Allen's POV
Marahil sa stress na naramdaman ko kanina kay lolo Ysmael, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako! Napatayo ako kaagad mula sa pagkakalubog sa jacuzzi!
Tumingin ako sa paligid at nawala na ang babaeng kasama ko kanina!
''B-Blessica!'' malakas na sigaw ko na umaalingawngaw sa buong silid, pero wala man lang akong natanggap na sagot!
Sa labis na pagkadismaya, napaupo na lang ako sa upaun habang nakatingin sa labas ng building. Imbis na matuwa ako sa night view ng Singapore, ewan ko ba at nawala na ang aliw ko. ''Hays, mukhang ginamit lang ako ni -- ''
''Sinong kausap mo? May problema ba?'' biglang sabi -- ng babaeng kanina ko pa hinahanap. Inabot niya sa akin ang glass na naglalaman ng wine at umupo sa katapat kong upuan.
''S-saan ka galing?'' wika ko at napakagat ng labi.
''Woah Allen, mukhang masyado mo naman yata akong inangkin? Baka nakakalimutan mong KUNWARI lang na boyfriend kita ha?'' Ngumiti siya akin -- na 'di ko ba alam pero -- mukhang tinamaan yata ako sa babaeng 'to?
Napakinis ng puti niyang balat, napakatangos ng kaniyang ilong at napakalalim ng kaniyang dimple -- dagdag pa ang malaki niyang --
''Hoy!'' Tinampal ako ng kaharap ko at pinisil ang aking ilong.
''H-huh?''
''Anong huh? Bakit ka nakatingin sa dibdib ko! You pervert!'' Hinampas niya sa akin ang kaniyang towel at itinaas ang kaniyang kilay.
''H-hindi ah, n-napatingin lang ako -- sa neck lace mo,'' pagsisinungaling ko at pilit na pinipigian ang pagtawa ko.
Naiinis ako kung bakit -- kung bakit ang gaan naman yata ng loob ko sa kaniya agad?
Ang kaharap ko, tumayo na't tumingin sa night view dito sa Singapore. ''Anong ginagawa ng isang napakagandang binibini dito sa Singapore?'' wika ko habang nakatingin sa reflection ng kaniyang mukha mula sa glass wall.
''Hmm, nandito ako para makipagkita sa isang lalaki,'' sagot niya, dahilan ng pagkabahagyang lungkot ko. Mukhang pangtakip niya lang talaga ako ngayong gabi.
Lumapit na siya ulit pabalik sa 'kin at muling umupo sa tapat kong upuan.
''Hinahanap mo ba ang boyfriend mo Blessica,'' matamlay na tanong ko habang nakatingin sa aking paa.
"Huh? Haha," sambit niya at bahagyang napatawa. "Allen, sana nga boyfriend lang ang hinahanap ko kasi madali lang naman 'yon hanapin. Kaya lang hindi eh, hindi 'yon ang sadya ko dito,"
"Ed-edi sino pala?" tanong ko, marahil umaasa sa kaniyang isasagot.
''Ang ama ko. Ang hinahanap ko ay ang ama ko Allen,'' sagot niya, dahilan nang biglang pag-angat ng ulo ko.
Dahil sa kaniyang sagot ay parang bumalik ang lakas at ganda ng aking mood. ''A-no? Ahh, nandito rin siya sa Singapore,''
''Oo,'' bulalas niya at humingang malalim. ''Walang panahon ang ama ko sa 'kin Allen,'' dagdag pa niyang saad at paklang ngumiti sa 'kin.
''M-may I know his name?''
''Huwag na Allen. Sige na, magbihis ka na at may conference meeting pa kayo bukas,''
Teka, paano niya nalaman?
''Oh, alam ko 'yon Allen dahil halos puro businessman ang naka-booked ngayon dito sa hotel,''
''Hoy Blessica marunong ka ba magbasa ng isip?'' Hindi siya sumagot sa 'kin kundi ang ngumiti lang ng napakatamis.
''Magbihis ka na at bumalik na sa kuwarto mo, good night Mr. Saavedra,''
Patayo na siya nang bigla kong hawakan ang kaniyang kaliwang kamay. ''Wait, s-sandali -- Blessica,''
''Bakit? You look so woried, okay ka lang ba?'' Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, bakit naman kasi parang kilalang kilala na niya ako kung magsalita siya?
