakiramdam ko ay napaamo niya bigla ang buong pagkatao ko.