LUNA | OTSO
“TANGINA,” rinig niya mula kay Elliot. “Hanggang ngayon hindi ka pa tapos? Labas! Ako naman!”
He immediately detached his lips from hers and faced the guy with a poker face. “Ayoko. Bagong dating ako dito, kailangan ko rin pagsawaan ‘to.”
He mentally punched himself for saying those phrases. May masama na ngang nangyari kay Isabel tapos nakuha pa niyang sabihin ‘yon? Parang ang bastos sa pandinig ng isang babae ‘yon! Pero iyon lang ang naisip niyang paraan para hindi na maranasan ng dalaga ang mga sinapit nito rito sa loob ng tatlong araw.
Tumayo siya at nilapitan ito. “Pwedeng maghintay ka na lang sa labas? Kakausapin ko pa ‘to,” sabi niya kay Elliot nang hindi ito lumabas ng kwarto.
"Wala kang mahihita sa babaeng 'yan, Centimos," seryosong wika nito sa kanya.
Hindi na pinansin ni Cent ang sinabi nito at saka na lang niya ito tinulak palabas ng kwarto. “Magbantay ka na. Baka dumating na si Boss. Mapagalitan ka no’n kapag nakita niyang hindi ka nagbabantay sa labas.”
Wala na rin nagawa ang kasama niya. Takot lang nitong maparusahan ni Damon.
Mabilis na sinara niya sinara niya ang pinto at ni-lock iyon saka niya nilapitan si Isabel. “Pasensya ka na do’n sa h-halik kanina, ha? Baka hindi na kita matulungan kung hindi ko ginawa ‘yon.”
Her lips parted as if there is something she want to ask him pero walang salita na namutawi sa bibig niya. Nakuha naman ni Cent kung ano ang gustong sabihin ng dalaga kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Tutulungan kitang makatakas,” mahinang sabi niya. Sapat iyon para marinig ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata nito nang maisip ang sinabi niya rito. “T-Takas? Itatakas mo ‘ko?”
Tumango siya. “Tutulungan kita at kailangan mong makatakas ngayong gabi.”
“Pero paano? Eh, may bantay sa labas.”
Saglit na natigilan at nag-isip si Cent. Palingon-lingon tuloy siya at sinusuri ang maliit at maduming kwarto. Nang magawi ang tingin niya sa bintana, kaagad na tumayo siya at nilapitan iyon. Sinuri niya ang bintana, jalousie lamang iyon at mabuti na lang wala itong barricade. Tiyak siyang magkakasya si Isabel doon.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, mabilis niyang tinanggal isa-isa ang nasa pitong jalousie glass ng bintana.
“A-Anong ginagawa mo?”
“Tinutulungan nga kita,” sagot niya habang tinatanggal ang panglimang salamin.
“Eh, paano kung mapahamak naman tayo sa ginagawa mo?”
“Ang mahalaga, mabubuhay ka. Ako lang ang mapapahamak,” sagot niya. “At kung makalabas ka man dito, dumiretso ka lang ng takbo tapos may makikita kang patag na daan. Tiyak na may dumadaan pang sasakyan niyan do’n.” Hinarap niya ulit ang pagsira sa bintana.
Nang matanggal na lahat ng salamin, tinulungan niyang tumayo si Isabel. Medyo nahihirapan maglakad ang dalaga marahil na rin sa dinaramdam nito sa pribadong parte ng katawan nito. Cent carried her in a bridal style.
“Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang ha? ‘Wag kang lilingon. Huwag ka nang lumingon,” paalala niya.
Tumango naman si Isabel.
Ngunit pareho silang napalingon sa nakasarang pinto nang makarinig sila ng mga boses at yakap mula sa labas ng kwarto. Natatakot at kinakabahan man ay piniling maging kalmado ni Cent nang ilabas niya ang mga ibabang parte ng katawan ni Isabel sa sinirang bintana. Gumalaw ang dalaga at tiyan nito ang nilapat sa frame. Napangiwi pa ito.
“Cent, buksan mo itong pinto,” boses ng kanyang Boss na si Damon Espana.
Nilingon niya ulit si Isabel na tila nahihirapang abutin ng paa nito ang lupa. Cent rattled in and outside. Namumuo ang butil ng pawis nito sa sentido at palipat-lipat ang tingin sa pinto at sa dalagang tinutulungan.
“Dali, Isabel. Baka hindi lang ako ang mapuruhan, pati ikaw.”
Naramdaman niya ang pagkapit ni Isabel sa balikat niya at ang pagtili nito nang may isang pwersa ang bumukas ng pinto. Sira ang doorknob niyon. There’s a leg visible on the halfway of the door frame.