''Blessica, magkakilala ba tayo?'' Tinampal na naman niya ako pero mahina lang naman, hindi katulad ng ugali naming magkakaibigan na malakas magsampalan.
''Baliw ka talaga, ni ngayon mo nga lang ako nakilala eh,'' paliwanag niya at muling umupo sa katapat kong upuan.
''Tagasaan ka?''
''Secret,''
Hinawakan ko ang baywang niya at lumapit pa sa kaniyang mukha. ''Sasabihin mo o hindi?''
Napakagat siya sa kaniyang labi, na dahilan -- na biglang pagtayo ng alaga ko! Damn it! Mabuti at makapal ang tapis ko!
''M-Manila,''
''Foreigner ka ba Blessica?''
''What? Baliw pure Filipina ako!'' Humiwalay siya sa akin, at inayos ang kaniyang suot na robe.
''So you mean -- ''
''Ahuh, contact lenses lang itong blue eyes ko,'' usal na ngiti niya dahilan para makita ko na naman ang lalim ng kaniyang dimple.
''Allen, bumalik ka na sa -- ''
''Sandali, may pag-uusapan pa tayo,'' usal ko at tinabunan pa ng isang tuwalya ang aking hinaharap.
''Allen Gabrielle Saavedra, ano? Kulang pa ba sa 'yo ang thank you and pa-jacuzzi?''
Humingang malalim muna ako bago magsalita. ''Blessica, noong nakita mo akong mag-isa sa lobby ay problemadong problemado ako,''
''Oo nga napansin ko kanina, teka bakit nga ba?'' tanong niya at inubos na ang kaniyang wine.
Hindi ko alam pero parang naging bato ang dila ko sa puntong 'to! Hindi puwede! Kailangan ko siyang mapapayag!
''Ano, magsasalita ka ba?'' ulit niyang sabi sa 'kin.
''Blessica, c-can you be -- my -- fake girlfriend?'' Lumaki ang mga mata niya at biglang napatayo.
''Allen, kaya ko lang nagawa 'yong kanina dahil sa may naghahabol sa 'kin at -- ''
''At because of that I saved you right?''
''O-oo pero saglit lang naman 'yon saka -- ''
''Saglit lang din 'yon Blessica, dinner meeting lang 'yon kasama si lolo Ysmael. Kaya please, save me like how I saved you,'' pagmamakaawa ko at hinawakan ang kaniyang malambot na kamay.
Ilang minuto ay naging tahimik lang kami, hininga niya lang at t***k ng dibdib ko ang aking naririnig.
''Ba't naman kasi kailangan mong magkunwari? Sa gwapo mong 'yan, wala ka ba talagang girlfriend?'' saad niya at hinawakan ang aking baba.
''Tss, gwapo lang ako, pero -- '' Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang takpan ang aking bibig.
''Allen, b-bakla ka?''
''A-ano? No!'' Napatayo ako bigla maging siya sa aming kinatatayuan.
Lumapit ako ng dahan-dahan sa kaniya, habang siya naman ay dahan-dahang napapaatras sa glasswall.
Tumutulo pa rin ang tubig sa aking katawan, kahit maging siya ay gano'n din. Pagkalapit ko sa kaniya ay inilagay ko kaagad ang dalawang kamay ko sa pagitan niya.
Halos isang dangkal na lang ang layo ko sa kaniyang mukha, dinig na pati ang t***k ng mga puso namin.
Tinitigan ko ang mata niya, pinakiramdaman kung ano man ang kaniyang nararamdaman ngayon.
''Ano, pumapayag ka na ba Blessica?''
''A-anong bang gagawin ko,''
''For just one time, be my fake girlfriend and -- ''
''What?'' mahinang tanong niya.
''I know that you heard me,'' sagot ko, saka lumakad na papunta sa may pintuan.
Pagkahawak ko ng door knob ay muli akong humarap sa kaniya. ''Ano na Blessica? Bakit 'di ko pa rin naririnig ang sagot mo?''
''Paano kung iba na lang ang kapalit sa -- ''
''Ba't, ibibigay mo ba?'' Tiningnan ko ang mukha niya, pababa sa kaniyang leeg, dibdib at ibabang parte.
