Allen's POV
Mula sa sasakyan ay paalis na kami ni Blessica dito sa hospital. Alasdose na gabi pero hindi ko pa rin maramdaman ang antok, ni ang kahit kaunting pagod. Kahit itong kasama ko na siya ang halos mismong nag-asikaso sa biglaang kasal ni Shasha at Lexter ay bakas pa rin ang saya ang sigla sa kaniyang mukha.
Habang naglalakbay na sa daan, nakatingin lang si Blessica sa tanawin sa labas at walang imik. ''B, ano pagod ka na no?''
Tumingin siya sa akin at matamis lang akong nginitian. ''Hindi A, 'di lang ako mapaniwala -- sa himalang nangyari kay Shasha,''
''Hays, kahit naman sino ay nagulat. Isipin mo, nabuhay pa siya. Salamat na lang talaga sa tito Ben mo.'' Humawak ako sa baba niya at mabilis na humalik doon.
''Napakasaya ko ngayon para kina Lexter at Shasha, they really fated to love each other,'' sambit ko at muli nang tumingin sa daan.
Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasan na hindi alalahanin kung paano kami nagkakilala ni Blessica.
Almost three years ago flashback..
Nasa Singapore kami noon dahil sa world summit meeting kasama nila Lexter, Chris at Rumir. Noong gabing iyon, inis na inis ako dahil sila, kahit papaano ay mga babae na sa buhay nila, na kahit mga away at pusa pa. Samakatuwid, kung mga may labas-labas man kami, ako lang talaga ang mag-isang walang partner.
Noong una, si lolo Ysmael lang ang nang-iinis sa 'kin kung mag-isa na lang ba talaga akong tatanda? At hindi lang 'yon dahil hinahanapan niya na rin ako ng apo! Tapos ngayon, dumagdag na ang pressure, mula sa mga kaibigan ko!
Naka-booked kami sa hotel sa Singapore, halos alauna na ng madaling araw.
Kung ang mga kaibigan ko ay tulog na sa kani-kanilang mga kuwarto, ako naman ay mag-isa lang dito sa pool. Naka-business suit pa rin ako habang hawak ang isang baso ng Scotch at may malalim na iniisip.
Sa pagkakataong 'to, hindi ko lubos akalain -- na akong pinakamabait sa aming apat, ay ako pa talaga ang walang girlfriend ngayon. Bagong kasal sila Rumir at Rain, at ito rin ang tagpong nagkakilala sina Chris at Amara. Sa kabilang banda, si Lexter at Shasha naman ay away-bati pa. Pero ako? Sinong mayro'n ako? Wala, walang iba kundi ako lang, sarili ko lang ang tanging kasama ko.
"Bakit gano'n? Bakit ako pa ang walang girlfriend sa 'min? At hindi naman hamak na ako ang pinaka-angel, 'di magagalitin at taong mapagbigay ng konsiderasyon. Ang totoo nga niyan ay hindi dapat ako qualified sa Four Bad Boys na grupo namin. Pero tingnan mo naman? Nauna pang magka-girlfriend ang mga kaibigan kong masamang damo?" Napapangiti at napapailing na lang talaga ako mag-isa, -- nang biglang may lumapit sa 'kin na isang babae -- isang napakagandang nilalang.
Halos tumigil ang t***k ng puso ko -- huminto ang mundo ko -- nang makita ang napakagandang kulay asul na mata niya, pero ang lalong kinagulat ko ay no'ng nagsalita siya ng Tagalog!
"H-hi, p-puwede tumabi muna ako sa 'yo?" sambit niya habang paupo sa katapat kong umupan, habang ako naman ay halos walang marinig kundi ang kalabog lang ng dibdib ko.
"Oh I'm sorry, I thought I heard you saying Filipino --"
"Y-yes, I'm Filipino," pagkumpirma ko at tumingin sa likod niya.
"Okay ka lang ba? Mukhang may humahabol sa 'yo ha?"
"O-oo, shhh -- hmm -- p-puwede mag-request?" sambit niya habang alalang-alala ang mukha.
"C-can you be my boyfriend -- for now?" pakiusap ng napakaganda at mistisang dalaga, habang ang isip ko hindi maiwasang hindi matawa, dahil ilang sigundo lang bago dumating siya ay nagdradrama lang ako!
"S-sure, a-anong -- pangalan mo?"
"My name is, B-Blessica -- Blessica Althea Torres. Y-you?" hingang malalim niya at hinawakan ang kaniyang bag purse.
"I'm Allen Gabriel Saavedra, you can simply call me Allen," usul kong nakangiti sa kaniya at humawak sa kaniyang palad.
Tahimik lang siya habang bahagyang nagtatago sa kung sino man. ''Hays, mabuti at umalis na,'' usal at hingang malalim niya.
''Mukhang nakalusot ka na Blessica sa problema mo, hmm. Do you want to go somewhere else?" Tumungo siya sa akin at nauna nang lumakad paalis sa pool area.
Siya na ang unang naglakad paakyat ng hotel at -- hindi ko lubos akalain na dadalhin niya ako sa kaniyang kuwarto.
