CHAPTER 3

1349 Words
Allen's POV Mula sa couch ay napaupo na lang ako, kahit medyo tumutulo pa rin ang tubig sa aking katawan. Samantalang ang babaeng kasama ko naman ay inaayos na ang kaniyang robe at lumakad na papunta sa pinto. ''Al-Allen kukunin mo pa ba ang number ko o -- '' ''I trust you enough Blessica, na magpapakita ka sa 'kin bukas ng gabi. See you seven pm sa hotel lobby, 'yon ay kung ayaw mong mangyari ang sinabi ko kanina,'' sabi ko at bahagyang ngumiti sa kaniya. ''S-sige,'' ''Wear casual dress sa dinner meeting natin tomorrow.'' Habang nakatingin siya sa akin, napansin ko ang romolyong laway pababa sa kaniyang lalamunan. Sigundo lang ay lumabas na siya sa pintuan, kaya mag-isa na lang ako ngayon sa silid, nang mapansin ko ang kumikinang na silver bracelet sa kama. Pagkalapit ko, mas napansin ko ang disenyo nito at itsura. Kulay silver ito at ang disenyo ay - - ''Cookies? Cookies ba 'to?'' Tinitigan ko pa ito ng ilang sigundo, saka inilagay na sa unang drawer ko. ''Bukas na kita ibabalik sa amo mo ha, 'yon ay kung magpapakita siya,'' usal ko at nagbanlaw na para makatulog na ng maaga. Kinabukasan... Seven pm pa kami magkikita ni Blessica, kaya ngayong alasais ng gabi ay napatambay muna ako dito sa kuwarto ni Rumir. Kasama ko rin dito sina Chris at Lexter. ''Hay nako, akala ko pa naman ay girlfriend mo na. Pa'no ka naman nakasisiguro na magpapakita siya sa 'yo mamaya? Sa tingin mo ay sisiputin ka ng babaeng 'yon?'' panimulang sambit ni Chris habang nakangisi sa akin. ''Hmm,'' iyon lang ang naisagot ko habang hawak-hawak ang naiwang bracelet niya. ''Anong hmm? Hays, iba talaga ang saya kapag na enjoy mo ang buong gabi mo eh no,'' pangangasar naman sa akin ni Lexter habang nagtitipa sa kaniyang laptop. ''Guys, may deal kaming dalawa kaya subukan lang niyang magpaloko loko sa 'kin.'' Ngiti ngunit seryoso kong sambit sa kanilang tatlo. ''Nga pala, una na akong bumaba dahil -- '' ''Teka 'tol, sasama na kami pababa sa 'yo para makilala na rin namin siya,'' singit naman ni Rumir at biglang napatayo na sa kaniyang kinauupuan. ''Ano? Kay lolo Ysmael ko lang siya ipakikilala kaya parang awa niyo na, tigilan niyo na ako sa pangungulit dahil hindi ko naman siya totoong nobya,'' huling sambit ko at lumabas na ng silid ni Rumir. Pagkasara ko ng pinto, ay agad akong napapikit ng mata. ''Tama ba 'tong ginagawa ko?'' Napakamot pa ako sa aking leeg, hanggang sa pumasok na lang sa elevator pababa. ''Matapos at mairaos ko lang ang gabing 'to, magpapahinga at magliliwaliw talaga ako ng malala,'' Pagkarating ko sa lobby ay napatingin ako sa orasan, at napansing saktong alsyete na ng gabi. Tumingin tingin ako sa paligid pero bigo akong makita ang anino niya, hanggang sa namataan ko ang isang babaeng umiinom mag-isa. Hindi ako puwedeng magkamali na hindi siya si Blessica, kilala ko ang perpektong tangos ng ilong niya, ang lalim ng kaniyang dimple, ang kutis ng kaniyang balat, maliban na lang sa mata nito ngayon na kulay itim na. Sanay akong makakita ng mga babae. Pero ba't no'ng nakita ko na ang ayos at bihis ngayon Blessica, b-bakit -- nanghina bigla -- ang mga tuhod ko? Napatago ako sa halamanan at mas tiningnan ang kaniyang pagkatao. Nakasuot siya ng kulay itim na dress, hapit sa kaniyang katawan at may gloves sa kaniyang mga kamay. Napakakinis ng kaniyang dibdib, kaniyang mga braso lalo na ang kaniyang mapuputing hita dahil sa slit. Ngunit ang lalong nagpaganda sa kaniya ay ang kaniyang mukha. Napakaayos ng kaniyang buhok at ang kaniyang light make-up ay mas lalong nag-matched sa kaniyang ngiting nakakahumaling. ''A-anong sabi k-ko? Humaling?'' bulong ko sa sarili ng biglang -- ''Hoy!'' ''Uy Rain -- n-nandiyan ka na pala,'' usal kong utal-utal sa kaniya. ''May tinataguan ka ba diyan?'' saad niya at lumilingon kung saan ako kanina nakatingin. ''W-wala ah, s-sino naman ang tataguan ko?'' Hindi muna siya agad umimik at niliitan pa ako ng mata. ''Fine, sige aakyat na ako. Anyway, goodluck