Napansin ko ang paglunok niya ng laway at inayos ang suot niyang bathrobe. ''O-oo na, p-pumapayag na 'ko. Magkita na lang tayo bukas at -- ''
''Sinong nagsabing hihiwalay ka sa 'kin? Sumama ka sa 'kin papunta sa kwarto ko.'' Lumabas na ako sa malawak na banyo at muli nang nagbihis.
Uubra kaya siya ngayon sa 'kin?
BLESSICA'S POV
Sanay ako na makisalamuha sa mga mayayaman at may mga pinag-aralang tao partikular na sa mga lalaking businessman.
Pero sa lalaking 'to -- hindi ko ba alam -- kung ba't ang hirap akong mag-isip ng maayos kapag tinititigan niya ang mata ko at --
''Blessica ano na? Paghihintay mo ba ako dito sa pinto?'' mahinahong tanong niya na lalong kinalabog ang aking dibdib!
Ang abs niya kanina, ang malaking umbok ng kaniyang --
''Susunod ka Blessica o bubuhatin pa kita?'' Wala akong naging imik hanggang sa binuhat na niya ako sa kaniyang balikat papalabas ng silid mismo!
''Allen naka-robe lang tayo! Bitiwan mo ako Al -- ''
''Gusto mo maiskandalo? Sige sumigaw ka at baka makunan tayo ng litrato dito sa hallway,'' sambit niya, dahilan para mapatikom na lang ang aking bibig.
Salamat na lang dahil pagkarating ng elevator ay ibinaba na niya ako, dahil sa may kasama kaming isang janitor.
''Allen, kailangan ko pumunta sa room ko para kumuha ng damit,''
''Ba't kailangan mo pang magdamit talaga?'' Nanlaki ang mata ko dahil sa naging sagot niya kaya na hampas ko bigla ang kaniyang braso!
Napatingin ako sa lalaking janitor at nakita ko siyang nagpipigil ng kaniyang -- tawa o kilig?
''Ang sweet niyo naman pong mag-boyfriend ma'am sir,'' usal niya at nauna nang lumabas sa elevator pagkabukas.
''Tingnan mo Allen, baka ano pa ang isipin no'n!'' singhal ko pero tumawa lang siya at lumabas na ng elevator.
Napakagat na lang ako ng labi ko, napatingin tingin sa paligid at napilitan na lang sundan kung nasaan papunta ang kasama ko.
Hanggang sa nakarating na kami sa kuwarto niya. B-bahagyang nanlambot ang aking tuhod, dagdag pa ng lamig ng tubig sa katawan ko!
''Stay like it's your room Blessica,''
Natawa ako bigla sa sinabi niya. ''What are you expecting me to do? Na maglakad lakad dito ng nakahubad Allen?'' usal ko at pinandilatan siya ng mata.
''Gano'n ka sa kwarto mo? Huwag mo ugaliin 'yon dahil maraming CCTV camera dito, pero kung kasama mo 'ko at sasayaw ka diyan, okay lang naman siguro na -- '' hindi na siya natapos sa pagsasalita, nang biglang na 'kong sumakay sa likuran niya at hinila na ang kaniyang dalawang patilya!
''ARAY BLESSICAAAAA!'' Dahil sa sakit, napapunta kami sa malaking kama niya at doon ako ibinagsak.
At sa bilis ng pangyayari -- nagulat ako ng sobra no'ng napahiwalay siya at agad pumatong sa 'kin. Hinawakan niya ang aking magkabilaang kamay, tiningnan ang mukha ko -- pababa sa leeg ko kaya --
''Allen please -- pabalikin mo na 'ko sa kuwarto ko,''
''Ano ba sinabi ko?'' kalmadong tanong niya habang nakadagan pa rin sa 'kin, na halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin!
''Allen naman? Sige nga, isasama mo 'ko bukas tapos gan'to mo ako ipapakita sa lolo mo? Na naka-robe lang? S-seriously?''
''At paano kung 'di ka bumalik sa 'kin bukas ng gabi para sa meeting? Huh?''
''Basta magpapakita ako -- ''
''Dapat lang Blessica dahil kung tataguan mo ako at magkataong makita ulit kita, tiyak na mapipilitan kong lagyan ng laman 'yang tiyan mo,'' sambit niya at umalis na sa pagkakadagan sa akin.
A-anong --
ANONG SABI NIYA!