Parehong napalunok at nanlaki ang mga mata nila ni Isabel nang pumasok si Damon kabuntot nito ang tatlong kasa-kasama nito na sina Alex, Benjamin, at Elliot. Iniwas ni Cent ang tingin sa matatalim na titig ni Damon sa kanya.
Tumingin siya kay Isabel at bahagyang tumango. “Sige na, kaya mo ‘yan,” udyok niya. Nakita niya ang pag-aalinlangan nito sa mukha. Sa unang pagkakataon sa loob ng limang taong pagtatrabaho niya kay España, ngumiti siya. Binigyan niya ng isang ngiti si Isabel. “‘Wag mo na akong alalahanin. Ang importante, makatakas ka rito.”
“P*tangina mo, Centimos!” sigaw ni Elliot at iyon ang hudyat para ipilit ng dalaga na makaapak ang paa nito sa lupa.
Kahit papaano ay nawala ang takot at agam-agam ni Cent para kay Isabel. Malaya na sila. Malaya na siya.
꧁꧂
“P*TANGINA mo, Centimos!” sigaw ng isa sa mga tauhan ni Damon at iyon ang hudyat para ipilit ni Isabel na makalabas sa bintana at iapak ang paa niya sa lupa.
Mababa lang iyon kung tutuusin. Nahirapan lang siyang bumaba dahil sa sakit na iniinda ng kanyang katawan. At dahil may kataasan ang binata, nakikita pa rin niya si Cent sa loob ng kwarto kung saan siya nagmula. May ngiti pa rin ito sa labi. Ang kauna-unahang ngiti na ibinigay nito sa kanya.
Binigyan niya ito ng tingin ng pasasalamat. Ngunit bago siya tumalikod, nakarinig siya ng putok ng baril na ikinatili niya. Noon niya nakita ang unti-unting tumutulong dugo mula sa sentido ni Cent pababa sa mukha nito at bigla na lang itong nawala sa paningin niya. She was way too shock to move her feet. Tatlong beses na siyang nakasaksi ng murder sa loob ng mahigit apat na araw.
“Ano pa ang ginagawa niyo? Habulin niyo ‘yong babae, mga gunggong!”
Nang marinig niya iyon saka siya natauhan at noon na kusang gumalaw ang kanyang mga paa palayo sa lumang bodega na iyon.
She runs through the wood and can only hear her own heavy breath as well as the sound of dry leaves crunching underneath her feet. Isabel quickened her tracks through the straight path that Cent had led her — feeling unsafe like a prey. Lalo na’t dalawa o tatlong lalaki ang humahabol sa kanya.
Hindi niya alam kung ilang metrong layo ang pagitan ng mga humahabol sa kanya pero wala siyang pakialam. Nagpatuloy siya sa pagtakbo at sa kakahuyan na puno ng matataas na puno at mga tuyong dahon na nakalatag sa lupa. At ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang nagsilbing ilaw niya habang tinatahak ang walang direksyon na daan.
Isang segundo lang siyang natigil sa pagtakbo nang makarinig ng isang putok ng baril. Pagkatapos noon ay nagpatuloy siya sa paghakbang. Hindi niya kailangan huminto dahil ito na lang huling pag-asa niya para mailigtas ang sarili.
But a scream automatically escaped her lips and her voice echoed to the wood when she felt a bullet dug in her left thigh. She stumbled a bit and almost landed on the ground filled with dry leaves. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para tingnan pa ito. Kahit na iniinda ang init ng bala sa laman niya, pinagpatuloy niya ang maliliit at paikang mga hakbang. She was wearing the black sweatshirt hoodie that Cent lent her, and the hem of her dress. She is barefoot.
As she took a steps, she could feel her blood’s already dripping and staining her fair skin. Unti-unti na rin siyang nahihilo at tila hihimatayin sa pagod at sa mga sugat na iniinda niya. But she was not going to die here. She was not going to die without a justice. Kaya kapag nakalabas siya rito, lalapit agad siya sa mga pulis.
Impit siyang tumili nang umalingawngaw na naman ang isang putok ng baril na nasundan pa ng isang beses at isa pa.
Tuluyan nang nabuhay ang pag-asa sa puso niya nang unti-unti niyang makita ang daan na sinabi sa kanya ni Cent. Hirap man ay nilakihan na niya ang mga hakbang. Hindi niya hahayaan na mahuli siya ng mga tauhan ni Damon. Hindi siya mamamatay sa kamay nito.
