Blessica's POV
Akala ko, A is stands for Allen, iyon pala is A is stand for animal!
Nakakailang kurot na ako sa kasama ko, pero pinipilit ko na lang talaga galingan -- alang-alang sa aking macaron silver bracelet. Pagkatapos ng pagpapanggapap namin ngayon ay kukunin ko na sa kaniya ang aking polseras at tutuldukan na ang kalokohan naming dalawa. Kailangan ko na lang talaga na pabilibin ang lolo Ysmael niya pati ang animal na katabi ko ngayon!
''So, saan kayo nagkakilala ng apo ko?'' wika muli ng matandang kaharap namin, mga nasa singkwenta o sixty na ang edad.
''Sa libing po ng aso ng kaibigan ko'' pag-imbento kong sagot, kaya napatingin agad si Allen sa 'kin.
''T-tama po siya lolo, n-namatay kasi no'ng nakaraan ang -- ''
''Here's your menu sir, ma'am,'' saad ng waitress kaya naputol na sa pagsasalita ang katabi ko hahaha! Nagulat na lang ako ng umakbay siya sa 'kin, ay palihim na hinila ang laylayan ng buhok ko!
''Mukhang pangit ang lugar kung sa'n kayo nagkakilala, kaya huwag na lang natin pag-usapan.'' Namili siya sa kaniyang menu maging kami ni Allen.
Hinarang ko sa 'king mukha ang malaking menu, maging ang katabi ko -- at nakikipagdiskusyon ng walang boses!
''Apo, ano na ang order niyo para -- ''
''Same as yours lolo Ysmael. Si Blessica gano'n na lang din po,'' saad ng kasama ko kaya napilitan na rin ako ngumiti.
''Okay, if you wish. Ms., our orders we're three special dish of fried frogs. And wine please,'' huling usal niya sa waitress -- dahilan kung bakit nagkahawak bigla ang mga kamay namin ni Allen sa ilalim ng lamesa.
Pagkahawak niya sa kamay ko ay hindi niya na 'yon binitawan at inilagay na sa kanang hita niya sa ilalim ng lamesa.
''Gaano na kayo katagal magnobyo?''
''Isang taon na po lolo,''
''O-opo, isang taon na.'' Napapatungo na lang talaga ako ng aking ulo dahil sa kaba, lalo na't hawak ni Allen ang kamay ko!
''Isa lang ang masasabi ko sa inyong dalawa.'' Ngumiti ng masaya ang lolo Ysmael niya at inilagay ang dalawang siko sa lamesa.
''Nakita ko sa inyo kung paano kami nag-asawa ng kabiyak ko,'' usal niya kaya maging si Allen ay napalunok ng laway. Sinamantala ko na rin kunin ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak.
''P-paano mo naman nasabi lolo,''
''Iho, 'yang laging nagtatalo pero nagbabati pa rin sa dulo ang nagkakatuluyan. Kanina pa ako nasa pintuan ng restaurant na 'to at nakita ko kung paano kayo nagbabangayan. Nakita ko na tinataasan ka na ng kilay ni Blessica pero nakuha mo pang tumawa apo. At ikaw naman iha, kahit may kalokohan itong si Allen ay mukhang nadadala naman sa pag-uusap. Ganiyan ang tama, dapat laging nag-uusap at hindi pinaiiral ang init ng ulo.'' Ngumiti siya sa amin at sakto naman na inilalagay na sa lamesa namin ang aming kakainin, nang biglang nagsalita ang katabi ko.
''Baby? Gusto mo ba 'to?'' Napatingin ako agad sa cellphone niya.
Akala Shoppee o Lazada, 'yon pala ang message!
Napakunot ang noo ko at binasa sa isip ang nilalaman ng kaniyang tinipa. ''Kumakain ka ba ng palaka?''
Nang mabasa ko 'yon, sinagot ko siya na alam kong ikakagulat niya. ''Yes love, I like that, please order it for me,'' sambit ko sa kaniya kaya napataas bigla ang dalawang kilay niya.
''Ano naman ang pinag-uusapan niyong dalawa?''
''Palaka, este -- oorderan ko kasi siya ng -- polseras,'' pagsisinungaling niya kaya napatigil ako sandali. Teka baka nawala niya ang silver bracelet ko!