"What are we doing here?" panimulang tanong ko habang nakatingin sa buong silid na tinutuluyan niya.
"Because of saving me earlier Allen, I want you to have in return," saad niya habang binababa na ang strap ng kaniyang black velvet dress.
Nakakatukso man, pero agad na ako lumapit sa kaniya at agad pinigilan kung ano man ang kaniyang ginagawa. "'Yan ba ang hiningi kong kapalit kaya dinala mo 'ko dito?"
"Bakit? Ayaw mo bang mag-swimming?" saad niyang nakakunot ang noo, at ako, binalot na ng kahihiyan ang buong sarili!
"Ah -- oo -- s-swimming, right -- tara s-swimming tayo," pagpapalusot ko at kinamot ang aking baba.
"Whatever you're thinking Allen, hindi ako ganiyang klaseng babae." Napatitig ako sa mata niya, tiningnan ang kaniyang napakapulang labi.
May bigla akong naramdamang kakaiba, lalo na ang init na mabilis dumaloy sa aking buong katawan. Mas magandang guluhin ko na lang ang mga kaibigan ko kaysa ang magtagal pa dito. "Blessica, m-may gagawin pa pala ako, mauuna na ako,"
"Okay, anyway thank you for your help earlier,"
Nasa pintuan na ako at hawak na ang door knob ng pinto, nang muling humarap ako sa kaniya. "Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo kanina? Anong mayro'n?"
"You wanna know why? Why don't you join me instead and have conversation with me?"
At sa mabilis na pangyayari, nasa jacuzzi na kami sa kaniyang bathroom. Parehas ang puwesto ng jacuzzi niya sa silid ko sa itaas, maging ang glasswall kaya kitang kita ang napakagandang night view dito sa Singapore. Sadyang mas mataas lang ng talaga ng kaunti ang palapag ng kuwarto ko dito sa hotel kaysa sa kaniya.
I'm topless and her, wearing a yellow stripe sexy suit -- that make my manhood stand in a instant! Lintik, mabuti na lang talaga at nasa tubig na ang kalahating katawan ko!
"Going back, bakit ka biglang tumakbo papalapit sa 'kin kanina? At nakipag-deal ka pa na maging pekeng boyfriend mo?"
"Again, mayroon ngang humahabol sa akin at -- "
"Are you criminal? Ex-convict? Baka -- " hindi na ako nakatapos sa pagsasalita nang bigla niya akong wisikan ng tubig sa mukha.
"Hoy Allen Gabrielle Saavedra, I'm not a -- " siya naman ang napatigil sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Napatitig ako at napag-alamang si Chris ang tumatawag. "Sino 'yan Allen? Sagutin mo na dahil baka mamaya ay urgent 'yan," sambit niyang naka napakatamis sa 'kin.
Dear God, puwede ko ba siyang iuwi sa bahay!
Nagtapis na ako, tumayo na dala ang cellphone at pumunta sa 'di kalayuan. "Chris bakit -- "
"Hoy sino 'yang chicks na kasama mo?" Napahawak ako sa bibig ko bigla.
"A-anong sinasabi mo -- "
"Aba-aba nagsisinungaling ka na sa amin? Lexter kausapin mo nga 'to si Allen!" sigaw ng kausap ko mula sa kabilang linya. "Hello Allen? Aba, wala ka talagang balak na umamin sa 'min ha?Kaya naman pala hindi ka namin mahuli-huli, 'yon pala ay nandito pala sa Singapore 'yang girlfriend mo. Ipakilala mo na kaya sa amin, oh Rumir ikaw naman kumausap! " sigaw naman na pangangasar ni Lexter at marahil iniabot na ang cellphone kay Rumir.
"Hello 'tol, bukas mo na lang ipakilala 'yan sa amin, sakto may meeting pa tayo bukas. Huwag mo rin kalimutan na kailangan mong may maipakilalang girlfriend sa lolo Ysmael mo, alam mo naman 'yon 'di ba? Sige na, have a good time at pasensyahan mo na ang dalawang unggoy dahil bahagyang nakainom na, bye and have a great night," huling usal niya at pinatay na ang tawag.
Dahil sa sinabi niya, napakamot na lang ako sa aking baba, binalot ng stress sa aking kinatatayuan. "Sh*t si lolo nga pala,'' usal kong mahina sa sarili.
Palakad-lakad ako sa labas ng jacuzzi, nang bigla ko naalala ang huling sinabi ni Rumir. "Hmm." Napabuntong ako ng hininga at bumalik ulit sa babae na kasama ko na may pipino ang kaniyang mata.
"Blessica?" panimulang wika ko ulit sa kaniya.
"Hmm?"
"M-may gagawin ka ba bukas?" sambit ko at inilubog ulit ang katawan sa maligamgam na tubig.
Mukhang 'di naman ako siguro mahihirapan sa babaeng 'to, para kunwaring maging girlfriend ko kay lolo Ysmael. What a piece of cake!
"Teka, mapapapayag ko nga ba siya o hindi?" bulong ko sa isip at pinili na lang munang umidlip, bago sabihin sa kasama ang naisip kong plano para kay lolo Ysmael bukas.