And as she finally had a step on the middle of the road, she breathed out in tardiness and relief. She turned her gaze to her right when something seem to flashy on her peripheral vision. When she looked at it, it was as if she had seen the light of hope. A light, literally. Before she could figure what that light is and where it is coming from, her eyes weighed down as her body enveloped weakness. She passed out.
ISABEL woke up in an unfamiliar bed, unfamiliar scent, and surroundings. She was in an unfamiliar room.
Nakahiga siya sa isang malambot na kama at may makapal na puting kumot ang tumatakip mula sa dulo ng paa niya hanggang sa ilalim ng kanyang dibdib. Nanatili siyang nakahiga at nakatitig lamang siya sa kisame na kulay abo. Blangko lamang ang isip niya — walang kulay at para bang isa itong nakapatay na ilaw at kailangang pindutin ang switch para gumana.
Her head turned to her right absentmindedly. May isang bedside table roon na napapatungan ng isang lampshade at isang lalagyan na stainless na hugis atay. Kung tama ang nakikita ni Isabel, may laman iyong bulak na nababahiran ng pulang kulay at bandages.
Nang tumingin siya sa harapan niya, mayroong wardrobe roon. Sa handle ng isa sa mga iyon, may nakasabit na itim na sweatshirt na nakahanger. She sat up on the bed as she stared at the clothe intently. Hindi niya alintana ang bandages na nakapulupot sa pagkabilang braso niya at ang kirot sa likod, binti at sa pribadong parte ng katawan niya. Kahit na itim iyon, halatang marumi ‘yon at hindi pa nalalabahan. Sa isip-isip ni Isabel, pamilyar ang damit na ‘yon para sa kanya.
Sa pagtitig niya sa damit, tila doon na napindot ang switch sa kanyang blangkong isip. Naging malikot ang kanyang mata nang umagos na parang tubig ang kanyang memorya. Para siyang nanonood ng palabas sa mga lumabas sa kanyang isip — mula sa araw na nagkakasiyahan sila ng kanyang magulang hanggang sa nakasalubong siya ng nakakasilaw na liwanag.
She remembered everything from how her parents got murdered, she was being seized and tortured to how she got out from Damon’s hideout with a help of a guy named Cent. And that black sweatshirt was owned by Cent. Si Cent na namatay din dahil tinulungan siya nitong makatakas.
Isabel shivered and silently began crying at the thought of she was being captured by that Damon again. She was too tired and abused physically, mentally, and emotionally. Masyado na siyang pagod para bumalik sa kamay ni Damon at maulit lang ang lahat.
Niyakap niya ang kanyang tuhod at saka pinatong doon ang noo. Patuloy siya sa pag-iyak na nasusundan na ng mga hikbi. Takot at na-trauma na siya sa sinapit niya at ng kanyang pamilya. Paano pa siya makakalapit sa mga pulis kung hawak ulit siya sa leeg ni Damon?
Her palm clenched the blanket as she heard the door open as well as the sound of being closed. Hindi na niya naiwasan ang panginginig ng katawan sa takot.
“How can you avenge yourself if you are that weak?” An unfamiliar voice asked.
Hilam pa rin siya ng mga luha, naglakas ng loob na iangat niya ang kanyang ulo. Tumambad sa kanya ang isang matangkad na lalaki. Marahil ay nasa one hundred seventy-seven centimeter ang taas nito. Hindi malaki ang pangangatawan nito at hindi rin naman ito payat. Naghahalo na rin ang kulay itim at puting buhok nito. Sa kulay ng buhok nito, marahil ay nasa singkwenta na ang edad nito. Simpleng T-shirt lang ang suot nito na ang kulay ay masyadong masakit sa mata, naka-cargo pants ito at tsinelas lang ang sapin nito sa paa. Seryosong nakatitig sa kanya ang kulay kape nitong mga mata na parang binabasa ang emosyon sa kanyang mata.
“Don’t worry, I am not a bad guy,” he assured with a glint of geniality in his voice. “In fact, I am the one who helped you when I saw you collapsed on Zarate Road. And you are at my humble home.”
“S-Sino ka? T-Tauhan ka rin ba ni—”
“Na-ah,” iling nito. “I told you, I am not a bad guy. I won’t harm you like those men who abused you. Anyway, I just came here to check if you are awake, and yeah, you were. Ikukuha lang kita ng makakain.” Naglakad na ito palapit sa pinto at pinihit na ang saradura.
“Sino ka?” She managed to ask without stammering.
Bago nito tuluyang mabuksan ang pinto, sinagot nito ang tanong niya. “My name is Hector Arienza. And we will ask for your name as well as I came back with that kid.”