''Love, don't tell me nawala mo -- 'yong unang bigay mo sa 'kin?''
''No my dearest Blessica, gusto ko lang dagdagan ang mga alahas mo,'' sagot niya at kinuha niya ang kaniyang pagkain.
Kumakain ako ng fried frog, nako lalo pa ng adobong bake! Nako mas masarap pa sa manok! Kaya kung enjoy na enjoy ako pagkain, pwes kabaligtaran ng lalaking katabi ko!
''Apo, mukhang 'di mo ginagalaw ang pagkain mo?'' tanong ng lolo niya habang nilalagyan ng waitress ang baso ko ng wine.
''Ahh -- lolo kasi -- kumain po kami ni Blessica kanina sa kuwarto,''
''Kaya naman pala gutom na gutom itong kasama mo, kasi kinain mo pala ang -- '' hindi na siya natapos sa pagsasalita ng mabuga ko ang wine sa gilid na alalay ng lolo Ysmael niya!
Kung anong kinailang ko, saka naman kabaligtaran ng animal na katabi ko!
''S-sorry lolo, n-nabilaukan po yata ako.'' Kinuha ko ang tubig at iyon naman ang ininom.
''Iha, maganda 'yan para magkaapo na ako bago -- '' sa pangalawang pagkakataon, naibuga ko naman ang tubig sa harap ni Allen!
''Hala -- s-sorry, m-mukhang busog na po talaga ako,''
''Okay lang 'yan para kapag nagbunga na ang pagsasama niyo ay handa na ang katawan mo. Alagaan mo ang girlfriend mo Allen, baka lumihis pa sa kamay mo,'' usal niya nang biglang may lumapit sa isang alalay sa kaniya.
''Boss, may meeting pa po kayo sa kabilang hotel,''
''Gano'n ba? Sige ipahanda mo na ang helicopter,'' sambit niya at ininom ang kaniyang wine.
Mabilis ko nang pinunasan ang aking bibig. ''Tito Ysmael,''
''Please call me now lolo iha,'' usal niya sa sa akin ng nakangiti.
''O-Okay po. L-lolo, bakit naman po masyado kayong nagpapagod?'' tanong ko sa matanda, kaya napatigil bigla si Allen na nagpupunas sa kaniyang suit.
Nagtinginan sila saglit dalawa, marahil nagulat sa naging tanong ko. ''Dapat po si Allen na lang muna ang nag-aasikaso ng lahat,''
''Iha, gustuhin ko man pero mas gusto ko na lang na ganito, dahil sa bukod nakasanayan na ng katawan at isip ko ay ayoko naman na mabulok lang ako sa kuwarto,''
''Pero nagba-vitamins ka naman lolo 'di ba?''
''Oo iha, 'di ko naman pinababayaan ang sarili ko,''
''Eh lolo natutulog ka naman ba ng maayos?''
''Oo naman iha, alam natin money is money pero kailangan natin ingatan ang katawanan natin dahil ito ang puhunan,''
''Tama ka lolo. Kaya uminom po kayo lagi ng tubig at gatas naman po bago kayo matulog.'' Hindi na siya sumagot sa akin, kundi ang tumingin lang ng napakatamis kay Allen.
''Tutuloy na ako, mag-iingat kayong dalawa,'' usal niya at inayos na ang sarili. Lalakad na sana siya, nang muli siyang humarap sa amin.
''Apo?''
''Yes lolo?'' sagot ng katabi ko.
''Apo, masaya ako dahil mayroon ka ng Blessica sa tabi mo. Mapalad ka dahil natagpuan mo na siya, kaya kung pagpapanggap lang ito, sana -- sana mali lang ako ng iniisip. Nakita ko ang mga puso niyo, alam ko, alam ko na nagkasundo kayo kaagad. Ito lang ang huling masasabi ko Allen, Blessica. Tandaan niyo, isang beses lang dadaan sa buhay natin ang taong nakalaan para sa 'tin. Ngayon kung nasa harap mo na, papalampasin mo pa ba?'' huling sambit niya at iniwan na kami sa restaurant -- habang dalawa kami ni Allen ay bigla na lang nagkatitigan dahil sa mahabang narinig namin.