sa meeting niyo ng lolo mo. Minsan lang kayo magkita no'n at tiyak na hahanapan ka na naman niya ng -- '' ''Rain malapit na ang meeting ko with lolo, kita kits na lang mamaya around nine pm,'' ''A-alright,'' saad na ngiti niya at lumakad na papunta sa elevator. Noong nawala na siya sa paningin ko, saka ko na ibinuga ang napakalalim ko na mga buntong hininga, maging ang pawis ko sa noo na namuo na! Pero ang lalo kinalabog ng dibdib ko ay no'ng -- ''Hoy Allen!'' Tinapik niya ng napakalakas ang braso ko. ''Ang lakas pa ng loob mo na lagyan ng laman ang tiyan ko kapag pinagtaguan kita. O anong ginagawa mo ngayon? Ikaw yata ang nagtatago eh!'' singhal ni Blessica na mayro'n pang pang-urat na mukha! ''B-bakit naman kita pagtataguan, baka nakakalimutan mong meeting 'to kasama si lolo,'' pagsisinungaling kong dahilan sa kaniya. ''Edi tara na, nang matapos na ang kalokohan na 'to.'' Ngumiti siya at humawak na sa braso ko. Teka anong mayro'n? Bakit gano'n ang mood niya ngayon? Mukhang confident siya sa ginagawa naming pagkukunwari ah? Pumunta na kami sa destined table at payapa nang naghihintay kay lolo Ysmael. ''A,'' usal niya na nakaupo sa kanang bahagi ko. ''Ano sabi mo?'' Kumunot ang aking noo, at napayukom ang aking kaliwang kamay na nasa ilalim ng lamesa dahil sa labis na kaba. Mas magandang nasa kanang parte ko siya nang sa gayo'n na kapag nagbago ang isip niya ay mahaharangan o mapipigilan ko pa ang katabi kong 'to. ''A, shortcut sa pangalan mo,'' ''Allen ang pangalan ko. Two syllable na nga lang 'yan tapos lalagyan mo pa ng short cut,'' ''Hmm, wala lang. Bakit ba eh trip ko eh?'' Itinaas niya ang kaniyang kilay, na kung saan ay ikinababa na ng kaba ko. Sa tingin ko ay hindi naman magiging disaster ang meeting namin ngayon kasama si lolo. Ilang minuto pang paghihintay, narinig ko na mula sa kinauupuan namin ang napakalakas na tunog ng helicopter. Hindi ako puwedeng magkamali, si lolo Ysmael na 'yon kasama ng kaniyang mga alipores. Sumaglit pa kasi siya kanina sa ibang syudad dito sa Singapore. ''Blessica ready ka na ba? Bakit mukhang confident ka?'' ''Alam mo na kung ano ang dahilan animal ka,'' sabi niya at pinandilatan pa ako ng mata. ''Sinong animal? Ako?'' ''At sino pala Allen? Ako?'' Itinaas na naman niya ang kaniyang kaliwang kilay, na hindi ko alam kung ba't ako natutuwa kapag nakikita ko ang mukha niyang gano'n! ''Sige, just name your price Blessica,'' wika ko, pero mas lalo lang kumunot ang kaniyang noo, na lubha ko ng ikinangiti ngayon! ''Blessica ulitin mo nga ang gano'ng mukha, dali I will double the price,'' ''Ahh, mukha akong pera sa tingin mo? Ikaw halika natutuwa ako sa 'yo eh.'' Sa bilis ng kaniyang kamay ay agad niyang nahawakan ang kanang patilya ko at inaangat 'yon, nang biglang -- ''Apo, bakit mukhang nag-aaway kayo ng girlfriend mo,'' panimula ni lolo Ysmael saka umupo na sa harap namin. Isinirado na rin ng isa sa kaniyang alipores ang mga harang at tumayo na sa 'di kalayuan. ''H-hindi lolo, may mis-understanding lang po kami ni -- '' Dahil sa hindi ako nakaganti sa ginawa niyang paghiwala ng patilya ko, pwes ngayon na ako gaganti! ''Come again apo?'' ''May mis-understanding lang po kami ng babe Blessica ko,'' saad ko kaya biglang lumaki ang mga mata niya sa 'kin. Naramdaman ko ang madiing kurot niya pero pinagwalang bahala ko na lang 'yon. ''Babe meet lolo Ysmael, one of the best businessman in the world I've know. Lolo, meet the love of my life, my dearest Blessica.'' Hindi ko maiwasan na hindi matawa, lalo no'ng biglang lumaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko noong nakikipagkamay na siya kay lolo Ysmael. Kanina, bago ako umalis sa kuwarto ay sumulat muna ako sa sticky note at isinulat ko na magliliwaliw at magwawalwal ako pagkatapos ng gabing 'to. Pero bakit mukhang -- gusto ko ang mga nangyayari? Hanggang isang gabi ko lang ba talaga siya makakasama -- o mga ilang araw pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD